XXIX. Yari ka!

2.7K 23 11
                                    

Oh yeah! this chapter is dedicated to SUPERNINJADOO! hehe. pinasaya niya ako sa comment niya eh. hehe...sabihin niyo ng mababaw ako. Hope you'll like it.

=====

XXIX. Yari ka!

POV of Ximena

 

Buwan na ang lumipas at hindi na niya iyon inulit. Nagpipigil lang siya kahit na gusto niya, sex addict kasi. Pero sorry siya kasi matigas ako. Ang utak ang pinapairal ko pagdating sa ganyan.

I am here, sitting on the bench at the park cause I am waiting for Sky. Magkikita daw kami dito kasi may importante siyang sasabihin. Bakit dito pa? Pwede naman sa bahay namin ah. I’ m just enjoying myself by watching the children play. Ang saya saya nila, para silang walang problema.

Noong bata ako, gusto ko nang lumaki pero ngayon na malaki na ako gusto ko ulit bumata. Ay ang gulo. Nagulat ako nang tinakpan ang mga mata ko ng dalawang kamay.

“ heyyy..” sabay kuha sa kamay na nakatakip sa aking mata. “ sino ka?” pero hindi siya sumagot.

“ Sky?” baka siya na to tapos tinanggal na niya ang kanyang mga kamay at nang tumingala ako, it’s Cloud.

“ na disappoint ka?” tapos tinabihan ako. “ akala mo si Sky ako.”

“ sorry na Maulap. May usapan kasi kami ngayon eh.”

“ ahhhh…….”

“ anong ginagawa mo rito?”

“ sinasamahan ka. You’re alone and I think you need some company pero darating naman pala si Sky so I might as well leave.” Tapos akmang tatayo at pinigilan ko siya.

“ oi! Nagtampo agad. Wala pa naman siya dito kaya ok lang at para naman may kausap ako.”

“ sige.” So he stayed beside me.

Usap lang kami ng usap at hindi ko namalayan na pagabi na pala pero wala pa akong nakitang Sky ni anino niya wala. Ano kayang nangyari doon? Nakakainis siya ha, sana nagtext siya sa akin kung hindi siya makakapunta para di ako mag antay dito. Buti nalang at nandito si Cloud dahil kung hindi, inipis at nilamok na ako dito.

“ puntahan kaya natin siya sa bahay nila.” Suggestion ni Cloud.

“ good idea.”

Lulan ng motor bike niya ay pumunta na kami sa bahay ni Sky. Nakarating na kami at nang buksan na namin ang pinto, napako ako sa kinatatayuan ko pati na rin si Cloud dahil nakita namin si Sky sa sala with……………..

SUMMER LEE? My cousin. Kaedad ko lang sya pero di kami close na magpinsan kaya di ko alam kung sino ang boyfriend niya or kung ano ang ginagawa niya.

 Anong ginagawa niya dito sa bahay ni Sky tapos umiiyak siya. They got shocked and looked at our direction at lumapit sa aming dalawa. Mas lalong lumaki ang mga mata ko sa tyan ni Summer.

“ Xime.” Sambit ni Sky and he seems sad and worried.

“ Summer? Anong ginagawa mo rito?”

“ Ximena….I….I…….am pregnant”

She’s pregnant? “ oh.”

“at si Sky ang ama.”

Ah si Sky lang naman pala ang ama eh. Wait what? Si SKY ang AMA? I froze and was dumbfounded. Nasa gagshow  ba tayo? Nag aantay ako nang may sumigaw na YARI KA. Dahil kung oo, hindi ko to nagustuhan at hindi rin ako natatawa. “ Sky, totoo ba to?” and he nod.

I was blown away. He’s the father? There should be no question mark, HE’S THE FATHER! I smiled sarcastically.

“ wow! Congrats Sky. Dahil sa pagkaplayboy mo, you’ve just got yourself an award. A moving and crying trophy.” Sabay takbo papalabas.

“ Xime..” hinabol niya ako pero di ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagtakbo pero nahawakan niya ang braso ko at napatigil ako.

I cried. “ ayan kasi! Kain ka ng kain. Ang resulta, nabulunan ka at naempatso pa. natuto ka na ba?”


“ I am so sorry Xime!”

“ sorry? Para saan pa yang sorry mo? Mawawala ba niya ang sakit na nararamdaman ko?Mababago ba nyan lahat? Pati ba naman pinsan ko pinatulan mo?  Baka may magpakilala na namang ibang babae dyan tapos sasabihin nilang buntis sila at ikaw ang ama. Sa lahat ng babae mo, ako nalang ba ang hindi mo nakama ha…….oh common Sky, sige, gawin na natin ngayon! Maghanap tayo ng motel.”


“ I had protection Xime at hindi ko alam na mabubuntis ko ang pinsan mo. Listen to me, pwede naman nating ipagpatuloy ang relasyon natin eh kahit na may bata. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Summer.”

“ ha! Selfish ako pagdating sa love Sky! Ang gusto ko, ang sa akin, akin lang talaga. Pero iba nato eh, may bata nang nadadamay nito. Ayaw kong lumaki siya na walang kinikilalang ama. Ang sakit, ayaw kong matulad siya sa akin Sky!”


He hugged me and I can say that he is crying. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “ let’s end this! It’s over Sky.” Sabay talikod sa kanya at nagpatuloy na sa pagtakbo.

May lumapit sa aking motor bike at huminto sa gilid ko. “ sakay na, ihahatid na kita.” Inihatid na ako ni Cloud sa amin.

Si Cloud ang parating nakakawitness sa pag iyak ko dahil kang Sky. Bakit di nalang ako sa kanya nahulog? Hindi sana ako nasasaktan ng ganito kung siya ang pinili ko.

 

Ang BF kong PLAYBOY [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon