"Ang tagal mo," bungad ko kay Theo paglabas niya sa gate nila.
Sumimangot siya. "First time mo lang sa buong buhay mo na mauna sa akin, Ella."
Nagkibit balikat lang ako sa kaniya at naunang maglakad sa kaniya. Gusto ko lang naman siya asarin. Halos kakalabas ko lang din ng bahay.
"Ang epal," sabi ko sa kaniya nang marahan niya akong tinulak.
Nagkibit balikat siya at naunang maglakad.
"Wow, the audacity!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kaniya at tinulak din siya.
He laughed. "Ba't ka nanunulak? Ang aga aga, so immature," sabi niya.
I rolled my eyes at him. Hindi ko na siya pinansin at tahimik na lang na naglakad. Walking distance lang naman 'yung school namin kaya nilalakad lang namin.
Nang makarating kami sa school ay wala pa masyadong tao. Kaming dalawa pa lang din 'yung unang tao sa room. Binuksan na namin 'yung ilaw and electric fan, ginilid na rin namin 'yung curtains.
"Manonood ka ng laro namin mamaya?" tanong niya.
"Anong oras?"
"Anong oras mo gusto? Papa-sched ko," natatawa niyang sabi.
"Wow, ikaw ba 'yung coach?" sarcastic kong tanong. "Pero seryoso, anong oras ba?"
"After class pa naman."
"Okay, galingan mo," sabi ko sa kaniya pero alam ko naman na magaling siya. He's the best player here in our school. He's also the captain of our school basketball team.
"Noted po," sagot niya.
Tatlong subject lang kami ngayong araw. Hindi pa tapos 'yung klase namin ay pinatawag na sila Theo para magwarm up dahil nandoon na raw ata 'yung kalaban nila.
Nang dinismiss na kami ay niligpit ko na 'yung mga gamit ko para pumunta sa gym to watch his play.
"Pres, pinapatawag ka ni Ma'am Alonzo," sabi ni Marco sa akin.
"Bakit daw?" tanong ko at nagkibit balikat siya.
Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bag ko nang marinig kong tumunog 'yon. It's Theo.
Theo:
where are you? mags-start na 'yung laro :))Ella:
wait lang po :)I bit my lower lip. Baka malate ako sa laro ni Theo. Nagmadali akong pumunta sa faculty. Naririnig ko na 'yung hiyawan galing sa gymnasium.
"Good afternoon po, Ma'am. Pinapatawag niyo raw po ako?" bungad ko pagpasok ko sa faculty.
She smiled at me. "This is Lucas, a new transferee and also your new classmate. Iikot mo siya around sa school para ma familiarize siya."
"Oh, hi! I'm Bella from stem 11-A, also the president of school," pakilala ko sa kaniya.
He smiled at me. "Lucas," pakilala niya naman.
Kinausap muna ako ni Ma'am Alonzo i-sure ko raw na ilibot siya sa buong school bago kami pinalabas sa faculty. Nakasunod lang siya sa akin.
Bago ako magsimula ay tinignan ko muna 'yung phone ko. Tadtad ng mga messages ni Theo 'yon.
Theo:
mags-start na, ellaellaaaa
hey, ellaaa
saaaan ka naaaa?
papasok na ako sa court :((
Ella:
mala-late ako sorryy, but hahabol ako okay?Galingan mo, Mattheo! <3
Tinago ko na sa bulsa ko 'yung cellphone ko after ko magreply. Tumingin ako kay Lucas at naabutan siyang nakatingin sa akin.
"Oh, sorry for making you wait. Let's start here sa first floor ng STEM building," sabi ko at naunang maglakad, nakasunod lang siya sa akin.
Inabot kami ng 20 minutes sa isang building. Nasa fifth floor kami ngayon. Nakakapagod 'to ah, baba ulit kami mamaya. Feeling ko kasi kapag inisa-isa pa namin hindi na talaga ako aabot sa laro nila Theo.
"Lucas," tawag ko sa kaniya.
"Why?"
"That's the building of ABM and GAS. 'Yung first and second floor sa ABM, then 'yung third and fourth sa GAS," I started.
Tumatango tango lang siya habang tinuturo ko 'yung iba. Mukhang iniintindi niya talaga, ayaw ata maligaw. Though hindi naman nakakaligaw, 'tsaka kung ano 'yung nasa isang building ganoon din 'yung nasa ibang building kaya mabilis lang kabisaduhin and hindi rin maliligaw since kada building makikita kung anong strand 'yung nandoon.
"And lastly 'yung gym nandoon, may laro ng basketball doon. Gusto mo ba manood?" I asked.
Tumango siya. "Tara," sagot niya sa akin.
I chuckled. "Yeah, tara. Let's use the elevator, nalibot naman na natin 'tong building na 'to nung paakyat tayo."
Tumango siya at sumunod lang sa akin. Nang makalabas kami sa building ng STEM ay naglakad na kami papunta sa gymnasium. Malayo layo pa kami pero rinig na 'yung mga hiyawan.
"Dikit score, magaling kalaban," bungad sa akin ni Marco nang makapasok ako sa gym.
"Ba't wala si Theo?" tanong ko dahil hindi ko siya nakita sa court.
"Nasa clinic pero halos kalahati na score niya riyan, na injury balikat niya," sagot niya.
Huminga ako ng malalim at tumango. "Anyway, nanonood ba section natin?"
Tumango siya. "Nandoon sila," sabi niya at tinuro 'yung seats sa gilid.
"Favor lang, Marco. Can you bring him there? He's a transferee and also our new classmate. Para makipag-interact siya sa iba nating classmates," sabi ko. "Lucas, si Marco, he's the vice president of our section. Marco, si Lucas."
Pinanood ko muna silang makarating sa upuan ng mga classmates namin bago ako umalis at pumunta sa clinic. Pagkapasok ko roon ay nakita ko agad si Theo na nakaupo sa bed. May tape siya sa wrist niya, pati 'yung dalawang daliri niya meron din.
"Sabi ko mag-ingat ka," sabi ko sa kaniya nang makalapit ako sa kaniya.
"Wala kang sinabi," sagot niya sa akin. He look pissed.
"What happened?" tanong ko at umupo sa tabi niya.
"'Yung pagfall ko, nauna kong ibaba kamay ko," sabi niya. "Ano 'yung score namin?"
"Tie nung pumunta ako dito," I answered.
He looked away and I heard him cursed. "Trust your team, Theo."
Tumingin siya sa akin. "I do trust them."
"Bakit mukhang inis ka?"
"Because I can't play, Ella. I'm their captain, dapat nandoon ako," sagot niya.
Huminga ako ng malalim at tumayo. "Then let's go. Kailangan ba nandoon ka? Tara, papanoorin natin sila," sabi ko at inabot 'yung kamay ko sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin at hindi pinansin 'yung kamay ko kaya kinuha ko 'yung kamay niya at tinayo siya.
"Let's go, manonood tayo," sabi ko.
Naglakad ako palabas habang hawak 'yung kamay niya. Hindi siya nagsasalita kaya tumingin ako sa kaniya. He's biting his lips, hindi makatingin sa akin.
YOU ARE READING
A Glimpse Of Yesterday
RandomAng paghihirap nga ba ay hindi hadlang sa pag-aaral? They said you just need perseverance and to try even harder than the people around you. Dawn Bella Corpuz, who is from a poor family herself disagree to that. Being poor means having limited oppor...