CHAPTER 13

3 0 0
                                    

Tanghali na ng magising ako at napahawak pa sa ulo dahil sobrang sakit nito.

"Argh! I shouldn't drink the match!" Sabi ko at dahan dahang naglakad papuntang cr.

Paglabas ko ay nakakarinig na ako ng tawanan sa ibaba kaya bumaba na din ako pero nagulat ng makita ko si ethan sa labas ng kuwarto ko.

Tinignan lang ako nito at ng akmang magsasalita ay umalis na ko sa harap niya at nag punta ng hapag dahil nagkakainan na sila.

"Good morning Pa!" Bati ko dito at humalik sa pisngi niya ganun din ang ginawa ko kay kuya at ate athena.

Umupo ako sa puwesto ko at tahimik na kumakain ng may biglang mag lagay ng kape sa harap ko i look up and i see mama she's trying hard to make it up to huh?

"Naku! Ma'am hindi umiinom si thalia ng kape pag nakainom o may hangover!" Sabi ni nanay cely binigay nito saakin ang soft drinks na puro yelo! "Eto anak kumain ka ng madami ha?" Sabi ni nanay cely.

"Thank you nay! The BEST nanay ka talaga sa buong mundo!" Sabi ko kay nanay cely diniin ko talaga ang best para dama niya.

Umalis na si nanay cely dahil mamamalengke pa siya. Sumulyap ako sa gawi ni mama at nakita ko itong tahimik na kumakain.

Nakahalukipkip lang ako sa sofa sa terrace dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Here!" Inabit saakin ni dos ang chips kaya napangiti ako.

"Thank you the best ka talaga!" Sabi ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya ng tumabi siya saakin.

Nagising ako dahil naramdaman ko na may humahaplos ng buhok ko. Akmang mumulat ako ng mata peri natigilan ako ng magsalita ito

"P-patawarin mo a-ako anak... M-masyadong magulo... A-ang buhay ng m-mama mo noon... H-hindi ko masabi yung dahilan kase.... A-ako yung nagkamali... S-sa papa mo... Kuya mo... L-lalo na s-sayo... Sana mapatawad mo ako... P-patawad anak...." Si mama at hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis.

Naramdaman kong may luhang tumulo sa mata ko.

Nang mag gabi na ay lumabas ako sa garden at doon tumambay.

Ito ang lagi kong ginagawa noon, pag iniisip ko na walang oras si papa at kuya saakin.

Uupo ako dito at iinom mag isa at hindi ko akalain na gagawin ko pa din sita hanggang ngayon.

Napalingon ako sa taong lumabas at nakita ko si mama at nathalia hindi siguro nila alam na naandito ako. Aalis na sana ako pero napatigil ako dahil narinig ko ang usapan nila.

Napalingon pa si nathalia sa puwesto ko kaya nag tago ako sa halaman na nasa gilid ko buti na lang at medyo madilim sa side na ito.

I don't have any intention na pakinggan ang pinaguusapan nila dahil masama naman talaga makinig sa pinaguusapan ng iba, it's just that i feel something. 

"Mom! Ano pa ba ang iniintay natin dito?" Sabi ni nathalia.

"Konti pa nathalia makukuha ko na ulit ang loob ni tomas malapit niya ng maibigay saakin yung share ko at pag tapos nun ay mag file na ako ng divorce paper." Napatakip ako ng bibig dahil sa narinig ko.

Kaya sila andito? Kaya ba pilit niya kaming ginugulo dahil may plano sila?

Umalis na ako doon at nag mamadaling pumasok ng bahay.

" Thalia tara-" hindi ko pinansin sila kuya tim at agad na dumeretsyo kung saan nag stay sila nathalia.

Pinaghahagis ko lahat ng gamit nila mula sa taas.

" Tangina niyo!" Sigaw ko at binato ang gamit nila.

" What are you doing!? Are you losing your mind!" Sigaw ni nathalia sa baba.

Taming the love and Time (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon