Chapter 6: Inspirasyon

0 0 0
                                    

Halos magsasara na ang Gateway nang pauwi na kami ni mama. Tanaw namin ang mga nagniningning na iba’t-ibang kulay ng mga ilaw ng mga nagtataasan at naglalakihang mga building. Para bang nakakapuno ng pag-asa kasi laking Maynila ako at pangarap kong makapagtrabaho sa mga naggagandahang gusaling ito na aking kinamulatan. Tanong ko kay mama, Ma magkakano po kaya itong mga building na ito? Seryoso ka ba sa tanong mong iyan anak? Opo mama. Bakit mo naman naitanong yan? Kasi po gusto ko pong tumira tayo sa malaking bahay na may sarili po tayong bakuran at ilang palapag po ang taas, katulad po nitong mga building na nakikita natin ngayon. Alam mo anak masaya ako na ganyan ang mga pangarap mo sa buhay. Higit sa lahat ay kasama kami doon. Oo naman po mama, hindi ko po kayo pababayaan kasi po ginagawa niyo po ang lahat para sa akin. Ang gusto ko nga po ngayon ay magkaroon tayo ng maraming pera para hindi na po kayo magtatrabaho ni papa nang sa gayon po ay palagi na po tayo ninyong magkakasama. Sabay kinarga ako ni mama at niyakap niya ako ng mahigpit. Mama kaya ko naman pong maglakad, mapapagod po kayo. Hinding-hindi mapapagod si mama sayo anak, ikaw ang kayamanan ko na walang sinuman ang makakapantay. Pangako ko po mama tutuparin ko po lahat ng pangarap ko para sa inyo po ito ni papa. Nakarating na kami ni mama sa may Arayat Market, sakop ito ng Barangay San Martin De Pores. Dito ka makakakita ng mga nag-uumpukang mga street vendor. Samut saring mga pagkaing gawang pinoy. Ang paborito naming kainin ni mama dito ay ang street style fried chicken na masasabi kong mas masarap pa sa mga fastfood. Anak sakay na tayo ng tricycle para makauwi na tayo kaagad at makapagpahinga na tayo. Opo mama, sige po. Nagkataon na kapatid namin sa pananampalataya ang tsuper na nasakyan namin. Uy Ka Jolly kayo po pala iyan. Ay Jonas ikaw pala yan. Tara po sakay na po kayo. Si kuya Jonas ay may katungkulang bilan kagawad namin sa PNK (Pagsamba ng Kabataan). Habang nagbabiyahe pa ay naguusap sila ni mama. Jonas, kailan ka pa nagsimula na mamasada dong? Nung hindi na po ako pumasok sa college Ka Jolly, naisipan ko na po munang magbanat ng buto para po makapag-ipon. Alam ko pong hindi naman ako pababayaan ng Ama nating makapangyarihan sa lahat. Napakalawak ng pananaw mo sa buhay Jonas, nanghahawak ka sa magagawa ng Ama at nakikipagsapalaran ka sa malinis na pamamaraan. Opo Ka Jolly, maraming salamat po sa pakikidamay sa akin. Ano ka ba wala iyon. Si papa mo kamusta na pala siya? Yun na nga din po Ka Jolly, may kondisyon po ang kalusugan ni papa kaya naisipan ko po munang magtrabaho at tumigil muna sa kolehiyo. Panata tayo palagi Jonas ahh at lakipan natin ng mabuting gawa. Opo Ka Jolly, araw-araw po at walang palya. Nakarating na kami sa bahay at pagbaba namin ni mama ay inabutan ni mama si kuya Jonas ng pamasahe namin. Ka Jolly ang laking halaga po nito trenta pesos lang po ang pamasahe niyo. Sige na Jonas, idagdag mo na yan sa pag-iipon mo at sana makapagbigay pa ako sayo para makatulong ako sa pagpapagaling ng papa mo. Naku po Ka Jolly, maraming-maraming salamat po. Tatanaw po akong malaking utang na loob sa inyo. Hinding hindi ko po ito makakalimutan. Walang anuman Jonas, tara maghapunan muna tayo sa bahay. Paumanhin po Ka Jolly, pauwi na din po kasi ako. Aasikasuhin ko pa po si papa. Teka hintayin mo ako dyan, padadalhan kita. Naku po Ka Jolly nakakahiya po. Hintayin mo ako Jonas. Anak, tara panik na muna tayo sa taas tapos bumababa ka ulit para mabigyan mo ng meryenda si kuya Jonas mo, habang ibinabalot ko yung tinolang manokna ipapadala ko na iuuwi niya sa papa niya. Opo mama, masusunod po. Pag akayat namin ni mama sa taas ay kumuha ako ng pagkain sa mga pambaon ko, dalawang fudgee bar at isang Zesto Mango Juice. Pagbaba ko ay inabot ko kay Kuya Jonas ang meryenda niya. Ito po kuya ohh kain po muna kayo. Hello Jek, kamusta school mo? Okay lang po kuya kaso nga lang po yung teacher ko sa ibanv eskwelahan na po magtuturo. Ganun ba? hayaan mo, magkakaroon din ka rin ulit ng teacher niyan bukas. Paano po kuya kung siya pa rin po ang gusto kong maging teacher? Alam mo Jek, may mga dumadaan sa buhay natin na hindi natin kayang pigilan na mawala sa buhay natin. Kaya dapat kailangang tanggapin ang mga pangyayari dahil may mas higit pang darating. Tatandaan ko po iyan kuya Jonas. Nakababa na si mama at tinawag ako. Anak, kinukulit mo ata si Kuya Jonas mo. Ay hindi po Ka Jolly nagkukwentuhan po kami ng anak niyo tungkol po sa school niya ngayon. Nagdadalamhati yan ngayon Jonas dahil yung teacher niya sa ibang school na ma-aasign. Yun nga po ang sabi niya sa akin Ka Jolly. Ito Jonas oh, dalhin mo na ito. Maraming salamat po talaga, makakahigop po ng mainit na sabaw si papa. Walang anuman Jonas. Basta hanggang sa tulong na makakaya ko, maaasahan mo ako. Maraming salamat po ulit  Ka Jolly, sige po uwi na po ako. Sige ingat ka Jonas. Umakyat na kami ni mama sa bahay para kumain. Habang kumakain kami ay may itinanong ako kay mama. Ma? Bakit po kaya ganun. Mabuting tao naman po si kuya Jonas pero bakit po nahihirapan po siya sa mga nangyayari sa kanya? Alam mo kasi anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaliwalas at masagana ang buhay, may mga panahon din na nasa ibaba ang kalagayan ng tao. Kaya kailangan kahit masarap o mapait man ang kalagayan mo sa buhay ay piliin mo parin na maging mabuting tao. Kailangang subukin tayo sa mga pagsubok para magdulot tayo ng kaluguran sa Ama sa lahat ng pagkakataon. Diba nga nabanggit kanina ni kuya Jonas mo na tumigil siya sa pag-aaral at may sakit pa ang papa niya kaya hindi matustusan ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Pero nakikita mo naman masigla pa rin siya sa paglilingkod at namamasada pa siya para may maipangtustos sa araw-araw. Hindi madali para sa kanya yun na tumigil sa pag-aaral, dahil pinaghirapn niya ng yun ng ilang taon. Anuman ang naging pangyayari sa buhay niya ngayon ay hindi siya nag rebelde o naagaw sa kasamaan. Masakit man na isipin pero pagsubok iyon sa kanya. Naiintindihan ko na po mama. Gagawing inspirasyon ko po iyon.

Expensive Poorly ThingsWhere stories live. Discover now