Mart Laurence Kasfer: Mabubuhay Sa Pagnanais Na Magkamit ng Yaman?

6 1 0
                                    

Tama, hindi ko nga siya nauunawaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tama, hindi ko nga siya nauunawaan. Hindi ko mabatid ang nilalaman ng kanyang puso at isipan. Marami siyang sinabi ngunit tila wala akong narinig, ni naintindihan.

Hindi ko alam kung bakit gayon na lamang ang kanyang pananaw sa buhay.

Maaaring nagsasaysay siya ng karunungan sa mga bagay na kanyang tinataglay, samantalang sa akin ay ito'y kamangmangan, sapagkat magkaiba ang aming kaisipan at nilalaman ng aming puso't isipan.

May mga bagay na mahalaga sa kanya ngunit sa akin ay walang kabuluhan.

Mga bagay na pinanghahawakan niya, samantalang sa akin ay binibitawan.

Hindi ko siya lubos na mauunawaan sapagka't ang mga bagay na gusto ko lang tanggapin ay yung mga bagay na nais kong maunawaan.

Ngunit hindi ko maitatanggi ang aking nararamdaman.

At kahit na mangatuwiran ako sa aking kaisipan at tutulan ang aking mga napakinggan, ang puso ko ay patuloy itong sinasalangsang.

Para akong sinaksak ng kortapluma na nakita ko naman, ngunit hindi ko nagawang ilagan.

Alam kong nagsasaysay siya ng mga bagay na makabuluhan, ngunit ayokong maunawaan.

Natarok iyon ng aking isipan, ngunit ayokong tuldukan.

Totoo na nabubuhay lang ako dahil nais kong magkamit ng yaman.

Ngunit mabubuhay nga lang ba ako dahil sa pagnanais kong magkamit ng yaman?

-Mart Laurence Kasfer

Every Breath You Take

Noble Heart: Words of Passion Where stories live. Discover now