Hide and Seek 2

129 3 0
                                    

Marina's POV

Di na nagreply si Minty sakin pagkatapos nung message ko which is kinda weird kasi by now dapat nagrereply na sya ng "I love you too" sakin e.

But anyway, pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko na mag fit ng mga outfit na pinagawa ko.

Suot-suot ang isang gown, I was taking picture of myself in the mirror. Ang ganda kasi nung gown pati na rin ako syempre.

"So how's the fit?" Tanong sakin nung designer.

I twirled. "Saktong-sakto. I love it!"

"Nice, actually I would like to remind you lang na I also made a dress for Minty Fresh, your friend, and you both have chosen the same fabric"

Pwede na pang couple's outfit.

I smiled cause inside I was laughing. Isa sa ayaw ni Minty kasi is yung couple shirts kasi ang cheezy daw pero now we have an outfit with the same fabric.

What a funny coincidence.

"Kailan nya pala makukuha yung kanya?" Tanong kos a designer.

"Actually nakuha nya na nung isang araw, gagamitin nya daw kasi ngayong gabi yun"

Oh. I wanna surprise him.

"Can I actually get this gown today?"

"Well sabi mo sakto na naman yung fit sayo so pwede na siguro"

"Yes. It's already perfect. I'm taking this home with me na"

.
.
.

It's already 12 midnight at malapit na ako magperform. Magkasama kami ni Minty sa dressing room, kami lang dalawa ang nandito ngayon dahil abala na mag inuman ang mga kapwa namin queens na tapos na mag perform or nakaready na.

"Psst" Sinitsitan ko si Minty.

Lumingon sya saakin sabay bahagyang ngumiti tsaka ibinalik ang atensyon sa pag mamakeup.

Weird.

"Psst. Min!"

Hindi sya lumingon this time kaya tumayo na ako at nagtungo papunta sakanya.

"Bat ayaw mo mamansin. Kanina ka pa a"

"Ha? Anong kanina pa e di naman tayo magkasama buong araw" Depensa nito.

Patuloy parin ito sa pag mamakeup at hindi natingin saakin.

"Di ka rin nag "I Love You" sakin kanina sa text. Nakakatampo ka na" Sabi ko sabay pout ng aking mga labi.

Marahan ko ring ipinatong ang baba ko sa balikat nya.

"Huy, ano ba ginagawa mo? Baka may makakita satin" Iritadong inalis ni Minty ang ulo ko sa balikat nya.

Ouch.

Natahimik nalang ako at bumalik sa pwesto ko kanina.

I was busy (busy-busyhan) doing my make up when suddenly Minty appeared behind me.

"Sorry. Ito na papansinin na kita"

Hindi ko sya pinansin.

"Galit ka ba?"

"Oo, sino bang hindi magagalit sa sinabi mo?!"

"Ano bang sinabi ko?"

"Tinaboy mo ko Minty. TINABOY!"

"Di ba ikaw naman rin ang may gusto nito? Sabi mo wag na wag tayo magpapakita sa iba na sweet tayo tapos ngayon nagagalit ka? Ano ba gusto mong gawin ko, mahal?"

Mahal... kuha mo nanaman ang kiliti ng puso ko.

I smiled. Tama naman sya. Ako naman talaga ang may gusto na itago ang relationship namin, nasunod lang naman si Minty.

"E bakit di mo ko pinapansin?"

Minty sat down beside me.

"Ganto kaso..."

Kwinento ni Minty ang nangyari sakanya kaninang tanghali.

"Gago?! Anong sinabi mo kay Shewarma?"

"Wala. Di parin ako nagbubukas ng phone hanggang ngayon. Nakapower off lang sya buong araw"

Siraulo talaga.

"Anong gagawin natin? Aminin na natin?" Tanong ni Minty.

"I guess so?"

I saw minty smiled briefly.

"Why are you smiling?"

Sumeryoso ang itsura ni Minty. "Cause finally I get to tell the people I love that I love you too"

Aww. My sweet-sweet Minty.

I also smiled. Nakakataba ng puso ang sinabi nya.

Tumayo ako at niyakap si Minty.

"I'm sorry kung tinatago ko parin tayo but It's not that I don't love you, it's just that I'm still scared of how people would react to us. I don't want people to hurt us e, lalo ka na. I don't want to hear people talking bad about our relationship. I want the both of us to be at peace"

"What?!"

Napalingon kami sa gilid namin at nakita si Eva.

Putcha naman oh.

Sabay kami ni Minty na kumalas sa yakap at tsaka nagpanggap na walang nangyari. Bumalik si Minty sa station nya at ganun din ako pero si Eva nanatiling nakatayo sa pintuan ng dressing room.

"Hoy, wala mannlang sainyo mag eexplain sa nangyari?!" Gulong-gulong sabi ni Eva.

Lumapit sya saakin at inalog ang balikat ko. "Anong meron sainyo ni Minty?! Ano yung nakita ko?!"

"Ha? Ano ba nakita mo? Wala naman kaming ginagawa dito"

Bahagya akong lumingon sa gilid kung nasaan si Minty at napansin kong nagpupunas ito ng luha.

May eksena kasi kami e dumating pa tong si Eva.

"Explaination please?" Nagmamakaawa na sabi ni Eva.

Binaba ko ang brush na hawak ko at humarap kay Eva.

"Ok. I'll tell you everything..."

Inexplain ko ang lahat kay Eva at kung paano naging kami.

"What the fuck?! So ilang buwan na kayong nagtatago ng relationship nyo?!"

I nodded.

"WHAT??? HOW?!"

"Well, magaling kami mag tago" Singit ni Minty sa usapan.

"Gano na kayo katagal?"

Lumapit si Minty saakin at ipinulupot ang braso sa bewang ko. "5 months nang kami pero taon ko na syang minamahal"

Puta bumabanat pa. Kaya ako nahulog sakanya e.

"Ay shala may banat?!"

"Eva pwede favor?" Seyoso kong tanong.

"Sure, ano yon?"

"Pwede bang secret lang natin to? Ayoko kasi talaga malaman ng iba to e, baka babuyin lang nila relasyon namin. Pagtawanan, gawing joke...you know?"

"Gets ko sis. I will keep my mouth shut!" Sagot pa nito sabay kunyari zipper ng kanyang bibig.

I smiled and hugged Eva. "Labyu sis ko!"




Secretly YoursWhere stories live. Discover now