Chapter 21

96 9 0
                                    

Kate POV

Binuhat ko ang malita at sumakay sa kotse na inarkila ni Manang para sakyan ko papuntang Airport.

Aalis na kasi ako ngayon. Kailangan ko na kasing kalimutan ang mga bagay na nakasakit sakin dito.

Lumabas muna ako ng kotse at niyakap si Manang. Umiyak ako dahil mami-miss ko si Manang. Para kasing nakakapangamba na siya yung tumayong nanay ko. Pero iiwan ko na siya.

"Mami-miss po kita manang" niyakap ko siya ng napaka higpit. Para bang ayaw ko na siyang iwan. Nakakahiya naman kasi dahil basta basta na lang akong aalis at iiwan siya.

"Basta magiingat ka lang doon. Alam mo naman sa Canada" sagot niya.

Sumakay ulit ako sa kotse at nagpaalam na. At umalis na kami ng driver paphntang airport.

Habang paalis unti unting pumapasok sa isip ko yung mga bagay na nangyari dito. Mga bagay na hinding hindi ko kayang kalimutan. Pero kailangang gawin ko.

Umiiyak ako sa kotse. At napansin naman ito ni Manong driver.

"O, baket ka umiiyak hija?" tanong ni Manong driver

"Wala po. Marami lang po akong naaalala" pinunasan ko na yung luha ko.

"Wag kang umiyak. Isipin mo makakasama mo na mommy mo." sagot niya. Napa ngiti naman ako.

Dahil buti pa sila, alam nila kung anong makapagpapasaya sakin.

"Salamat po" sagot ko.

"O tahan na" sabi naman ni Manong driver.

Ilang oras pa ay nakapunta na kami ng Airport.

Bumaba ako ng sasakyan at tinulungan naman ako ni manong na ibaba yung mga malita ko.

"Salamat po" pasasalamat ko sa mga naitulong ni manong.

"Mag ingat ka" sagot naman niya.

Ngumiti lang ako. Naglakad ako papunta sa loob ng airport para sumakay ng eroplano.

Chris POV

Tumakbo ako sa bahay nila Kate para sabihin sa kanya yung mga bagay na dapat niyang malaman.

"Saan po si Kate?" Tanong ko kay manang.

"Ay, kakaalis lang niya!" sagot naman ni Manang

Kakaalis? Saan siya pupunta?

"Hah? Saan naman po siya pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Hindi mo pa ba alam?" tanong niya

Umiling lang ako.

"Aalis na siya papuntang Canada. Kakaalis lang niya papuntang airport" sagot ni Manang

"Sige salamat po" sagot ko.

Dali dali naman akong tumakbo sa labas at nag hanap ng masasakyan.

May nakita akong kotse. Tinanong ko sila kung saan sila pupunta. Sabi nila sa airport kaya naman nakisabay na ako kahit nakakahiya.

Pagdating namin doon. Hinanap ko agad siya. Hindi ko na siya nakita sa waiting area. Nakakainis dahil baka nakaalis na siya.

Hindi ko man lang masasabi ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nagtanong ako sa isang flight attendant na papunta sa loob ng airport.

"Miss. Nakaalis na po ba yung flight papuntang Canada?" tanong ko sa babae.

"Yes sir" then bigla na siyang umalis.

Napa hawak nalang ako sa ulo ko at pinalo ito ng ilang beses.

Lumabas ako ng airport at pumunta ng banyo para mag moment.

Baket hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. Baket ngayon pa na aalis na siya.

Baket?

Baket?

Baket?

Iyak lang ako ng iyak sa loob ng banyo. Buti nalang walang tao. Dahil baka isipin nila na bakla ako.

Biglan mah lumabas ng cubicle. Nabigla ako kaya naman nagpunas ako ng luha ko.

Nakita ko sa salamin na babae yun. Babae yung lumabas sa cubicle. Pumunta sa may harap ng salamin. Tumakbo naman ako agad sa loob ng isang cubicle para magtago.

Umiiyak siya naririnig ko.

Nagsasalita siya mag isa.

"Sana makalinutan ko na lahat" iyak siya ng iyak "Baket sa birthday ko pa kasi. Baket naman ganun ang plano mo?" tanong niya sa sarili niya. Huminga siya ng malalim.

"Paalam nalang Chris" sabi niya.

Biglang pumasok sa isip ko na ka boses niya si Kate. Bigla naman akong lumabas ng Cubicle at nakita ko na wala na siya sa harap ng salamin.

Lumabas agad ako ng banyo. Pag tingin ko nasa banyo pala ako ng girls. Buti na lang walang tao doon.

Mamaya na ang hiya, kailangan ko munang makita si Kate. Alam kong siya yun. Tingin ako ng tingin sa paligid pero wala na siya. Nakaalis na nga talaga siya. O baka naman guniguni ko lang yun sa kanya.

Kaya naman nung hindi ko na siya nakita, mas pinili ko na lang umalis.

Umiiyak.

Falling In Love With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon