CHAPTER 2
MAY pilit na ngiti sa labing yumuko si Catherine sa matandang Fawzi na papalabas na ng opisina ng boss niya. Pagkatapos niyang yumuko ay agad niyang itinuwid ang kanyang katawan at sineryoso na ang mukha,
"Ingat po kayo sa daan."
"Of course. Kailangan ko pang masilayan ang magiging mga apo ko." Nakangising sagot nito sa kanya.
Anak ng! Mga apo?! Aba matindi.
Saglit na bumaling ang tingin niya sa boss niya dahil sa pag tikhim nito. Catherine squint her eyes at her boss and looked at him with warning. The boss suddenly looked away, avoiding her gaze.
Ngumiti siya ng tipid at yumuko ulit. Hindi na siya nag salita pa at hinintay na lamang na makaalis na ng matandang Fawzi. Muling tumingin sa kanya ang matanda at malapad na ngumiti, pagkatapos ay tuluyan na ngang lumabas ng opisina ng boss niya.
"This is all fucked up!" Inis na sabi niya sa sarili at pabagsak na umupo sa couch ng boss niya at panlalaking dumekwatro.
Isang nang-aasar na tunog ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Agad na sumama ang tingin niya ditto at pinakitaan niya ito ng gitnang daliri.
"Butiki ka ba? Tigilan mo nga yang pagpapatunog mo sa dila mo!"
"Bad, bad Catherine. Alam ba yan ng mga manugang mo?" Nang-aasar na sambit nito. Seryoso ang mukha ng lalaki habang nagsasalita ngunit halata sa tono at pagkinang ng mga mata nito ang pagkaaliw.
"Nasaan ba yung vase na katabi ng couch na'to? Nang may ipapambato ako sa mukha mo!"
"I told her to move it in her table for the mean time. I know your attitude." Anito.
"Nasaan na ba ang jowa ko? Inaalipin mo na naman?" Nakahalukipkip na sabi niya sa boss niya.
"You're his boyfriend? I was not informed." Pakikisakay nito sa trip niya.
"Oo, ako nga! Bakit may angal ka?"
"Yeah. Walang nakalawit sayo, pa'no ka niya magugustuhan? Gusto niya ng mahaba at matigas na bagay na meron ako na wala ka." Saad nito habang may ngisi sa labi.
"Gago! Ang bastos mo talaga! Ano bang nagustuhan niya sayo maliban sa mahaba at matigas na bagay? Di ka naman gwapo." Aniya sabay irap.
"Yung dil—"
"HOY! NAPAKABASTOS TALAGA NG BIBIG MONG LALAKI KA!" Biglang sigaw ng babaeng kakapasok palang.
Napahawak sa dibdib si Catherine dahil sa gulat. "Gaga! Wag ka namang manggugulat!" Inis na sabi niya at inirapan pa ito.
"Why? What am I supposed to say?" Pa-inosenteng tanong ng lalaki sa babaeng kakadating lang.
Namula naman ang babae at mabilis pa sa alas kwatrong tinampal ang noo ng lalaki. "Gago! Lagot ka sakin mamaya!"
"You'll punish me?" Ngising asong sagot nito. "Gladly, baby."
Mas lalong namula naman ang mukha ng babae. "Aba't---"
Hindi na natiis ni Catherine ang nakikita niyang pangyayari sa kanyang harapan. Habang patagal ng patagal ang pag-uusap ng dalawa ay palukot ng palukot naman ang mukha ni Catherine.
"Tangina! Respeto oh? May single dito na hindi makarelate sa inyo." Gigil na sigaw ni Catherine sa dalawang natigilan sa pag-uusap.
Agad namang nakabawi sa gulat ang dalawa. "Oh, single ka? Weh?" Nang-aasar na tanong ng lalaki sa kanya.
"Inamo! Nakaka stress kayong dalawa!" Sigaw niya sa dalawa. Pakiramdam niya ay maduduling siya sa kakairap.
"Bakit di na ba siya single? Wala naman siyang asawa, ah?" Nagtatakang sabi ng babae. Mas nalukot ang mukha ni Catherine dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
My Perverted Husband
RomanceWarning: ON-HOLD Catherine's world turned upside-down the moment she heard the news from her mother. She couldn't believed that she fell into her parents trap. Now that she's cornered, she doesn't have a choice but to follow her parents whims and ju...