Chapter 12: Hayskul Life and First Love

0 0 0
                                    

High School ang pinakadabest na nangyari sa buhay ko. Ang buong pangalan ng paaralang ito ay “Ramon Magsaysay Cubao High School”. Laking pasalamat ko dahil dito ako nagpa-enroll, kaalinsabay din ng paglipat namin ng tirahan sa F. Manalo Street na malapit sa kapilya namin at sa eskwelahang pinapasukan ko ngayong high school na ako. Hindi ako nahirapan maghanap ng kaibigan dahil may mga kaklase na ako sa elementary na kaklase kocdin ngayon. Si Tristan na kaklase ko ng grade 1, si Kenneth na kaklase ko ng grade 2 at si Jhalil na kaklase ko ng grade 5. Pero si Tristan at si Kenneth talaga ang naging tropa ko ng unang sabak ko sa high school, sabagay rin naman dahil parehas kaming mga lalake. Dito ko naranasan na halos palagi kaming bakante sa mga period namin dahil may mga teacher na hindi kami pinapasukan kesyo ganito at kesyo ganyan pero sa totoo lang ay gustong-gusto din namin dahil puro lang kami tawanan at kulitan kapag wala talagang papasok na guro. Madalas din ang mga program na buong araw, tapos yung mga nakakainis na SSG, Boy Scout at Girl Scout kapag nakikita nilang hindi kami nakikinig sa programa, ayy talagan may mangyayaring hindj maganda kapag nagkainisan. Tingin kasi nila sa sarili nila na sila ang batas sa paaralan. Kaya kapag papasok kami ay minamasid-masi muna namin kung meron ba talagang klase o wala. Napakalayo talaga sa Elementarya dahil dito puro kasiyahan talaga. Na kahit gumawa ka ng pagbubulakbol ay may depensa ka dahil ipapasa ka din. Pero sa totoo lang minsan ay nagaalinlangan ako at tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ito. Na ito ba ang tunay na kaparaanan ng pag-aaral. Pero wala na talaga akong magagawa ginusto kong magpa enroll sa eskwelahang ito, dahil balak kasi ni mama at papa na paaralin ako sa New Era University sa Central Avenue na pagmamay-ari din ng kapatiran sa loob ng Iglesia. May karamdaman na din kasing iniinda si papa dahil nakita sa findings ng doktor nung nagpa-check up siya ay diabetic na siya. Wala din kasi minsang kontrol si papa sa pagkain lalo na at may mga okasyon sa mga katrabaho niya at maging sa mga pagkakatipon sa lokal namin. Kaya pansamantalang umuwi muna si papa sa Bayugan, Agusan del Sur na kanyang hometown para doon magpagaling, di rin maitatanggi na nagresign na si papa sa trabaho niya dahil inuna niya muna ang kapakanan ng kalusugan niya para mabuhay niya pa rin kami. Buti na lamang ay may savings siya dahil kung hindi, mamumulubi kami sa lumalaking mga gastusin. Kaya mas minarapat kong mag-aral sa public para iwas na sa mga gastusin at makapag-ipon. Ang daya ng panahon sa mga pagkakataongito, dahil minsan lang talaga namin na makasama si papasa bahay pero ngayon ay may iniinda siyang karamdaman na nag udyok na mapalayo siya sa amin. Balak na din kasi ni papa na doon na kami sa Bayugan manirahan dahil tumataas na talaga ang mga gastusin namin. Pero kahit papaano sa awa ng Diyos ay nakararaos pa rin kami. Sa High School tumibok ang puso ko. Masasabi ko na ito ay First True Love, normal lang naman ito sa nagbibinata na pero ang hindi normal rito ay hindi ko kapanampalataya ang gusto kong maging shota. Siya si Marinelle, magkalapit lang kami ng room. Porselana ang kutis niya at baby face. Sa unang pagkatitig ko sa kanya grabe ang tibok ng puso ko at tumigil ang mundo ko sa kanya. Buti na lamang ay may kaklase ako sa elementary na kaklase niya sa seksyon nila. Yun ay si Denver, na siyang naging daan para makilala ko si Marinelle at ma add siya sa Facebook. In-accept niya ang friend request ko at nagkamabutihan kami, araw-araw ko siyang chinachat at responsive ang mga replies niya. May katayuan sa buhay si Marinelle, mayaman ang pamilya niya dahil meron silang mga paupahang bahay. Nagkaroon ng film viewing project sa school namin, yun ay manunuod kami  ng makabuluhang sine na may kaugnayan sa subject namin sa Science. Ang movie na panunuorin ay pinamagatang Gravity. Sa movie na ito ay sinimulan ko na ang diskarte ko kay Marinelle, niyaya ko siyang makasamang manuod at ako ang magbabayad ng ticket namin. Pumayag siya at siya mismo ang nagsabi sa akin na sunduin ko siya sa New York. Tawid ng tulay sa school at makakpunta ka na sa QMart at didiretsyuhin  lang ang kalye papunta sa kanila. Nung araw na ng panunuod namin ng sine ay gayak na gayak ako dahil parang ito na ang unang date namin kahit wala pang kami. Kumuha ako sa mga ipon ko at nanghingi pa ng kaunti pa kay mama para makapag enjoy kami ni Marinelle. Sinundo ko siya sa kanila at binigla niy ako na ipakilala sa mga magulang niya. Buti na lang at pormado ako nung araw na iyon at baka mapintasan ako dahil mayaman talaga ang dating ng mga magulang niya. Pero mabait at marespeto ang mga magulang ni Marinelle dahil pinatuloy muna ako sa bahay nila bago kami pumunta sa SM North Edsa kung saan kami manunuod. Nag taxi kami papuntang Maharlika Highway at sumakay kami ng Aircon Bus na may karatulang SM North Edsa. Bago kami pumunta sa sinehan binilhan ko siya ng popcorn at ng kape sa Starbucks, spoil talaga siya sa akin dahil gusto ko siyang itrato na prinsesa ng buhay ko. Nang nasa sinehan na kami ay nakita kong nagtatrabaho si Kuya Justin na ka Iglesia ko, kita mo nga naman ang liit ng mundo. Na deadma talaga ako kasi ayokong mahuli na nakikipagtipan ako sa hindi namin kapareha na Iglesia. Tinanong niya pa ako kung sino ang kasama kovat sinabi ko na nililigawan ko dahil ayokong marinig ni Marinelle na may tinatago ako sa kanya. Buti nalang ay deadma din siya sa akin at alam niya na ang ibig sabihin nun. Sinagot na ako ni Marinelle sa halos isang buwan kong panliligaw sa kanya at naging masaya ang pagiibigan namin. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon si papa ay gusto na kaming pauwiin pagkatapos ko mag grade 7 dito sa Ramon Magsaysay Cubao High School… Itutuloy

Expensive Poorly ThingsWhere stories live. Discover now