Sa isang umaga sa lungsod ng Maynila, si Sadi ay papunta sa MSA University para mag-enroll. Ang araw ay maliwanag pero may bahagyang patak ng ulan na bumabagsak.
"Bunso, ingat ka sa pagpunta sa unibersidad," ang sabi ni Miguel, ang kanyang nakakatandang kapatid, habang nagmamaneho sa kusina.
Ngulumiti si Sadi at sumagot, "Salamat, Kuya. Babalik ako mamaya."
Papunta sa pinto, napansin ni Sadi ang mukha ng kanilang ama, si Mr. Delgado, na nakatingin sa kanya mula sa kanyang opisina.
"Napagpasyahan mo na ba kung ano ang iyong kukunin na kurso?" tanong ni Mr. Delgado, na may kasamang pag-aalala sa kanyang boses.
Hinawakan ni Sadi ang pintuan at ngumiti, "Opo, Pa. Sinabi ko na sa'yo, ako ay mag-aaral ng Music and Arts."
Napakamot ng ulo ang kanyang Ama at nagbigay ng mapag-imbot na ngiti, "Sana'y pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon, anak. Ang mundo ng musika ay maganda, ngunit mahirap din. Dapat mong tandaan na ang iyong kinabukasan ay mahalaga."
"Salamat, Pa. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para magtagumpay. Magiging sikat ako sa larangan ng Musika" ani Sadi.
Samantala, sa MSA University, nasa loob si Aga habang nagtutugtog ng isang kakaibang piano arrangement na galing sa rock genre. Ang kanyang mga mata ay nakapikit, at ang kanyang mga daliri ay marahang gumagalaw sa mga piyesa ng piano.
Matapos ang ilang sandali, tumigil siya at ngumiti sa kanyang sarili. "Mukhang maayos ito para sa susunod na recital," bulong niya sa sarili.
Biglang dumating ang kanyang ama, si Engr. Leo Sandoval, isang respetadong engineer at propesor sa university, agad tumigil si Aga sa kanyang pagtugtog. Si Mr. Sandoval ay isang tanyag na tao sa kanyang larangan, at palaging umaasa na ang kanyang anak ay magiging katulad niya.
"Tumutugtog kana naman!" galit na bati ni Mr. Sandoval nang papasok sa kanilang bahay. "Aga, tigilan mo na ang pagpapiano ok?, besides, ano bang mapapala mo dyan?"
Hindi na bago kay Aga ang reaction ng kanyang ama kaya ngumiti at sumagot, "Opo, Pa. Narinig nio naman po diba? Kita nio naman na wala akong kasama, anong mapapala ko po? Stress reliever po, di po ba kayo narerelax may naririnig kaung piano."
Galit na tumugon ang kanyang ama.
"Aba, how dare you answer me in that tone Agapito Sandoval! Umalis ka sa harapan ko or else..."
"or else or else kapa jan, di mo mawawasak tong piano, sa university to, professor ka lang. Alis na nga po ako. Bye Dad. Good morning." Pabirong sagot ni Aga sabay karipas ang takbo palabas ng music room. Napailing na lang si Engr. Sandoval. Parang hindi natatakot sa kanya ang kanyang anak.
Sa kabilang banda, habang si Sadi ay papunta sa unibersidad, biglang napansin niya ang maririnig na malakas na tunog ng piano. Kumindat siya at napalingon sa direksyon ng tunog. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ito ba ay isang piano version ng kanyang paboritong rock song?
Napilitan si Sadi na sundan ang tunog hanggang sa makarating siya sa Music Room. Pumasok siya nang , ngunit nang makarating siya sa loob,
ay walang tao roon. Natapos na ang musikang pinakikinggan niya, at ang kanyang pagtataka ay nanatili. Sinubukan niyang tingnan ang paligid, ngunit walang anumang bakas ng sino mang nagtugtog.