.
"Mahal, kumusta ka na?
Naririnig mo ba 'yung mga balita? Si Mutya ayun, barangay chairman na ro'n sa atin. Landslide ang pagkapanalo no'ng nakaraan. Sabi ko nga sa kaniya, siguradong-siguradong sa kaniya na 'yun. Pa-humble pa.
Si JM mo naman, star player na star player ang datingan. Ang dami na agad nag-o-offer ng kontrata, eh may isang taon pa siya sa college. Paldo na agad eh. Pero, ang sabi naman niya eh tatapusin niya muna kasi sayang daw.
Ako?
'Eto. Gano'n pa rin. Pirma rito, pirma ro'n.
Nakakapagod din pala 'no, Mahal?
Nakakapagod din pala.
Salamat at nandiyaan ka.
May silbi pa rin pala ang lahat.
Malapit na tayo mahal,
malapit na."
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
...........
JUNE 30, 2028 - 12:00 PST (UTC+08)
"Ako, si Liberato Carpio Cortez, ay taimtim na nanunumpa na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos."
Ito ang naging simula, ang simula ng pagbabago.
Alam ko sa sarili ko na noong mabigyan ng oportunidad ang isang tulad ko, mag-iiba na ang ihip ng hangin; magbabago ang mundo ng aking pamilya, ng aking mga anak.
Sumugal ako sa katungkulang hindi naman ako obligadong tugunan.
Ngunit ito naman ang ginusto ko.
Ang ginusto namin.
Tama ba 'tong desisyon na ito?
BINABASA MO ANG
Highlander's Odyssey
General FictionBorn and nurtured in the Philippine highlands, Liberato Cortez is a youthful, bright mind that we meet in the calm mists of Baguio City. Liberato's life is similar to Alexander Hamilton's in that both come from modest beginnings to become influentia...