Wren's POV
"Kasalanan mo kung bakit namatay ang Lolo ko! You'll pay for this weirdo!"
Hingal na hingal akong nagising, napanaginipan ko na naman kasi si Jaemin.
Maybe Jaemin is right. Weirdo nga talaga ako kahit na alam kong may mga kasama na kong kagaya ko weirdo pa rin ako sa paningin ng lahat.
Pabalik na ako sa classroom nang biglang tumunog ang alarm ko,ibig sabihin ay training na naman nila sa Combat training. Oo nila, dahil di naman ako sumasali kasi di rin naman ako sinasama sa mga special mission kaya bakit pa? saka maweweirduha lang sila sakin kaya mas mabuti pang si Coach Yeri nalang ang kasama ko sa mga training.
Pero ewan at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa lumang Gymnasium kung saan sila nagtatraining.
"Pasko na ba? At mukhang naligaw ata ang weirdo nating kaklase rito", nakangising sabi ni Aera.
Agad namang naglingunan ang lahat sa akin.
"Manunuod lang ako", maikling sagot ko saka ko nilampasan si Aera.
"Then ba't di ka muna magsorry kay Karina for yelling at her kanina?", sabi naman ni Riley kaya naman agad na hinanap ng mga mata ko si Karina na mukhang kanina pa pala nakatingin sakin.
"Guys hali na kayo at magsisimula na tayo. O nandito ka pala Wren, why don't you join us? ", sabi pa ni Coach Yeri.
"Ano bang laro nitong si Wren ngayon?". - Aera.
Tumango lang ako kaya mas lumawak ang ngiti ni Coach Yeri sakin.
We just normally do our training nang mapunta na kami sa Sparring na part.
Lahat ay excited lalo na at malalaman namin ang makakasparring namin sa pamamagitan ng pagbunot ng pangalan.
Ang unang bubunot ay si Czarina at si Nyx ang nabunot niya.Hindi nila pwedeng gamitin ang powers nila talagang combat lang sadyang lamang lang talaga dito si Czarina kasi yung powers niya ay di naman ganon ka harmful, kaya magagamit niya talaga ang pagiging flexible niya habang wala namang kwenta yung main power niya , while Nyx medyo alanganin siya pero balita ko magaling to sa hapkido.Alanganin siya sa part na di niya magagamit ang kuryente siguro pwede lang siyang kumuha ng lakas doon pero hindi niya ito pwedeng gamitin kay Czarina.
At nagsimula na nga sila, unang sumugod si Czarina kaya naman puro depensa si Nyx nang biglang mabaliktad ang posisyon nila. Magaling nga talaga sa combat tong si Nyx. Kaya sana di siya ang mabunot ko.
Natapos ang sparring nila at base sa nasaksihan ni Coach Yeri ang nanalo ay si Nyx.
Sunod naman na bumunot ay si Aera kaya naman todo dasal ako na sana hindi ako. Mainit kasi talaga ang dugo sakin ni Aera at hindi ko alam kung bakit.
"Karina?", basa pa ni Aera sa nabunot niya.
Agad namang tumayo ito. Mukhang magsasayang lang ng lakas tong si Aera kasi nga numb si Karina. She can't feel pain.
"Coach I think medyo ano di fair, since she won't even flinched kapag nilabanan ko siya", sabi pa ni Aera.
"Fine, pili ka nalang ng gusto mong makasparring", sabi pa ni Coach Yeri kaya naman agad na nagawi sa akin ang tingin ni Aera saka siya nagsmirk.
BINABASA MO ANG
Wren: Chronicles of Extraordinary Powers and Mysteries
أدب الهواةWherein Wren Kim, who had a secret special ability of reading minds and been an outcast in their school for almost two years. Not until she discover about the cunning mystery of her powers.