XI. Continuation

3.1K 31 1
                                    

XI. Continuation

POV of Ximena


Dinala ako  ni Cloud sa isang barbeque park na malapit lang sa ocean. Ang sariwa ng hangin tapos ang solemn pa ng place. This is perfect for a date but we are not on a date. Lumabas lang kami,that’s all. Dumating na ang inorder naming barbeque tapos nagsimula na kaming kumain.

“ ahhh…Xime?” basag ni Cloud sa katahimikan.

“ hhhmmm…”

He chuckled then took a piece of tissue and soflty wiped it on my mouth. “ may sauce. Para kang bata kumain.”

“ sorry.”

He became serious this time. “ so okay, this Friday na ang college ball namin sa school.”

“ and?” sabay ingkit ng barbeque.

“ it’s an open house event kaya pwede akong magdala ng iba.”

Ano ba tong pinagsasabi ni Cloud? Ano naman ang kinalaman ko sa college ball ng school nila? Wala akong pakialam. “ so?”

“ pwede ba kitang maging partner?”

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko. “ bakit ako?”

“ cause I like you at matagal mo nang alam yun.” Hindi ako makaimik tapos nagbuntong hininga siya. “ I know si Sky ang iniisip mo. Gusto mo siya ang maging partner mo.” Tampo niyang sabi.

“ oi! I didn’t say that!”

“ parang ganon nga eh.”

“ of course” I paused. “ not. Cloud, I’ll be your partner okay?”

He smiled at my answer. “ really?”

“ ayaw mo?”

“ no, thank you Ximena.”

-----

After that scene ay inihatid na niya ako sa bahay namin. Sana si Sky ang nag ask sa akin to be his partner. But why would he do that? For sure, marami nang nagkakandarapang babae sa kanya. And that thought hurts me. Pero okay na rin at si Cloud ang nag ask. He’s my friend. Actually, I have two guy bestfriends. The left and the right. Hold them up high so clean and bright. Clap them softly one two three. Clean little hands are so good to see. Ay ano ba to? Nursery song lang ang peg? Hehehe

Nagshower muna ako before matulog. Nangangamoy na akong usok. After getting dressed, I took my cellphone out from my shoulder bag and saw 9 missed calls from Sky. Ganon kadami?

Bakit ba siya tumawag? Does he need my help na naman ba? Makikipagbreak na naman ba siya sa babae? I let out an enormous sigh. Hindi na talaga siya magbabago.

I called him but before that, I have to compose myself. Remember the confession thingy.

“ hello Sky?” parang wala lang nangyari.

( bakit ang tagal mong sinagot ang tawag ko?) siya rin, parang wala lang.

“ sorry.”

(ang sabihin mo, busy ka sa pakikipagdate kang Cloud. Nakakalimutan mo na ang bestfriend mo.)

OUCH! For the millionth time. Bakit ba mortal enemy ko ang salitang bestfriend. And is he jealous? Tsh..ASA!

“ hindi kaya. Bakit ka pala tumawag?”

( aahh…kasi..)

“ kasi?”

( ano.)

“ what?” ano ba yan. Ang tagal niyang sabihin ang pakay niya. Nakakapanibago ata. “ SKY!” sigaw ko.

( please be my partner sa college ball.) O_o Did he ask me to be his partner? (Xime)

Naalala ko si Cloud. “ aahhh…Sky…aahhmmm” paano ko ba to sasabihin sa kanya. “ Sorry, nauna kasi si Cloud sayo eh.”

I heard him sigh. (oh.okay) and I could tell he’s sad.

“ may ibang babae pa naman dyan eh. Makakakuha ka rin ng partner ikaw pa” ayaw kong may partner ka sa college ball Sky. Huhuhu.

Nagbuntong hininga ulit siya tapos may ibinulong. ( eh ikaw lang naman ang gusto kong partner eh)

Hindi ako bingi. Narinig ko ang sinabi niya. Ano raw? Hahaha…ako ang gusto niyang partner. Sos! Kung hindi lang talaga nauna si Cloud ay baka pumayag ako. Ang bagal mo kasi Sky. Kainis ka.

Ang BF kong PLAYBOY [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon