Chapter 3: Hindi Inaasahang Pangyayari

0 0 0
                                    

May halong kaba ang nararamdaman ko dahil ayaw pang bitawan ni ma’am ang kamay ko. Pero ang sarap sa pakiramdam kasi nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Sabay sumambitla si ma’am na “Jek wala pa ba ang sundo mo? Wala pa po ma’am kasi po huli talagang dumadating si yaya. Ganun ba? Tara upo muna tayo dito. Sige po ma’am. Sabay magkatabi kami ni ma’am at hinakbayan niya ako. Umaaksyon na siyang napapaluha dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimulang magsabi ng kanyang sasabihin. Sabay sabi ko na “ma’am bakit para po kayong iiyak?” Alam mo kasi Jek, naaalala ko ang bunso kong kapatid sayo. Ganun po ba ma’am pero bakit pa rin po kayo umiiyak? Maaga kasi siyang nawala sa amin. Katulad na katulad mo siya na malambing at malakas ang loob. Higit sa lahat parehas kayong mapagbigay at hindi maramot. Ang mas ikinalulungkot ko pa ngayon ay maa-assign na ako sa ibang school at ibig sabihin nun ay hindi na kita makakasama at makikita sa araw ng mga pagpasok ko bilang guro. Sana sa bago kong papasukang school magkaroon ako ng estudyanteng katulad mo uli. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil pinaghalong ligaya at kirot ang narinig ko sa mga sinabi ni ma’am sa akin. Hindi ko rin napigilang umiyak at yakapin ng mahigpit si ma’am dahil hindi maibigkas ng bibig ko ang gusto kong sabihin. Sabay sabi niya sa akin, tahan na Jek may mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyari pero masayang-masaya ako dahil nangyari ka sa buhay ko. Hinding-hindi kita makakalimutan at sana wag mo rin akong kalimutan hanggang sa paglaki mo. Pangako ko sayo gagawa ako ng paraan para magkita ulit tayo. Ma’am hinding-hindi kita kakalimutan dahil inspirasyon kita sa pagpasok ko, mahal na mahal po kita ma’am. Mahal na mahal din kita Jek tahan na, mas minabuti ko ng sabihin ito kaagad sayo kasi ayokong mabigla ka, alam kong napakadeterminado mo sa pag-aaral mo at ayokong tumigil ang lahat ng iyon sa pag-alis ko. Gusto kong maging matapang ka lagi sa lahat ng hamon ng buhay sayo. Ipangako mo sa akin kahit wala na ako sa tabi mo maging ikaw pa rin ang Jek na nakilala ko. Opo ma’am pangako po, babaunin ko po lahat ng pangangaral mo sa akin higit sa lahat po ang pinagsamahan natin. Maya’t maya ay dumating na si yaya para sunduin ako. Ma’am nandito na po ang yaya ko. Babye po ma’am, see you tomorrow po. Babye Jek, ingat kayo ng yaya mo. Ikaw din po ma’am. Habang papauwi na ay napansin ni yaya ang tamlay-tamlay ko. Sabi ni yaya “Jek ayos ka lang ba? Bakit ang lungkot-lungkot mo? Wala po ito yaya. May iniisip lang po ako. Ayy nakong bata ka! Ambata-bata mo pa nag-iisip ka ng ganyan. Habang bata ka dapat sulutin mo ang pagiging bata mo para maging maganda ang childhood past mo kapag nagbinata kana, pwede mo naman sabihin ang problema mo sa akin lalo na kay mama mo. Sabay sabi ko kay yaya na “busy po si mama sa trabaho niya si papa nasa Makati pa po. Di pa daw niya alam kung kailan siya uuwi.” Hindi na nakaimik si yaya dahil alam niya ang kalagayan ng mga magulang ko pagdating sa trabaho. Nakauwi na ako ng bahay at nadatnan ko si mama na may hinahanap sabay tanong sa akin na “Jek nasaan yung tupperware dito? Nakita mo ba? Ahh ma binigyan ko po kasi si teacher