Chapter 40

128 6 3
                                    

ALA singko pa lang ng umaga ay nagising na ako agad. Hula ko ay hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-aalala na pasukin ang bahay namin. Kion's with us, sure, but it's still very dangerous. May mga kasama pa naman kaming bata. Four to be exact. Four innocent children that we have to protect at all cost.

"Gising ka na." Kion, surprisingly, is in the living room as well. Mas nauna ito sa akin. "Masyadong maaga, Nadj. Hindi ka makatulog, ano?"

Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. "Guess so. Given na iyon. But aside from that, I dreamt of him. Kaya nagising ako agad."

He obviously was taken aback by that. And he sighed. "It's been three years. I'm...I'm sorry that I wasn't there."

"No, it's---"

"No, Nadia." Seryoso niya akong tiningnan. Walang bahid ng pagbibiro na madalas kong nakikita sa mga mata niya. "Matagal ko nang gustong humingi ng tawad sa iyo. I know I did before but I feel like it wasn't enough. Hindi iyon sapat para sa sakit na dinanas mo. I should have been there. I should have been with lieutenant, but I chose to leave."

"And I'm glad you did." Malumanay kong sagot.

Bahagyang kumunot ang noo niya.

"If you stayed behind, I'm not sure if anything will change. But I'm glad you left because you're here. May kasama si Deon. May kinikilalang magulang si Jade. If you're not here, then what about them? Kung nagpaiwan ka, baka iba rin ang buhay ng dalawa. You've done so much, Kion. It's okay. I'm okay."

Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin, siguro ay hinahanap ang sagot na baka makikita niya sa mga mata ko pero wala. He soon looked away and sighed deeply.

"Makulimlim ang langit. Uulan yata." He said, opening a new topic.

"Yeah. May balita kagabi na may low pressure area daw. Dadaanan tayo ng bagyo." Pagsang-ayon ko.

"It's Saturday today. Magsisimba ba kayo?"

"Yes. I think. Mag-aaya na naman ang dalawa na pumunta sa park."

"Astig kayo ah. Dala-dalawang beses na nagsisimba. Kami, Sunday lang."

I chuckled at that. "They like singing Ama Namin. At gustong-gusto nila na sumasama sa akin sa tuwing tatanggap ako ng hostiya. Kaya kahit dalawang beses pa kaming nagsisimba kada Linggo, walang issue sa kambal. And you know what they are excited about as well? Taho. Automatic na bibili sila ng taho pagkatapos ng misa."

Kion smirked. "Sana ganiyan din si Deon. Pero masyado na raw siyang abala sa schoolworks, ewan ko. Di ko mapilit. Di naman nga kami araw-araw nagsisimba."

"Si Deon pala..." I trailed off. "How is he?"

"He's growing, Nadj. But he's growing colder. Kahit papaano, nasubaybayan ko rin ang paglaki ng bata habang nasa Task Force siya. Neon was my friend. But I think I'll have to be better than this. I'll have to be a better father than them. Nalaman ko nga noong nakaraang araw na pasikreto pala siyang pumupunta sa sementeryo pagkatapos ng klase niya."

I sadly sighed and shook my head to myself. "Deon will understand. He's a smart kid. We just have to be there for him. Always."

"Yes." Pagsang-ayon sa akin ni Kion.

We stayed in silence a little more before I invited him to get coffee. Diresto na rin akong nagluto ng almusal para sa amin. I cooked sunny-side up eggs and sausages for the kids. Habang si Kion naman ang gumawa ng fried rice.

"It's time to eat, it's time to eat." Anunsyo ni Kion habang naglalagay siya ng mga placemats. Kinalabit niya si Jade. "Hey, kiddo. Help tatay put plates and utensils. Dahan-dahan ha? Baka mabasag. Hindi sa atin 'yan."

Task Force Trilogy #1: BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon