Kabanata 14

26 3 0
                                    

Kabanata 14

Noong bata ako mahilig na akong manood ng mga  fairytales, cartoons, disney princess at mga palabas na may kinalaman sa magic.

 Naalala ko pa kung paano ako nasasabik mag weekend, dahil pinapalabas sa tv ang mga paborito kong palabas. Tulad na lang ng Power rangers, spongebob, Doraemon, Naruto, Kung fu panda, Avatar, Barbie, sofia the first at iba pang Disney princess. Hindi ko rin ipapahuli ang Dragon balls na kahit panglalaki ay isa rin sa naging paborito ko.

Pagsapit naman nang gabi ay talagang inaabangan ko ang bawat series ng Wansapanatym. Isa itong palabas para sa mga bata. Ang plabas ay may kinalaman sa magic at fairytales. May mapupulot rin  na gintong aral.

Kapag naman usapang prinsesa si Princess Fiona ang pinakapaborito ko sa lahat. Kasi pinatunayan niyang ang pag-ibig ay hindi bumabase sa panlabas na hitsura. Umibig siya sa isang ogre na si Shrek at nagkaroon sila ng masayang pamilya. Tulad rin ni Belle sa palabas na The beauty and the beast. Gaano man nakakatakot ang hitsura ng bidang lalaki ay nagawa pa rin naman niyang umibig rito. At 'yon ang naging dahilan para makalaya sa sumpa ang beast na prinsipe.

Sa paglipas ng panahon, hanggang sa lumaki at nagkamuwang sa mundo, doon ko lang napagtanto na ang buhay ay malayong-malayo sa fairytales. Hindi siya tulad sa mga nababasa kong kwento o napapanood sa TV na may happy ending. Na kapag kinasal na at nagkaanak ay forever nang magiging masaya, hindi pala ganon. Dahil ang buhay ay may ups and downs.

Hindi pwedeng masaya lang palagi dahil minsan kailangan mo rin madapa at harapin ang bawat hamon ng buhay. Para masabi nating matatag tayo sa buhay.

Minsan na tayong naluko noong bata pa tayo. Ang akala natin noon pwede lang magmagic ng pera o pagkain kapag gusto natin. Akala ko noon isang pitik lang yayaman na kami.

Doon ko lang narealize kung gaano makapangyarihan ang bawat kwento. Kung paano sila mangimpluwensiya sa bawat taong makakanood o makakabasa. Kakaiba ang kapangyarihan ng bawat istorya, ito ang nagbibigay sa atin ng sandaling kasiyahan, gintong aral, at nagbibigay sa atin ng pag-asa at inspirasyon. Kung minsan ay tumutulong sa atin na sandaling tumakas sa magulong reyalidad.

"Ano ang dahilan para mahiligan mong magbasa ng mga fiction story?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa tanong niya. 

"Para sa akin, ang pagbabasa ay nagbibigay sa tao ng inspirasyon at pag-asa." Sandali kong pinikit ang mata. Inunat ang dalawang kamay para langhapin ang sariwang hangin sa dalampasigan. Nang imulat ko ang mata ay seryoso lang siyang nakamasid sa payapang dagat.

"Kaya ko nahiligan ang pagbabasa ng mga kwento dahil kapag malungkot ako, ang pagbabasa ang naging takbuhan ko." Patuloy ko. Napatingin ako sa aking paa, napangiti akong hinubad ang sapatos at magiliw na naglakad sa puting buhanginan.

"Kakaiba ka sa lahat. Karamihan kapag problemado, malungkot or sawi sa buhay ay sa alak nila binubuhos ang lahat." Napatigil ako sa paglalakad para mag-isip at bigyan ng kumento ang sinabi niya.

"Alam mo, Flavius, lahat ng tayo ay may kaniya-kaniyang way para sandaling tumakas sa reyalidad, kung minsan ang reyalidad para sa kanila ay nakakasakal na rin. Ang iba para makalimot sa problema ay dinadaan sa pamamasyal o kaya paggastos ng pera sa kung anu-ano, 'yon ay kung mapera ang isang tao. Sabi mo rin kanina na dinadaan sa pag-inom ng alak para makalimot sa problema, 'yong iba naman ay pinipili maghanap ng kasiyahan sa ibang tao."

"Pero para sa akin kasi, pagbabasa ang sandigan ko . Ang sabi ng iba nakakatamad, boring, at kung minsan sayang lang daw sa oras. Hindi kasi nila alam ang pakiramdam na kahit nagbabasa ka lang ay pakiramdam mo totoo ang nababasa mo, 'yong pakiramdam na akala mo ay nasa loob ka rin ng kwento."

The Magical Book and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon