CHAPTER 39

1 0 0
                                    

Celeste's POV

Nagising ako ng alas singko ng umaga na kumikirot ang dalawang balikat ko. Hindi ko na ito magalaw. Pinilit kong itinukod ang kamay ko sa kama pero sobrang sakit! Wala akong halos naitulog. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Gising na si Arcine at kung ano ano na ang ginagawa sa kusina.

"You're awake?" tanong niya.

"Oo." pinilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko pero dahil siya si Arcine at doctor ay nahalata niya ito agad.

"What the hell?!"

"Wag kang sumigaw." sita ko

"Ayan yung kagabi?" tanong niya ulit.

"Yeah."

"Oh my God Dionne!"

"Arcine wag kang sumigaw. Palalayasin kita dito." ang aga aga ang ingay niya. Naiintindihan ko na nag aalala siya pero mas lalo akong mapapagod kung isasabay niya pa ang kakasigaw sakin.

"Hold on. Umupo ka na muna. Damn it, wala akong dalang first aid kit ngayon, naka off duty ako. Sit down."

"Meron ako dyan sa cabinet pero hindi yan uubra. Mukhang nabalian ako." sabi ko sa kanya. Lumapit naman ito sakin at tiningnan ang dalawang balikat ko.

"Shit. Namamaga Dionne! I can't believe this!"

"Isang sigaw pa Arcine Benjamin, lalabas ka."

"Ah talagang ako ang hinamon mo ngayon Dionne? Do you think I will be scared of you? Pinalagpas ko ang ginagawa sayo ng ilang beses! Sinunod kita. Now? I am your older brother kaya makinig ka!"

"Tsk!"

"Sit down!"

"Oo na!" inis kong sabi.

Kumuha ito ng pagkain at sinubuan ako.

"Ano to lugaw?"

"Wag kang mag inarte ngayon Dionne. Pupunta tayong ospital ngayon at ako mismo ang magsesemento sayo. Napakatigas ng ulo mo."

Sermon nanaman.

"Please tell me hindi sila Julius ang gumawa nito sayo. I will kill them this time."

"You can't do it Arcine. You can't."

"I can Dionne. I can."

Hindi ko na ito pinansin dahil sumasakit na ang ulo ko dahil wala akong maayos na tulog at ang ingay niya pa. Pagkatapos naming kumain at may kinuha itong gamit sa kwarto ko.

"Let's go!"

"Saan nanaman Arcine?"

"Sa ospital para matingnan ko yan!"

Wala akong nagawa kundi sundan siya. Pagdating kay Arcine ay sumusunod ako. Bukod sa malaki ang respeto ko sa kanya ay ramdam ko rin ang alaga niya sakin. Kampante rin akong hindi ito magsasalita sa kahit kanino. Nakasalubong pa namin ang landlord ko pagbaba.

"Morning!" nakangiting bati niya samin.

"Morning po." bati ko sa kanya.

Ngumiti lang ito sa amin ni Arcine at tsaka umalis. Tahimik ang naging biyahe namin papuntang ospital pero rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Arcine. Pumikit nalang ako at hindi siya pinansin. Alam kong nag iisip siya at nag aalala sakin.

LOVE MULTIVERSE  (Series 1: Sounds of Soul) Where stories live. Discover now