CHAPTER 15

1 0 0
                                    

CK's POV

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na naririnig ko ang tawag sa akin ni Enzo.

Badtrip!

"Hoy!!"

"Bilisan mo kasi maglakad! Malalate tayo!" sigaw ko rin dito.

"Anong malalate? Wala tayong klase ngayon ugok! Ano ba nangyayari sayo?" inis nitong tanong.

"Wag mo sabihing nagseselos ka don sa Arcine na yun? Hahahahaha!"

"N-nagseselos? Naririnig mo ba sinasabi mo Enzo?"

"Oo naman rinig na rinig ko! Hahaha "I stayed at her place last night." pang gagaya ni Enzo dito.

"Bahala ka nga!"

"Si boy deny ka nga."

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mood ko ngayon. Pero alam ko hindi to dahil sa nakita ko kanina. Asa!

Pagkapasok namin ay agad din namin nakuha ang letter na kailangan namin sa weekend. Uuwi na rin muna ako bago dumiretso sa negosyo ko dahil kailangan kong magpaalam sa kanila na wala ko sa sabado at linggo.

Hindi ko na rin pinansin pa si Enzo dahil mang aasar lamang ito. Pagkauwi ko ng bahay ay agad din akong naligo ulit at maya maya lang ay nasa biyahe na ko.

Tsk! Di ko pala siya pinapasok ngayon.

Nakakunot ang noo ko habang nagbibiyahe. Sinubukan kong magpatugtog sa paborito kong album pero hindi pa rin iyon naalis ang inis ko. Baby? Yuck! Ang tanda niyo na para sa tawagan na yan. Tsk!

"It's the way she fills my senses. It's the perfume that she wears. I feel I'm losing my defenses. To the color of your hair."

Napatigil ako sa pagpapark nang marinig ko ang kantang yun na tumutugtog sa loob. Paniguradong si Arnel nanaman ito.

"Goodmorning Sir."

"Morning." bati ko.

"Where is Arnel?" tanong ko sa kanila.

"Ay nasa CR po Sir."

"Okay okay, sino nagpapatugtog? Pwede patayin na muna? I have many things to do today. Kailangan ko rin tawagan yung mga supplier natin." pagpapalusot ko sa kanila.

"Ah okay sir. Sege po. Tawagin niyo nalang kami kung may kailangan kayo."

"Thanks." sabay pasok sa opisina ko.

Ang totoo nyan ay wala kong gagawin ngayon dahil natapos ko na lahat kahapon. Sadyang ayoko lang marinig ang tugtog na iyon.

Naupo nalang ako sa mesa ko at kunwari'y nagtrabaho. Dumaan na rin ako sa isang bakery shop kanina kaya may pagkain na rin sila. Tsk! Parang buong araw ata ako wala sa mood ngayon.

Lia's POV

Pagkatapos ng klase namin buong araw ay dumiretso ako sa isa naming auditorium dahil dito raw gaganapin ang audition sa Bertland Chorale and Bertland Voices, dalawang grupo ito. Nasa kabilang room naman ang iba pang mga grupo.

Simula pagkabata ay mahilig na rin ako kumanta at sumasali na rin ako sa mga singing competition sa Cebu. Doon ako lumaki at nag aral. Nagtransfer lang din ako rito sa Metro Manila para ituloy ang medisina. Sa Cebu rin kami unang nagkakilala ni Celeste dahil don din siya nag aral pero nagtransfer nga lang siya noong college dito at bumalik ng Cebu hanggang sa unang taon niya sa med school.

Mabuti nalang at inoffer to sa mga estudyante mula highschool hanggang graduate school. Talagang sinisigurado ng University na lahat ay involved sa activities.

LOVE MULTIVERSE  (Series 1: Sounds of Soul) Where stories live. Discover now