Chapter 10: Parusang Ikabubuti

0 0 0
                                    

Nagkita na si mama at si Ma’am Padua para pag-usapan ang nangyari kahapon. Magandang tanghali po ma’am ako po ang mama ni Jasper. Magandang tanghali din po Mrs. Taghoy, naibanggit na po ba sa inyo ng anak niyo kung bakit po kayo naandito? Opo, kung tutuusin nga po ngayon pa lang po niya sinabi. Tara po Mrs. Taghoy upo po kayo dito. Si Jasper po hindi gumawa ng takdang aralin niya sa math ang nangyari po ngayon yung notebook po ng kaklase niya ang kinuha niya para magsagot po sa pisara. Misis hindi ko po alam kung bakit hindi niya po maunawaan ang mga leksyon na itinuturo ko ang ibang kaklase niya po ay nakakasabay naman pero siya po hindi. Ma’am mawalang galang na po pwede ko po bang palabasin muna ang anak ko may importante lang po akong sasabihin sa inyo at sana po masolusyunan po natin ito. Sige po kung yan ang gusto niyo. Anak, Jek, labas ka muna. Sige po mama. Ma’am paumanhinan niyo po sana ang anak ko sana po mabigyan niyo po siya ng pagkakataon. Hindi ko po kasi talagang masyadong natututukan ang anak ko sa pag-aaral niya po kasi ang oras ng trabaho ko at ng pagpasok niya po sa paaralan ay magkaparehas. Kung pupwede po ba na magpatutor po siya sa inyo? Mrs. Taghoy wala pon problema ang pagpapatutor pero hindi na po yun sakop ng trabaho namin mismo bilang guro. Kumbaga po ang ibig kong sabihin ay may kaukulang bayad po iyon. Opo, ma’am para po sa ikabubuti ng anak ko. Sana po maturuan niyo po siya ng maiigi. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko Mrs. Taghoy pero ang pagdidisiplina ko sa estudyante ay manantili pa rin kahit ipapa-tutor niyo ang anak niyo po sa akin. Wala pong problema ma’am, kayo po ang pangalawang magulang ng anak ko. Sige po misis tapos na po tayo bukas na po ang simula ng anak niyo sa pagtutor ko sa kanya. Sige po ma’am. Maraming salamat po. Sinalubong ko sa labas ng office si mama at hindi maikurba ang itsura ni mama sa sama ng loob. Mama? Maguusap tayo sa bahay mamaya. Uuwi na ako ng bahay, ipapasundo kita mamaya kay ate Steph mo. Hindi na ako nakaimik at umalis na si mama. Sabay lumabas si Ma’am Padua at sinabi sa akin na tara na Jasper sumabay ka na sa akin. Opo ma’am wika ko sa kanya. Nagsimula na kami ng panibagong aralin na naman na tinatawag na fractions. Dito ay medyo nauunawaan ko ang aralin dahil may mga drawing na nakalagay na nakakagana din. Late ng pumasok si Randy at kasama niya ang papa niya yun ay si Ka Roger isang maytungkulin din bilang Deacon sa loob ng Iglesia. Nagkausap sila ni ma’am pero naging maayos naman ang paguusap nila, kasi kung tutuusin, ako ang may mali at hindi si Randy. Natapos na ang klase namin at sinundo ako ni ate Steph. Pati rin si ate Steph ay dismayado sa ginawa ko. Jek bakit mo naman ginawa yun, pwede ka naman magsabi ng totoo sa mama mo. Hindi mo na dapat pinalaki pa ang problema. Kung tutuusin nga ehh wala na akong ganang sumundo sayo pagkatapos ng ginawa mo sa akin. Sorry po talaga ate. Hindi na po mauulit. Nadamay pa po kita. Wag mo ng uulitin yan ha! Nagagalit pa rin ako sayo. Tinulungan kita ng hindi ko alam na kasinungalingan pala ang pakay mo. Opo ate, nagsisisi na po ako. Magsisisicka talaga pag uwi mo sa bahay niyo. Nakauwi na ako ng bahay at si pagbukas ko ng pintuan ay may hawak hawak na patpat si mama sa kamay niya. Halika dito pasok. Grabe ang hagulgol ng iyak ko dahil alam kong mapapalo ako. Pumasok ka, wag mong balakin na tumakbo madadagdagan ang ipapalo ko sayo. Pumasok na ako para sa ikabubuti ko din dahil kilala ko si mama at hindi siya nagbibiro sa mga sinabi niyang yun. Pumasok na ako ng bahay at ibinababa ko ang bag ko sa sofa. Hinawakan ako ni mama at pinadapa habang hinagupit niya ng patpat ang puwetan ko. Grabe ang hagulgol ko sa iyak. Dahil ang sakit talaga habang pinapalo ako ni mama pinapagalitan niya ako na ang pagkakasabi niya ay bakit mo nagawa sa akin yun? Ha? Ginagawa ko ang lahat para mapa aral ka ng maayos, kanino ka natutong magsinungaling? Aray!!! Aray mama tama na po!!! Grabe ang hiya na idinulot mo sa akin sa harap ng guro mo. Hindi mo ba alam na ako ang maaapektuhan nun dahil ako ang magulang mo na nagpalaki at nagpalamon sayo! Hal! Sagutin mo ang tanong ko kasabay ng pagpalo ulit ng patpat sa akin at humagulgol ulit sa iyak na parang baka. Mama tama na po. Ayoko na po, hindi ko na po uulitin. Talagang hindi mo na dapat ulitin dahil ito ang mapapala mo sa akin. Tumigil ka na sa kakaiyak mo. Pinaupo na ako ng maayis ni mama at pinipigilan ko talaga ang pag-iyak ko. Kinausap ako ng mabuti ni mama at pinakinggan kong mabuti ito. “Anak wag mong isipin na kaya kita pinagbuhatan ng kamay ay para saktan ka, gusto kon matuto ka sa matuwid na landas. Kailangan mong madisiplina nang sa gayon hindi mo na uulitin pa at magsisisi ka na. Maiintindihan mo din ako pag nagkapamilya ka na ng sarili mo. Ayokong lumaki kang mapusok at suwail na anak. Palagi mong piliin ang nakakabuti sayo at sa mga mahal mo sa buhay. Sana anak maging aral ito sayo. Opo mama, pangako po hindi ko na uulitin lang lahat ng nagawa kong mali. Pagkatapos naming kumain ni mama ng hapunan ay may binanggit siya sa akin, “Simula bukas hindi ka makakauwi ng kasabay mo ang mga kaklase mo dahil may tutor ka. Po? Ano po yun? Tutukan ka ng ma’am mo na ikaw lang mag-isa para mas maintindihan mo ang mga leksyon na itinuturo sayo. Walang pagaalinlangang sumunod sa kagustuhan ni mama. Dahil siya ang magulang ko at dapat masunod dahil alam niya ang nakakabuti para sa akin.

Expensive Poorly ThingsWhere stories live. Discover now