Arceilla Wetzel: Pagkakulong Sa Araw ng Paglaya

29 5 0
                                    

Ako'y nahahapis sapagka't ang pag-iisang dibdib ay hindi ko nais

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ako'y nahahapis sapagka't ang pag-iisang dibdib ay hindi ko nais.

Kapangyarihan, pag-aari, karangalan at yaman ay hindi ko ibig, gayon na rin naman ang lalaking sa akin ay ipag-iisang dibdib.

Ngayon ay araw ng Pista ng Paglaya, nguni't tila ba ang pait ng kapalaran sapagka't kabaliktaran ng paglaya ang aking nasumpungan.

Ang aking puso ay dumadaing ng kapighatian sa kanyang dinadanas at sa malabis na pahirap.

Labis na nanglalambot ang aking kaluluwa at ang aking buong katawan ay tila binabalutan ng kalungkutan.

Hindi ko lubos maisip na ganito ang aking magiging kapalaran, ipagkakasundo akong ipag-isang dibdib sa taong wala akong nararamdaman.

Noong ako'y bata pa inilalarawan sa akin ng aking Ina ang magandang imahe ng matrimonyo sa dalawang taong nag-iibigan. Naniniwala siya na sa babae ang kasal ang pinakamagandang mangyayari sa kanyang buhay sapagka't matatali na siya sa taong kanyang iniibig na pinili siya at pinili niyang makasama habambuhay.

Ngunit ang dumating sa akin ay kasaliwaan, ipagkakaloob ko ang aking buong pagkatao, kalayaan, at sarili sa taong hindi ko naman iniibig. Mangangako ako sa kanya na siya'y aking mamahalin sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalungkutan hanggang kamatayan kahit na ako'y napipilitan lang.

Kahit lumagda pa ako sa isang kasulatan, kung salungat naman ito sa aking kalooban, hindi nito mababago ang nasa aking kaibuturan.

Paano ako mabubuhay ng masaya sa lahat ng kaarawan ng aking buhay kung ang kalapit na aking magiging asawa ay hindi ko iniibig?

Paano ako magiging masaya at matutuwa sa lahat kong gawa sa ilalim ng araw kung wala akong pagsinta sa magiging kabahagi ko sa lahat ng ito?

Noble Heart: Words of Passion Where stories live. Discover now