ng niluto niyong “chicken adobo” tapos yung hinahanap niyo pong tupperware ang ginamit ko pong lalagyanan. Anak naman, may sentimental value yun! Regalo ng Ninong Judy mo sa amin ng papa mo yun. Sabay sabi ko na may halong tonong panghihinakit na “Sorry po ma ha! Pinapahalagahan ko po kasi yung teacher ko na binibigyan ako ng oras niya kaya ko po nagawa yun at ngayon sinabi niya sa akin na hindi ko na siya magiging teacher dahil malilipat na siya ng school kaya balik na naman ako sa dati.” Sabay napatahimik at napayuko si mama. Dumiretsyo na ako sa kwarto ko para makapagbihis at damayan ang sarili ko sa mga problema ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako at ginising ako ni mama para kumain. Dinalhan niya ako ng Fried Chicken at bagong saing na kanin at may kasama pang corn soup. Sabi niya sa akin, anak kain ka na! Upo ka dali subuan kita. Wag na po mama ako na po. Anak pagpasensyahan mo si mama ha. Kailangan talaga naming kumayod sa trabaho ng papa mo para mapag-aral ka at mapunan namin ang pangangailangan mo. Patawarin mo si mama kung ang bakanteng oras niya nalang sayo ay sariling pahinga ko nalang. Bigla kong naunawaan sa sarili ko na, makasarili pala ako. Hindi ko pala inisip kung anong kundisyon ni mama at papa sa trabaho nila maibigay lang ang pangangailangan ko sa pag-aaral dagdag pa ang pagpapasweldo kay Yaya Nora sa pag asikaso sa akin. Kalahati lang pala ang pag-ibig ko sa mga magulang ko samantalang si Ma’am Joanna binibigay ko ang buong puso ko at pagmamahal. Dapat pala mas nangingibabaw ang pag-ibig sa magulang kahit ninoman. Sinabi ko kay mama, “Ma sorry po hindi ko po naipapakita ang pagpapahalaga ko sa mga pagsisikap niyo ni papa para sa akin, patawarin mo po ako ma nasabihan po kita ng masasakit kaninang pagdating ko.” Naiintindihan kita anak, may mga pagkukulang din kami ng papa mo. Alam namin yun pero sana maintindihan mo na ginagawa namin ang lahat para sayo. Mahal na mahal ka namin ng papa mo. I love you too mama. Nagpumilit si mama na subuan ako ng hapunan na inihain niya sa akin. Habang kinukwentuhan ko siya tungkol kay teacher. Ma alam mo ba yung teacher ko po malapit po ang loob namin sa isa’t- isa. Ganun ba anak? Masaya ako para sayo na nakilala mo siya kahit sa maikling panahon lang. Kasi po naaalala niya daw sa akin yung bunso niyang kapatid na maaga pong nawala sa kanila. Sana anak maging aral sayo iyon. Mahalin mo ang mga mahal mo sa buhay bago pa mahuli ang lahat. Kasi kapag nawala na sila tapos hindi mo naibigay yung pagmamahal na dapat mong ibigay pagsisisihan mo yun sa buong buhay mo. Pero kapag minahal mobsila kahit maiwanan ka na nila hindi ka magiging miserable o mangungulila sa kanila. Kaya sana anak habang nabubuhay pa kami ng papa mo wag kang magsasawa na mahalin kami at kung dumating man ang panahon na buhay pa kami at matatanda na, wag mo kaming pababayaan. Sa mga oras na ito nararamdaman ko ang gambala sa sarili ko na paano ako kapag wala na ang mga magulang ko. Kaya nagpapasalamat ako na naunawaan ko ang mga bagay na ito kahit sa musmos na gulang pa lamang. Kaya inihayag ko kay mama ang pagmamahal ko sa kanya sa pamamagitan ng yakap na mahigpit. Nanalangin kami ni mama bago matulog at payapang payapa na ang pag-iisip ko sa gabing iyon.

Expensive Poorly ThingsWhere stories live. Discover now