Masarap magmahal pero masakit masaktan lalo na't nakita ng dalawang mata ko ang ka walang hiyang ginagawa ng kaibigan ko at ang lalaking pinakamamahal mo kaya parang panaginip lang ang lahat ng pangyayari sa buhay ko!
"Sana ikaw na lang ang nawala!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi at mabilis na hinila ang buhok ko tapos pwersadong sinabunotan ako. Hindi ko magawang ipaglaban ang sarili ko dahil na gui-guilty rin ako. Maraming what if na mga tanong para sa sarili ko dahil sa nangyari noong nahuli ang boyfriend ko at ang kaibigan ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil sa trato nila sa akin.
"S-Sana ikaw na lang!"Galit na sigaw ng mommy niya at tinulak ako ng malakas kaya napa upo ako sa lupa. Sinubukan kong tumayo pero isang malakas na sipa ang binigay sa akin kaya na pasubsob ako sa lupa. Biglang bumuhos ang ulan kasabay ng pag-iyak ko dahil hindi ko man lang makita o kahit masulyap man lang ang nasa coffin.
"I-Im sorry," hingi ko ng tawad at lumuhod sa harapan nila. Wala akong paki-alam kung pinapanood na kami ng mga taong nakiramay dito.
"I-Im sorry... I-Im sorry!" iyak na saad ko.
"Hindi na mababalik ng sorry mo ang buhay ng anak ko! " Galit na sigaw niya sa akin at sinipa ulit ako.
"Sana hindi ka na lang minahal ng anak ko, Elisha. Sana hindi na lang! kulang pa yang hirap mo sa pinagdadaan ko!"huling sabi niya at tinalikuran ako pero mabilis akong tumayo at niyakap siya kahit basang-basa na kami sa ulan.
"T-Tita... please!"Paki-usap ko pero marahas niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Kiss my feet baka sakaling masilan mo ang anak ko! " Walang imosyon niyang wika. Tumingin ako sa mga mata niya at dahan-dahan lumuhod ulit at yumuko dahil hindi siya nag bibiro sa sinabi niya. I'll kissed her feet... Akala ko totohanin niya ang sinabi niya pero nagkamali ako.
"Wag niyo 'yan papalapitin sa kabaong ng anak ko dahil wala siyang karapatan!"utos niya at mabilis na pumasok sa loob. Wala akong nagawa kundi umiyak habang hawak-hawak ang braso pa labas. Pero hindi ako tumigil at pabalik-balik ako ro' n at hanggang sa hinatid siya sa huling hantongan na kahit kailan hindi ko nakita ang lalaking mahal ko...
Masakit ang karanasan ko sa pag-ibig pero mas masakit ang ginagawa nila sa akin dahil hindi man lang nila ako pinakinggan at hindi ko man lang na dispensahan ang sarili ko. Gusto kong makalimot kaya umalis ako sa bansa at tinanggap ang offer sa San Francisco bilang isang caregiver.
My life empty when I left my country and I know the reality of being a Overseas Filipino Worker (OFW). Kaya sinabi ng mga kasamahan kong nurses ito kapag nagbroad ka raw dapat malakas ang loob mo dahil wala kang kakampi do'n kundi ang sarili mo lang at hindi mo alam kung ano ang buhay mo dahil nakabaon na ang iyong isang paa sa lupa. Swertehan na lang rin kaya sa isip-isip ko para na rin akong patay sa ginawa sa akin.
Wala sa loob kung hinaplos ang mukha niya sa larawan. His name Lorence Lev Sebastian, 36 years old, his profession is a attorney at the same time his a soldier too. His face too much strictly, evilly look. Ang mga matang parang apoy ang kulay, ang labi niyang mapupula at ang matangos niyang ilong, ang eyebrows niyang makakapal at maganda ang linya na dinaig pa ang babae at hanggang leeg ang haba ng buhok niya na nakahalf-bun ito na siyang kinagwapo niya.
Napalunok ako ng maramdaman kung bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit dahil siguro sa takot at pangamba,ramdam kung hindi maganda ang ugali nito. His too much handsome! but his evil sa mga tingin niya palang, wala na. Tala na ako!
Sinabi rin sa akin ang history niya kung bakit siya nalumpa. Kung tutuosin pwede pa siyang makalakad kung tutulongan niya ang sarili niya. Kaso wala siyang paki alam kaya't bahala na si Lord sa susunod na araw kung anong kahahantongan ng lahat ng ito.
"Can you just leave me alone!" sigaw niya sa akin at tinapon ang soap holder sa harapan ko.Tama nga ang hinala ko ang pangit ng ugali niya.
"F*ck y*u!" mura niya no'ng hindi ako gumalaw at nakatitig lang sa kanya. Sinanay ko na kasi ang sarili ko sa mga salita niya at mga pambabastos niya sa akin. Gano'n naman talaga kapag nagtratrabaho ka bilang OFW. Kaya mong lunokin lahat para makasurvive ka lang.
Hanggang sa isang araw nakuha ko rin ang loob niya at bumait siya sa akin. Pero isang umaga nagalit ng malaman ang totoo at pinauwe ako.Umalis ako sa bansa upang kalimotan ang lahat pero ang masaklap umuwe rin akong durog ang puso dahil sa pagmamahal sa taong akin niloko!
Pagtatagpunin pa kaya kami ng tadhana o sadyang ganito na ang aking kaparalan sa pag-ibig?
Im Adah Elisha Marieh Garcia and He is Lorence Lev Sebastian!
BINABASA MO ANG
Caregiver Love (COMPLETED)
RomanceMasakit ang karanasan ni Elisha Marieh sa buhay pag-ibig na pinangarap niya. Kaya't tinanggap niya ang alok para makipagsapalaran sa ibang bansa upang makalimot. Attorney Lorence Lev Sebastian, ang amo ni Elisha Marieh na isa ng lumpo ngayon. Wala n...