CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Celeste's POV

Alas sais na ng umaga pero nakatulala pa rin ako at nakatitig sa kisame. Ngayon ang unang araw ng pasok ko sa isang unibersidad dito sa Metro Manila. Bilang isang second year Medicine student at transferee, kailangan kong pumasok ng maaga para malibot and buong campus. Nakatanggap ako ng email kagabi patungkol sa orientation ng freshman at transferees at mas maaga kami ng dalawang oras kumpara sa mga old students. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni nung tumunog ang cellphone ko.

"Hmm?" sagot ko habang humihikab.

"Ay oh! Goodmorning madam! Ano kagigising mo lang ba ha? Anak ka ng tupa mag alas syete na! Bumangon ka na dyan at paalis na --" ani ni Lia sa kabilang linya.

*toot* *toot*

Binaba ko na ang tawag bago pa siya maglitanya. Ang aga aga sermon agad.

Bumangon na rin ako at inayos ang kama sabay kuha ng malamig na tubig sa ref at tinungga. Maya maya lang ay naligo na rin ako at inayos ang sarili. Nakuha ko na rin ang mga uniform ko noong enrolment kaya mga libro nalang ang iisipin ko.

Saktong alas otso ng umaga ng matapos ako at saktong nakita kong tumatawag ulit si Lia.

"Hello? Papasok na ko." bungad ko.

" Sege ingat! Nasa parking na ako ng school, magcommute ka ba ha? Gusto mo sunduin na kita?" aniya.

"Hindi na. Malapit lang naman ako at madami naman jeep. Kita nalang tayo dyan. Bye." sabay baba ng telepono.

Marami rami na ring estudyante at commuters ng ganitong oras kaya pahirapan din sumakay ng jeep. Kailangan ko pang makipag unahan para makaupo kundi sasabit ako. Kung swertehin ka ba naman oh. May isang jeep na pumara sa harap ko at walang laman. Sa harap ako umupo katabi ng driver, walang limang minuto ay napuno na ito at nasa daan na kami papuntang school.

"Beshywap! Oh my god! Namiss kita huhuhu! 2 years kitang di nakita pero bakit parang mas gumanda ka ha?" naglalakad palang ako palapit sa parking lot ay narinig ko na ang malakas na boses ni Lia sabay takbo para yakapin ako.

"Di ako makahinga ano ba!" angil ko.

"Sows! Ang arte arte mo naman. Di ka naman mabango, amoy usok ka!"

"Nagjeep ako, umalis ka na dyan. Tara na malalate na tayo."

Sabay kaming naglakad papasok ng campus at may mga estudyante na rin kaming nakakasalubong. Mahahalata mo ang mga bago at mga old student base na rin sa kilos nila. Palibhasa'y isa sa mga sikat ng university ay kukulangin ang isang araw para malibot mo lahat.

"Hoy, hiningi pala ni Arcine yung number mo sakin kanina. Di ka raw nagsabi na nandito ka na ulit?" tanong ni Lia habang abala ang mata ko sa kakatingin sa paligid.

"Ok."

"Nga pala, yung building natin katabi ng Tourism Department, mas malaki nga lang yung atin dahil sa mga laboratories. So ano, excited ka na ba sa first day mo dito ha? For sure mag eenjoy ka hahahaha" sa lakas ng tawa niya ay narinig siya ng mga dumadaan.

Auditorium. Saktong nabasa ko ang nakalagay sa itaas ng isang malaking pinto. Dito gaganapin ang orientation namin at dahil malakas ang kaibigan ko, pumasok siya ng maaga para samahan ako. Pumasok na kami sa loob at laking tuwa ko sa sobrang lamig ng room at lambot ng mga upuan. Sana hindi ako makatulog. Tch!

" Good morning students! Welcome to Bertland University." ani isang matandang lalaki na sa tingin ko ay siyang Dean.

"I am Dean Gil Arthur Lopez. Dean of College of Business and Arts."

LOVE MULTIVERSE  (Series 1: Sounds of Soul) Where stories live. Discover now