The Kiss

229 7 0
                                    

Minty's POV

Today is the day! Uuwi na si Marina from UK and I am the happiest!

"Sunduin na natin si Marina baka nakalapag na sya" Aya ko pa kila Eva at Prince.

"Ang aga pa, excited much?!" Komento ni Prince.

"Tsaka mag memessage naman yun kung malapit na sya" Dagdag pa ni Eva.

Bakit kasi ang tagal ng byahe ng UK to PH e kakaloka miss q na baby ko e.

Habang wala pa nga si Marina ay sa kainipan ko ay tumambay muna ako sa TikTok.

Puro drag lang nalabas sa FYP ko at masaya naman sya kasi isa rin akong adik sa drag lalo na at drag queen rin ako.

At habang abala nga ako sa pag-iiscroll sa TikTok ay bigla akong may nadaanan na video ni Marina at La Grande Dame.

Nagpeperform sila sa video ngunit nung bandang dulo na ay bigla silang nagkiss.

Lagot sakin to mamaya.

"Nagtext na si Marina, malapit na raw sila..." Tumingin si Eva sakin. "Oh bakit magkasalubong ang mga kilay mo?"

Tinignan ko si Eva at inayos ang aking reaksyon. "Wala may nakita lang ako-- Ah basta tara na baka matraffic tayo"

"Ok. Ready ko na yung kotse"

.
.
.

Kasama na namin si Marina sa kotse ngayon.

"Psst. Ang tahimik mo" Bulong nya saakin.

Nasa harapan sila Prince at Eva kaya naman pwede ako magpabebe kay Marina ngayon.

"Lagi naman ako tahimik" Pabulong ko rin na sagot.

"May problema ka ba?"

"Wala" Mabilis kong sagot sabay lingon sa kabilang side ng kotse upang iwasan sya.

Hinawakan ni Marina ang mga kamay ko. "Missed you" Bulong pa nito sabay haplos sa kamay ko.

"Namiss mo ba talaga ako?"

Ay putcha napalakas boses ko.

Napalingon sila Eva at Prince samin.

Umubo-ubo nalang ako sabay marahang inalis ang kamay ni Marina saakin at umakto na nagseselpon.

.
.
.

Back at the apartment that Marina and I lived in.

Nandito parin sila Eva at Prince. Namiss rin kasi nila ang friend nila kaya di pa sila naalis.

"Ang saya kaya magperform sa UK as in. Ang welcoming ng mga tao, galante magbigay ng tip at masaya lang talaga sila" Pagkekwento pa ni Marina.

Masaya sa UK kasi may kakiss ka.

Marami pang naging kwento si Marina tungkol sa experience nya sa UK pero hindi ako nakikinig.

I'm mad at her. Di nya man lang sinabi sakin na makikipagkiss sya.

"Anyway girl we have to go. May shoot pa kami mamayang gabi. Hangout nalang tayo bukas" Paalam nila Eva.

Doon lang ako nakinig nung nagpapaalam na sila na aalis.

"Aww namiss ko kayo! Sige ingat girlies!" Nagyakapan at nagbesohan ang tatlo bago ihatid sila ni Marina sa pintuan upang makaalis na.

"Bye, Minty!" Pahabol pang sigaw ni Prince bago tuluyang isara ni Marina ang pinto.

Bumalik naman agad si Marina sa tabi ko at niyakap ako.

I did not hug her back.

"Alam mo, kanina pa kita gustong yakapin!" Nanggigigil nyang sabi sabay akap saakin ng mahigpit.

I can't resist this clingy Marina.

"Bakit di ka ba niyayakap ni--" Natigilan ako.

Shunga! Dapat sa isip lang yon e.

"Nino?"

Hindi ako sumagot kay Marina.

"Uy sino di yumayakap sakin?" Paguulit nya pa pero hindi parin ako sumasagot.

Tanga-tanga kasi e bat ko ba sinabi yun.

"Min-min?" Pag ba-baby talk nya pa sabay pout.

ANG CUTE NYA!

"Ni La Grande Dame" Mabilis kong sabi.

"Ni Dada?!"

Tamo. Tinawag pang Dada talaga.

"Nagseselos ka kay Dada?!"

Kumalas si Marina sa pagyakap saakin at tumawa.

"Omg! Isa ka rin ba sa naniniwala na magjowa kami?"

"Aba nagkiss kayo sa stage e"

"It was a kiss for the performance lang naman"

"Di ka parin nagpaalam" Malungkot kong saad sabay talikod sakanya.

Niyakap ko pa ang unan sa gilid ko para mag mukha akong mas nakakaawa.

"Huy. Sorry na" Ipinatong ni Marina ang baba nya sa balikat ko. "Sorry na di ko manlang nasabi sayo na may balak kaming ganon, akala ko kasi ok lang yun since drag queens kiss all the time--"

Humarap ako sakanya. "Drag queens kiss all the time?!"

"Oo. Ikaw ba di ka pa ba nakakakiss ng ibang drag queens like sila Shewarma or Odasha?"

"No. Never, yuck, kadiri, disgusting..."

Marina laughed. "Sira ka talaga!"

"Tawa-tawa ka pa dyan" Balik nanaman ako sa pagpapabebe.

At muli akong niyakap ni Marina. "Sorry na po. Di na po mauulit. Next time, I would ask for your consent muna before doing things like that kiss"

Di ako natanggap ng sorry e.

"Kiss nalang kita"

Much better.

Marina leaned towards me and pouted. "Kish mo ko"

Di ko kinaya. Napangiti na ako at hinalikan sya.

"Love you!"

"Love you too, my love"

We then hugged.

"Pero alam mo di lang si Dada kiniss ko e. Pati rin si Gothy kiniss ko" Kwento nya pa.

"Parang sister mo lang yun e"

"So pag si Dada di ko sister???"

"Pano mo magiging sister yon e anliit mo anlaki nya"

Humiwalay si Marina sa pagkakayakap.

"Ugh?! The disrespect!" Biro nya sabay hawak sa puso nya na para bang nasaktan sya.

Tinawanan ko lang sya.

Cutie.






Secretly YoursWhere stories live. Discover now