Chapter 4

158 9 0
                                    

PINUPUNASAN ko ang basang buhok gamit ang puting towel. I put my phone on the bed and I continued listening to the person on the other side of the line. Mabuti nga at hindi nila kinuha sa akin ang phone ko. But they did take my sim card and did not allow me connecting on any wireless connection. Baka ma-hack daw.

So they gave me a new number, a new phone, and I can only connect to their own wifi connection.

[So are you resigning, ma'am Nadia?]

I sighed as I sat at the bed. "Hindi ko nga alam, ma'am. Emergency kasi. Mahabang bakasyon. Ayokong mag-resign pero sa tagal ko rito, parang nagresign na rin ako."

Bago ako maligo ay sinikap ko talagang hanapin si lieutenant colonel. Para tanungin kung puwede ba akong tumawag sa mga kakilala ko. I did found him with his stoic and reserved attitude again. Hindi niya ako pinagalitan, pero pinagsabihan niya ako.

Ma'am Grace is a close acquaintance of mine. She's my co-teacher, and a friend. Si Lieutenant Colonel Apollo ang kumausap muna sa kaniya at malaki ang tyansa na ito na ang huling beses na makakausap ko si ma'am Grace. Baka pati siya at ang pamilya niya ay madamay.

Wala dapat makaalam ng mga taong konektado sa akin. They can be a collateral damage, the lieutenant colonel said to me.

[Basta mag-iingat ka riyan, Nadia. Hindi ko alam kung paano ka nakarating diyan, kung paano napasok iyang sitwasyon na iyan pero mag-iingat ka. Huwag kang magtitiwala agad. What if they are not the Task Force 157 and they are just fooling you? Sarili mo lang ang mayroon mo diyan.]

"It's okay, ma'am Grace. Mababait ang mga tao rito. At nalimutan mo na ba ang galing-galing ng intuition ko? Well, my gut feeling tells me that they are good and genuine people."

[Hay. Ewan ko sa iyo. Minsan nagiging problema ang masyadong pagiging mabait mo, Nadia. I pray that you're really in good hands. Hindi ko alam ang gagawin kung pati ikaw ay madamay.]

"Thank you. Mag-iingat din po kayo. Kayo ng pamilya mo. We won't be able to talk to each other anymore. At least not for now."

[Take care. Ikaw ang mag-ingat.]

"Take care of my class for me, ma'am. Thank you po ulit and take care rin. Mag-iingat po ako, promise."

[You better.]

Doon natapos ang tawag namin ni ma'am Grace. Nakadalawang oras din pala ang pag-uusap namin. Well, on the first hour---she did not believe me and panicked afterwards. Sinabi niya pa nga na baka nagbibiro lang ako at gusto ko lang ipakilala sa kaniya ang boyfriend ko.

Kinausap kasi siya ni lieutenant colonel. Baka nagpapalusot lang daw ako. Dalawang beses na kaming napagkamalan.

Natigilan ako nang may kumatok sa pintuan ko. I rose up and looked at the camera. Oo, may maliit na parang cctv camera sa labas ng kuwarto ko para makita kung sino ang nasa labas. I never knew about this at first, but when the lieutenant colonel visited me here in my room, he told me about it.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita na dalawang sundalo ang naroon. It's First Lieutenant Ulysses Zamora, and he's with another soldier that I am not familiar with.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa banyo at tiningnan muna sa salamin kung maayos lang ba ang histura ko. Hindi pa nga ako nakakapagsuklay! But that's alright! Para halatang kakaligo pa lang!

Inilagay ko na lang ang puting tuwalya sa ibabaw ng ulo ko bago buksan ang pintuan. Sumalubong agad sa ilong ko ang pabango nila. Lalaking-lalaki.

"Good morning, lieutenant." I smiled and looked at the soldier he's with. "Good morning din po."

Task Force Trilogy #1: BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon