Chapter 5

4 0 0
                                    

Cabin

Third Person's POV

"Blair!"

"Blair asan ka na ba?!"

"Blair this is not a good prank!"

"Blaizaroius Rodolfo Jr!"

Rinig na rinig sa buong lugar ng Shady Ridge ang mga tao na nag hahanap sa isang binata. Hindi malaman kung ano ang nangyari ngunit nag tulong tulong sila upang mapadali ang paghahanap dito.

"It's almost twelve, are you sure about this, Lili?" Tanong ng pagod na pagod na si Liam.

"Yes." Pursigudo namang sagot ng dalaga.

Habang nag lalakad silang apat malayo sa mga tao, biglang huminto si Lilith.

"Guys, what do you think if we'll split up para mapadali paghahanap natin kay Blair?"

"Hindi ba delikado?" Tanong ni Claire.

"Eleven na, kailangan na nating magmadali." Singit naman ni Felix.

"Okay, so ikaw Claire, at Felix. Tapos kami ni Lili. Okay ba?" Suhestyon ni Liam sa kanilang tatlo.

Agad nag tanguan ang magkakaibigan at nag hiwalay. Napag desisyunan ni Claire at Felix na pumunta sa bahay ng nawawalang kaibigan. Habang si Liam naman ay naguguluhang sumunod kay Lili na papuntang gubat.

"Lili, what are we doing here?"

"Finding your cousin." Hindi na umimik pa muli ang dalaga.

Naunang naglakad si Liam sa kanyang kaibigan. Biglang may nakapukaw ng atensyon ni Lili.

"Lili, diba kanina kasam- anong ginagawa mo?"

Tumingala ng tingin ang babae kay Liam. "Liam, mas mapapadali ang pag hahanap natin sakanya kung mag hihiwalay tayo."

Kita ni Lilith ang pag kunot ng noo ng kaibigan. "Here? In this forest? Hell no! Paano kung mawala ka?"

"Im not. Just trust me okay?"

"No, Ly. Gabi na. May nangyaring krimen kanina tapos gusto mong mag hiwalay tayo? Are you crazy?"

Agad nawala ang kaninang kalmadong muka ng kaibigan at napalitan ng galit. "Yes fuck yes! Mababaliw ako dito, Liam! Nawawala si Blair na kaibigan natin— na pinsan mo!"

Muka namang na realize ng binata ang pinupunto ng dalaga. Niyakap niya nito at ibinaon ang ulo ni Lili sa kanyang dibdib. Naramdaman ng dalaga na may kinuwang kung anong bagay si Liam sa kanyang bulsa.

"Here," abot niya ng isang whistle sa kaibigan. "If you find something, or if you're in trouble, just blow it. Connected 'yan sa phone ko kaya malalaman ko kung may nangyari sa'yo. Take this flashlight too and please, be careful."

Ngumiti ang dalaga at niyakap muli ang kanyang matalik na kaibigan.

"Bumalik ka bago mag twelve." Paalala ng binata.

Ngumiti lamang ang dalaga at tinahak na ang madilim na daan kung nasaan ang kanyang kaibigan.

"I will fucking kill you." Giit ni Lilith habang nag lalakad.

"Oy walang ganyanan. Kailangan lang natin pumunta sa bahay ni Blair."

Mula sa kanilang pag lalakad ay tanaw nila ang ilaw na nanggagaling sa kwarto ni Blair. Wala paring tigil ang bibig ni Claire sa pag k-kwento ng kanilang pamilya sa kaibigan. Habang nag sasalita ang dalaga ay nagtaka siya nang pinatahimik ni Felix si Claire.

Dark Secret Where stories live. Discover now