Nasa music room sina Aga at Novi. Magpinsan ang dalawang binata. Pareho silang mahilig sa music. Pinarinig ni Aga kay Novi ang version ng isang Rock Song."Aba, magandang version yan ah. Galing mo talaga insan!"
Ani Novi, na pinagmamasdan ang bawat pilantik ng kamay ni Aga sa tiklado ng piano.
"Turo mo sakin, cous, parang madali lang eh." sabi ng binata.
"Need ko pa bang ituro, nakikita mo naman diba. Kayang kaya mo na yan. Nakakapagpractice ka naman sa inyo eh, ako dito lang at pasikreto pa, ayoko na ngang pagmataasan si Daddy kaso, yan talaga gusto ko."
ang himutok ni Aga."Kow, andami mo namang sinabi. Tabi ka nga at try kong tugtugin."
Nakuha agad ni Novi ang tamang tugtog sa pangalawang pagkakataon.
"Fast learner ka naman eh. Bully ka nga lang. Bakit mo binubully ung Isadora? Siguro..."
Naalala ni Aga na laging binubully ni to ang bago nilang classmate na si Sadi.
"Siguro ano? Anong connect ng statement mo?, eh diba inaaway ka nun, binangga mo kasi si emo girl, dapat kilala nia ung binabangga nia, pero ang cute nia eh. Mahabang buhok, black eyeliner, laging nakablack and white stripes... hai..."
"Tinamaan na. Mema lang yun. Punta lang ako sa canteen. Pag igihin mo jan, bully."
Makalipas ang limang minuto ay kuhang kuha na ni Novi ang Pyesa na tinutugtog ni Aga. Limang beses nia ung inulit ng makarinig sya ng palakpak...
"KLAP.
KLAP.
KLAP"Napatigil sya sa pagtugtog.
Nahiya naman si Sadi sa pagpalakpak nia.
"Sssorry kung naistorbo kita. Maganda kasi yung arrangement. Aalis nako. Sorry."
Nagmamadaling umalis si Sadi ng may mabangga siya.
Natapon ang milktea at nahulog ang mga fries...
"Hala... naku."
"Sorry, di ko sinasadya. Sorry."
Hiyang hiya ang dalaga.Ang lalaki pala na kanyang nabangga ay si Aga. Sa pangalawang pagkakataon. Nabasa ang polo nia at natapon ang ketchup ng fries sa pantalon nia.
"Bakit ka kasi napasok ng bigla sa Music Room? Ayan tuloy nabangga mo si Aga. Umalis ka nga dito!"
Sigaw ni Novi.
"Ah. Kasi. Pasensya na."
Kinuha ni Sadi ang bimpo sa kanyang bag.
"Gamitin nio po ito pamunas. Sorry talaga. Aalis na ako."
Tumakbo na palabas si Sadi.
"Pahamak talaga yang si emo girl. Buti wala na tayong klase. Mag t shirt ka nalang. Di naman halata ung ketchup sa pants mo punasan mo nalang."
"Bakit nga ba sya pumunta rito?"
Tanong ni Aga."Di ko din alam. Napatigil nalang ako kasi pumalakpak sya habang tinutugtog ko ung pyesa mo."
Pagpapaliwanag ni Novi."Anyways, pansin ko lang pangalawang bunggo nio na. Nung una nagalit sya diba? Tapos ngaun biglang tiklop. Emo."
Tinanggal ni Aga ang polo at nagtshirt na lamang. Pinunasan nia ang kanyang pants gamit ang bimpo ni Sadi.
"Pano di titiklop sinigawan mo ung tao. Pinaalis mo diba. Tsaka kala ko ba naku-cute-an ka sa kanya. Inaaway mo naman eh".
Kalmadong sagot ni Aga."Cous, di dapat tayo magpahalata. Dapat galit galitan mode muna."
Pabirong sagot ni Novi."Ewan ko sa'yo. Napapahamak ako sa kahibangan mo eh. Pano ko pala isosoli tong bimpo nia?"tanong ni Aga habang hawak ang bimpo na nagkulay pula na dahil sa ketchup
"Labhan mo kaya muna insan. Kakahiya naman kung ibabalik mo ng madumi?"
"Di ako marunong maglaba. Bilhan ko nalang siguro ng bago."
"Lalabhan mo yan at isosoli mo ok? Kasi magkikita ulit kayo.
Pag nagkita kayo, dapat maging close na kayo." Walang prenong sabi ni Novi."Bakit kailangan namin maging close? Diba ikaw ang may crush dun?" pagtatakang tanong ni Aga.
Lumapit si Novi kay Aga at inakbayan ito.
"Kasi ikaw ang magiging tulay samin..."
