Love is black

186 7 0
                                    

Marina's POV

"Morning, min-min" Bati ko kay Minty nang makita syang gumalaw sa ilalim ng kumot.

Nasa pintuan ako ng kwarto ngayon at may dalang pagkain.

I don't cook kaya inorder ko lang tong pagkain na to.

"Hmm" Ungot ni Minty.

Binaba ni Minty ang kumot para tignan ako pero nagtalukbong din syang muli kaya nilapitan ko na sya.

Binaba ko yung pagkain na dala ko sa table sa tabi ng kama sabay upo sa side ni Minty sa kama.

"Huy. Tanghali na. Bangon na" Malanlmbing kong bulong dito sabay yakap.

"Marina, I'm not feeling well"

"Ha?" Agad kong inalis sa pagkakatalukbong kay Minty ang kumot at kinapa ang noo nya.

Di naman sya mainit.

"Ano ba nararamdaman mo? Masakit ulo mo? Katawan? Lalamunan?"

Binalik ni Minty sa pagkakatalukbong sakanya ang kumot sabay sabi ng "Please leave me alone for now. I want to rest"

Ok. She's "not" feeling well.

May mga times talaga na ganito si Minty. Bigla nalang gusto nya mapag-isa, magkulong sa kwarto at magpahinga buong araw o kaya hanggang sa maging ok na sya.

Minty and I have only been together in a relationship and in this apartment for a few months at ilang beses ko palang rin sya nakikitang ganito kaya hindi ko parin alam ang gagawin.

Minsan hinahayaan ko lang sya at nagpapatuloy nalang ako sa mga gagawin ko sa araw na yon pero this time parang di ko naman kaya iignore na ganito sya. I'm also concerned about my partner.

Alam ko na!

Lumabas muna ako ng kwarto, kinuha ang susi ng kotse at nagmaneho.

Nagpunta ako sa mall, palengke, bangketa, ukay-ukay, sa lahat ng tindahan na pwede kong mapuntahan.

May mga gamit akong nabili at nang nasatisfy na ako sa mga nakuha ko ay umuwi rin ako kaagad.

Dala ang mga pinamili ko, dali-dali akong bumalik sa apartment namin. Nagbihis muna ako sa kwarto ko bago dali-dali ring pumasok sa kwarto.

"Min-min, bangon ka muna. I have somethings for you"

Minty ignored me.

Binaba ko ang mga dala ko sa gilid ng kama at lumapit kay Minty.

"I know you're not in the mood right now pero I will not allow you to be sad kaya please let me try and make you happy" Bulong ko rito.

Matapos kong sabihin iyon ay unti-unti nang kumilos si Minty at binaba ang kumot sabay naupo. "Ano bang gagawin mo?"

I smiled.

Kinuha ko yung bag na puno ng mga pinamili ko at isa-isa itong nilabas.

First na nilabas ko ay dark chocolates. Next ay black ring, black nails, shades, black phone case, black shirt, black shorts, black necklace, black pens, black shoulder bag, black headband, black pins and a black rose.

Tinignan ko si Minty at napansin ko na confused sya.

"And last na black thing na ibibigay ko sayo ay ako"

I-m wearing an all black outfit.

"I want to make you feel better so naghanap ako ng mga bagay na nasa favorite color mo"

I smiled at Minty.

Naluluha si Minty at bigla nalang akong niyakap.

"Thank you, Marina"

Minty started crying. "Wala talaga ako sa mood ngayon, pagod na pagod ako from performing for almost 2 weeks straight, morning to night may event pa ako and that drained me. Thank you for making me feel better. Thank you for taking care of me. Thank you for always being here for me. Thank you for understanding me always. And sorry na kapag wala ako sa mood nadadamay ka. I don't want you to feel bad and sad also kapag wala ako sa mood kaya nilalayuan kita. I love you, Marina. I love you so, so, so, so, much."



Secretly YoursWhere stories live. Discover now