Humihingal na isinampal ko sa muka ni Bryan ang hawak kong libro. Hindi pa ko satisfied kaya ibinaba ko na rin ang bag ko para sumugod sa kanya. At ang mga alagad na batas na mga kaibigan ko at kaibigan ni Bryan ang umawat sa akin. Regret, yun ang nakita ko sa mata ni Bryan nang Makita niyang hindi lang simpleng asar ang nararamdaman ko.
Asar na pinulot ko ang bag ko at libro sa lapag. Bago ako umalis sa hallway ay nakita kong napakamot sa batok si Bryan. Ang walanghiyang asungot, akala mo kung sinong makapagsalita.
“ Anna! Sandali lang hintayin mo kami.” Rinig kong sigaw ni Shelly pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako ng banyo. Maswerteng wala namang tao kaya sinamantala ko na at umiyak doon sa sobrang inis ko. sumunod sakin sila Shelly at Rina, si Louie naman ay malamang na naghihintay sa labas. nilock naman agad nila ang pinto para siguradong walang papasok.
“ anung akala niya sa sarili niya? Perpekto?! Kung makapagsalita siya akala mo napakalinis nang pagkatao niya.” Agad namang sigaw ko habang tumutulo ang luha ko.
Hinimas naman ni Rina ang likod ko para kahit papano ay kumalma ako.
“anung bang nangyari Anna? Isang minuto lang kaming tumalikod naggyegyera na naman kayo ni Bryan.” Tanong ni Shelly.
Naalala ko ang nangyari
Kinukuha ko ang libro ko para sa first period nang may sumandal sa katabing locker.
“ kamusta ka na? heartbroken?” tanong ni Bryan na nakadirekta sa akin pero hindi ko pinansin. Nakita kong nasa likod niya ang mga kaibigan niya at binibigyan ako ng tingin na simpatya dahil nandito na naman si Bryan. Mukang pati sila ay sinubukang pigilan si Bryan.
Mukang hindi nakaramdam ang ugok kaya tuloy tuloy sa pagsasalita.
“umpisa palang I warned you, he is not a good guy. You should have given me your first time.” Wika nito na nakakuha ng attention ko. First time?
“ it’s my decision and I am bearing the consequences, now, stop being a concern citizen and leave me alone.” Wika ko at tumalikod papunta sa first period ko. naramdaman kong may pumigil na kamay sa balikat ko. nang maiharap na ko ni Bryan sa kanya ay nakita ko ang galit sa mukha niya.
“you fell for his stupid compliments?! Ganyan ka na ba kababa na ibibigay mo ang sarili mo sa taong walang kuwenta? Ipinagkakalat niya sa buong school na nakuha ka na niya that’s why he dumped you! Now what is left of you? You never listened to me! kung naniwala ka lang sakin hindi sana nangya—“ hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sa lakas ng sampal ko.
By this time, nakuha na namin ang attention ng ibang students sa hallway. Gulat na napatingin siya sakin habang hawak ang pisngi niya
“ F*ck you Bryan! Don’t you ever judge me ‘cause you are worst that anyone in this school! changing girls like changing your clothes.” I look at him with so much venom I saw him shiver from fear. Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi saka hinila ang necktie niya palapit sa muka ko.
“ and for your information, I’m still a virgin.” I whispered.
Humihingal na isinampal ko sa muka ni Bryan ang hawak kong libro. Hindi pa ko satisfied kaya ibinaba ko na rin ang bag ko para sumugod sa kanya. At ang mga alagad na batas na mga kaibigan ko at kaibigan ni Bryan ang umawat sa akin. Regret, yun ang nakita ko sa mata ni Bryan nang Makita niyang hindi lang simpleng asar ang nararamdaman ko.
Puno nang galit na tindyakan ko ang toilet seat sa harap ko. pilit na kinakalma ako ni Shelly at Rina. Sa huli nagpasya nalang akong pumasok sa next period kasama ang mga kaibigan ko kahit pa nga classmate ko si Bryan.
YOU ARE READING
My naughty bestfriend
Novela Juvenil“what do you think about sex cupcake?” tanong ni Bryan sakin na nagpalaki ng mata ko. “subukan kaya natin?” tanong ulit niya. Nagisip ako. Everything we tried so far ended up feeling heavenly good. I crossed the gap between us, kissed him and nodded...