I. DREAMS BEYOND THE LECTURE HALL. . . . . . . . . .
"I MAY not live to see our glory. But I will gladly join the fight. And when our children tell our story, they'll tell the story of tonight."
Tumahimik ang buong silid matapos ko itong sabihin. Bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"Isipin ninyo ang 'di-mabilang na mga karaniwang tao na nag-ambag sa maliliit ngunit mahahalagang paraan. Ang mga magsasaka na nagbigay ng pagkain sa mga sundalo; ang mga ina na nagturo sa kanilang mga anak tungkol sa katarungan at pagkakapantay-pantay; ang mga estudyante na ipinaglaban ang kanilang mga karapatan. Ang kanilang mga kuwento, bagaman hindi gaanong ipinagdiriwang, ay may halaga sa ating kasaysayan." tugon ko.
"Isa lamang si Alexander Hamilton sa napakaraming mga taong nagbuwis ng sariling buhay at nag-alay ng kanilang dugo't pawis para sa ikabubuti ng karamihan at mga susunod na henerasyon." pinutol ko ang sasabihin ko at minasdan ang klase. "Ngunit, isa din siya sa napakaraming bayaning naghirap at nagbigay sakripisyo, na kinakalimutan at isinasantabi na lamang ngayon ng mga mamamayan." pagtuloy ko
"Ito ang mga bagay-bagay na dapat nating pinag-iisipan. Handa ba tayong tumulong nang walang inaasahang kapalit? Handa ba tayong magsakripisyo para sa mga taong hindi marunong tumanaw ng pasasalamat? Para kanino ba natin dapat gawin ang lahat? Para kanino dapat tayo lumalaban?"
Ramdam ko nang med'yo naiinip na ang mga estudyante ko kahit na ganado pa akong magturo. Wala naman na rin akong magagawa, mukha na silang napipilitan na lang makinig. Kahit yata 'yung student-teacher ko, inaantok na rin.
"Ayun lang naman ang lecture natin ngayong araw."
Nakahinga nang maluwag ang buong klase at nagsimula nang magligpit ng kanilang gamit.
"Paalala ko lang na baka sa mga susunod nating pagkikita ay hindi na ako makapasok. Medyo magiging busy na rin kasi ako. Bale ang magtuturo na sa inyo ay si Ma'am Mao na."Tila ba parang binuhusan ng malamig na tubig ang mga natutulog nilang kaluluwa.
"Sir! Bakit naman gano'n?"
"Wala namang ganiyanan Sir, ohhh!"
"Ano 'yun sir, aalis ka na po ba?"Hindi ko sila maintindihan. Magaling naman magturo si Ma'am Mao, a? At saka, saglit lang naman nilang magiging prof 'yun, mga ilang buwan lang. Ewan ko ba.
Baka gano'n lang talaga nila ako kamahal. Hehe.
"Parang gano'n na nga mga anak." tugon ko habang nagsisimula na ring mag-ayos ng mga gamit ko sa table.
At hayun na naman sila sa mga hirit nila.
"Sir, kapag naging presidente ka, damihan mo bakasyon natin ah?"
"Suspend agad Sir kapag umambon!"
"Ipatanggal niyo sa school natin 'yung mga hindi nagtuturo tapos maraming binibigay na gawain, Sir!"
Aba.
Nagulat ako ro'n. Pinanlakihan ko sila ng mata.
"Tsk tsk tsk! Magsitigil nga kayo riyan. Sige na, sige na. Class dismissed na. Mamimiss ko kayo."
Sabay lakad ko sa pinto bitbit ang mga gamit ko. Nilingon ko pa sila nang huling beses.
"Mamimiss ka namin, Sir Ato!"
"Sir Ato! Lecture ka pa rin po rito paminsan-minsan ahh!"
"Goodluck on your future endeavors, Sir!"
![](https://img.wattpad.com/cover/369077726-288-k825982.jpg)
BINABASA MO ANG
Highlander's Odyssey
Fiction généraleBorn and nurtured in the Philippine highlands, Liberato Cortez is a youthful, bright mind that we meet in the calm mists of Baguio City. Liberato's life is similar to Alexander Hamilton's in that both come from modest beginnings to become influentia...