12:00
Mattheo:
Happy birthday, Ella! ^^Ella:
thank uuu, matt!!Si Matt 'yung laging bumabati sa akin. In every occasion, christmas, new year, birthdays and even valentines day, he never forgets. He really loves to congratulate people. That's just who he is.
x notification
ihatemath_eo mention you in a post.ihatemath_eo
happy birthday, my enemy! please remember, as long as I breathe there's someone who roots for you!when i'm with you life is bearable. thank u for being born, ella :))
a thread of pics as we grow together
I can't help but smile as I read his post. There's a lot of pictures, he posted a photos from when we were five years old to our latest photos.
Buti na lang sabado ngayon. Kapag may pasok kami super ibi-big deal niya 'yung birthday ko. Baka magyaya pa siya after class kasama buong section namin.
Pagtapos kong magreply sa mga bumati sa akin ay natulog din kaagad ako. Lalabas ata kasi kami bukas kasama 'yung Mom ni Matt.
"Ella, wake up!"
Nagising ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Narinig ko rin 'yung boses ni Matt. Dahan dahan akong tumayo at binuksan 'yung pinto ko. Halos pumipikit pikit pa 'yung mata ko.
"My gift," sabi niya at inabot sa akin 'yung hawak niyang paper bag.
"Sabi ko huwag ka na magbigay," sabi ko.
"If someone gave you a gift, be thankful," sabi niya at pumasok na sa kwarto ko.
Tinignan ko 'yon. It's instax camera. Nilagay ko 'yon sa cabinet ko at kumuha na rin ng damit para maligo na dahil naka bihis na siya. Para ready na rin ako mamaya.
"Happy birthday, Ella," bati niya sa akin bago ako makapasok sa cr.
I chuckled. "Ilang beses mo na ako binati but thank you again," sabi ko bago ako pumasok sa cr.
Paglabas ko sa ng cr ay nakita ko siyang nasa study table ko. He's writing something on my notebook.
Lumapit ako sa kaniya at marahan siyang pinalo sa balikat. Mukhang gulat na gulat siya at biglang sinarado 'yung notebook na sinusulatan niya.
"Pwede bang huwag kang manggulat?" kinakabahan na sabi niya.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko at sinubukang kuhanin 'yung notebook na hawak niya pero tumayo siya at tinaas 'yon.
"Privacy," sabi niya at tumakbo palabas ng kwarto ko.
Lumabas din ako ng kwarto at hinabol siya. Notebook ko nga 'yung tinakbo niya, anong privacy ba sinasabi nito?
"Hoy! Kapag may napunit diyan sa lecture ko ipapasulat ko sa'yo 'yan lahat!" sigaw ko habang hinahabol siya.
"Tita! Tita! Tita! Si Ella, Tita!" sigaw niya at nagtago sa likod ni Mama.
"Ma, 'yung notebook ko," nakasimangot kong sabi at tinuro si Matt.
Nakita kong may pinunit siya roon at binigay 'yon kay Mama.
"Binabasa ko lang naman po 'yung lecture niya," paawa niyang sabi kay Mama kaya napa-irap ako.
"Ella, ayusin mo ang ugali, huwag kang madamot," sabi sa akin ni Mama at binigay sa akin 'yung notebook ko.
Nakita kong natatawa si Matt kaya umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko. Habang nag-aayos ako ay bumalik ulit si Matt sa kwarto ko.
"What?" natatawang niyang tanong dahil masama ang tingin ko sa kaniya pagpasok niya. "It's your birthday, huwag bad mood, bossing."
"Alam mo ba?" simula ko. Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal sa pader, ready na making sa sasabihin ko. "Hindi ko alam bakit lagi akong naiinis kapag nakikita kita. Siguro nagsawa na ako sa'yo 'no?"
"Wow, ha!" sabi niya habang umiiling. "Akala ko naman seryoso. Pinapababa ka na ni Tita. Mom's downstairs already."
He looks excited but he doesn't want to show it. He really miss Tita so much. I think, it's not just Tita but them being together again but he knows that it's impossible to happen because they have their own family already.
"Bababa na ako, una ka na," sabi ko at tumayo na para kunin 'yung bag ko.
"Bring my gift, let's take pictures later," sabi niya bago siya umalis.
Bago ako bumaba ay kinuha ko 'yung paper bag na binigay niya kanina. Hindi ko nakita na may letter pala sa loob kanina dahil sinilip ko lang 'yon. Kinuha ko 'yon at binuksan pero walang naka sulat doon.
"Ewan ko ba dito kay Matt, ang lakas ng trip minsan," bulong ko sa sarili ko bago ako bumaba.
Pagkababa na pagkababa ko ay sinalubong ako ni Matt at kinuha 'yung dala kong paper bag at siya naghawak noon. Binati ko agad si Tita nang makita ko siyang nakaupo sa couch namin. Tumayo naman siya at niyakap ako. She kept saying that we grow up fast. Dati raw kasi napaka liit pa namin, ngayon mas matangkad na kami sa kanila.
Yeah, time flies too fast. It's inevitable and it's scary at the same time. As time goes by people change and it's scary, will I change too? Will Matt change too? What does the future hold? It's scary that I don't know what will happen in the future and what kind of life will I have. That's why I hate growing up. It scares me.
Sa vikings kami kumain nila Matt. Si Mama and Tita ay hindi nauubusan ng pag-uusapan, si Matt naman ay si Chelsea ang kausap. Kumakain lang ako ng tahimik, ganoon din si Papa.
"Nak," tawag ni Papa sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Bakit po?" tanong ko.
Kinuha niya 'yung kamay ko at sinuot niya doon 'yung hawak ni bracelet. "Pasensya na kung 'yan lang regalo ko sa'yo," he said with guilt in his tone.
"Bakit po pasensya na?" tanong ko at tinignan 'yon. Bagay sa akin. Ang ganda. "Wala po dapat ipag-pasensya."
"Hayaan mo, anak, pag-iipunan ko sa susunod mong birthday. Ano bang gusto mong regal—"
"Pa, kahit ano po, basta galing sa inyo. Kahit ano, Pa. Kahit ano," paulit-ulit kong sabi.
I bit my lower lip. Ayokong nahihirapan sila para lang mabigyan kami ng magandang buhay. I don't want them to sacrifice themselves for us. I get that we're their child but they have to save for themselves too.
I don't want them to suffer because they don't want to burden us. I want them to rely on me, too.
Kaya ayoko maging mahirap dahil mahirap maging mahirap. We're happy but I can't stop thinking about what will our life will be if money is not a problem? That would be nice. Dad won't overwork himself and Mom will get a rest and buy things for herself.
Watching them over the years makes me feel guilty. I just felt guilty whenever I saw them feeling tired and worn out. Lalo na kapag problemadong problemado na sila sa pera.
It's hard to witness that. Life is a bit hard on us.
YOU ARE READING
A Glimpse Of Yesterday
RandomAng paghihirap nga ba ay hindi hadlang sa pag-aaral? They said you just need perseverance and to try even harder than the people around you. Dawn Bella Corpuz, who is from a poor family herself disagree to that. Being poor means having limited oppor...