CHAPTER 5

3 0 0
                                    

Lianna's POV

"Oy okay ka lang ba?" tanong ko na kay Sol habang nagsusulat sa notebook ko.

"Oo naman. May iniisip lang."

"Anong iniisip mo naman?"

"Wala naman. Mag aral ka na dyan. Mag CR lang ako." sagot niya at tsaka tumayo.

"Yung CR sis, meron per building dito ah." sabi ni Erica at tinuro ang pinakamalapit na CR.

"Salamat." iniwan niya muna ang mga gamit niya samin at naglakad na palayo.

" Yung kaibigan mo 'teh napakatahimik naman! Haha, ganon ba talaga yun?" tanong sakin ni Erica.

"Oo siswa, masanay ka na don. Asan nga pala mga friends mo dito?"

"Ay nako! FO! Kakaiba rin pinagdaanan ko dito sa University noh. Knowing na sikat tong school eh nagliparan din ang mga fokfok at mga bullies! Di nila matanggap na mas maganda ko sa kanila kaya ayun FO hahahahaha"

"Ganon ba?"

"Oo siswa! Nako! Buti nga di mo naranasan yun, di ka kasi masyadong maganda!"Pero dahil nasa first week palang tayo ng klase eh antayin natin na dumating next week. Paniguradong mas madami ka ng makikitang students dito. Ngayon kasi konti lang kasi alam na nila na di masyadong nagklaklase sa unang linggo."

"Department nga lang natin ang sobrang sipag eh! Yung ibang courses, wala sobrang chill pa nila!" dagdag niya pa.

"Ay talaga ba?" bigla namang dumating si Sol kaya di na rin kami nagtagal at dumiretso na ng classroom.

"Good Afternoon class! I am Doctor Hassam Martinez, your professor for Neurology." nakangiting sabi ng propesor.

"I have already your names and I am glad that some of you have been my students from previous year and subjects. But of course, I would like to know the new faces. So far sa klase ko ay dalawa lang ang bagong mukha na nakikita ko." dagdag niya. Mukhang siyang mabait. Sana di kami masyadong pahirapan neto!

"Where is Mr. Justin Maxime Romero? Stand up. Introduce yourself, please."

Tumayo ang isang lalaki sa likod namin. Gwapo! mukhang mabango! Nangingiti na si Erica sa tabi ko.

"Good afternoon everyone! I am Justin Maxime Romero. Irregular student. Nice meeting you all."

"Good afternoon Mr. Romero. Thank you! next, where is Celeste Dionne Cruz?"

Tumingin ako kay Sol at nakita kong humihikab nanaman ito. Lakas mo talaga! Tumayo na rin ito at tumingin sa proper.

"Good afternoon. I'm Celeste Dionne Cruz. Thank you!" bigla siyang umupo. Amp! Bastos!

"You look familiar, are you related to Arcine Bejamin Cruz?" tanong ni Dr. Martinez

"No Sir."

Nagulat ako at napatingin kay Sol. Deny?!

"Okay thank you class. Again. I will be your professor for Neurology, and I hope we will get along. That would be all for today. I will also give your syllabus for advanced reading. Dismiss! Thank you." umalis na rin ito at nakahinga kami ng maluwag.

Nagkaroon din kami ng isa pang oras ng free time. Bait mo talaga Lord!

Celeste's POV

Kanina pa ko tulala dahil sa iniisip ko na kung paano ko mapagkakasya ang natitira kong ipon ng isang buwan. Kailangan ko na talagang makahanap ng part time job. Dalawang taon pa at masyadong magastos ang medschool. Hindi ko na rin sinabi pa kay Lia ang iniisip ko para hindi na rin siya mag alala sakin. Kahit nakakaangat yun sa buhay niya ay hindi ko pa rin hiningan siya ng tulong. Mas mabuti na ang magsumikap ako para sa sarili ko.

Pagkatapos ng mga klase namin maghapon ay nagpauna na akong umuwi. Pupuntahan ko ang landlord ko dahil nasabi niya sa akin na may part time siyang ibibigay. Pagkatapos magbihis sa bahay ay bumaba na rin ako para kitain ito. Saktong nakaupo eto sa labas ng bahay.

"Magandang gabi ho." bati ko rito

"Magandang gabi rin iha, kumain ka na ba ng hapunan mo?" kahit matanda na ay halata pa rin kung gaano ito kagandang lalaki.

"Oho, kumain na ho ako. Nandito po ako para sa part time po sana na sinasabi niyo nung nakaraan."

"Ah ganon ba? Oh siya, maupo ka muna rito at may kukunin din muna ako sa loob."

"Sege po." umupo ako sa bakanteng upuan habang hinihintay siya. Inabala ko ang mga mata ko sa iba't ibang uri ng bulaklak sa kanyang maliit na garden. Ang gaganda. Halatang alaga.

Pagdating niya ay binigyan niya ako ng ng isang maliit na papel.

"Ito yung lugar at andyan din yung contact number nila. Wag ka mag alala dahil nasabi ko na rin naman sa kanila na may ipapasok akong kakilala. Dati na rin akong nagtrabaho sa pamilyang yan kaya kilala ko na rin sila. Ayan ang bago nilang business ngayon." panimula niya.

"Salamat ho ng marami." sagot ko.

"Walang anuman, wag kang mag alala kasi hindi naman araw araw na papasok ka dyan, kung mayroon lang nagbook para sa services nila, doon ka lang din papasok."

Kinuha ko na rin ang papel at ibinulsa. Nagpasalamat na rin ako sa may ari ng bahay at umakyat sa taas. Kailangan na kailangan ko talaga to.

Tiningnan ko ang papel. ''Calvez Catering and Events Services"

LOVE MULTIVERSE  (Series 1: Sounds of Soul) Where stories live. Discover now