Sa unang araw ng klase, habang naglalakad si Sadi sa hallway ng paaralan, biglang may sumalubong na makisig na binata mula sa kabilang direksyon. Si Aga, na abala sa pag-aayos ng kanyang mga kagamitan, ay hindi napansin si Sadi na papalapit.
Nang biglang magkasalubong ang kanilang mga katawan, nagkaroon ng maliit na banggaan. Nahulog ang mga gamit ni Aga sa sahig, at nagtamo ng galit na tingin mula sa ibang estudyante.
"Ano ba yan, hindi ka ba marunong maglakad ng maayos?" reklamo ni Sadi, na agad na nagbalikwas mula sa biglaang pagkakabangga.
Napapikit si Aga, at sa kanyang pagkakamali, nanginginig siyang sumagot, "paharang harang ka kasi, sinasadya mo siguro yan, emo girl"
"Whatever, Nerd alert." sagot ni Sadi sa pangungutya sa kanya ni Aga, at agad siyang umalis ng walang anumang salita.
Sa kabila ng kanilang unang di pagkakaintindihan, hindi napigilan ni Aga na mapansin ang kakaibang pakiramdam na sumiklab sa kanyang dibdib matapos ang kanilang banggaan.
Sa mga susunod na araw, magkakaroon sila ng pagkakataong magkita muli. Ngunit hindi lamang sila ang magtatagpo sa hallway ng paaralan. Isang mahinhing babae ang kanilang makakasalubong.
Si Kelsey, isang tahimik at mahiyain na estudyante, ay palihim na may pagtingin kay Aga. Nang makita niya ang banggaan nina Sadi at Aga, agad siyang lumapit upang tumulong.
"Nasaktan ka ba?" maalalang tanong ni Kelsey kay Aga, habang tumutulong itong pulutin ang kanyang mga gamit.
"Hindi, okay lang ako. Salamat sa pagtulong," sagot ni Aga, na napansin ang kabaitan ni Kelsey.
Samantala, nakita naman ni Sadi ang palitan ng kanilang mga tingin at hindi niya maipaliwanag ang kakaibang panghihinayang na naramdaman niya.
Sa mga araw na sumunod, laging nagtatagpo sina Sadi at Aga sa hallway ng paaralan, at palaging may mga salitaan at bangayan sa pagitan nila. Sa tuwing ito'y mangyayari, palaging naroon si Kelsey, handang tumulong at magbigay ng katuwaan upang bawasan ang tensyon.
Ngunit sa isang insidente, nagkaroon ng pagkakataon na nagkita sina Sadi at ang kanyang dating kaaway na si Novi, delingkwenteng estudyante na panay ang pambubully kay Sadi.
"Ano ba 'yan, Emo girl? Sang lamay ang punta, di ka ba natutulog? Ang kapal kasi ng eyeliner mo para kang horror queen sa carnival ," pang-aasar ni Novi, na may kasamang masamang tingin.
"Huwag mo nang simulan 'yan, Novi. Wala akong pakialam sa mga pinagagawa mo," sagot ni Sadi, na hindi nagpapatinag sa kanyang kaaway.
Ngunit sa kabila ng kanilang bangayan, mayroong kakaibang damdamin na umusbong sa puso ni Novi, na tila hindi niya maipaliwanag.
Natapos na ang unang linggo ng kanilang pag-aaral sa MSA University.
Sa music room, maririnig na may tumutugtog ulit ng piano kapareho pa din ng rock song na paborito ni Sadi.
Mapapansin ulit ito ni Sadi at nagmadali siyang pumunta ng music room.
Pagdating doon, hindi sya makapaniwala kung sino ang nagpipiano. Kilala nia ang taong eto. May hindi sila pagkakaunawaan ngunit lahat ng ito ay nabura. Napahanga talaga siya sa tumutugtog.Sa isip ni Sadi...
Hindi makapaniwala amg dalaga na may hidden talent pala ang lalaking natugtog. Nice one. GALING. BRAVISSIMO. Ang ganda ng arrangement. Sya pala yun natugtog nun...Si NOVI.
Pumalakpak si Sadi. Tatlong palakpak.
"KLAP.
KLAP.
KLAP"
