Luella's POV
Nasa classroom ako ngayon, nakikinig sa prof namin na si Sir Howitzer. Nagsasalita ito sa aming harapan habang may hawak na libro. Todo kinig naman ang anteh niyo kasi after ng discussion may recitation kaya hindi ko matanggal-tanggal ang mata kay Sir Howitzer kahit gusto ko nang mangulangot.
Bumabara kasi ang ilong ko, nakakadiri naman kung sa harapan mismo ni Sir Howitzer ako mangungulangot, baka palabasin ako. Isa pa naman 'to sa mga terror Professors ng Dreamweaver University. Siya rin ang mahilig magbigay ng tambak na assignments, 'yung tipong katatapos lang ng isa may panibago na naman. Nakakaloka siya. Akala niya siguro matatalino kaming lahat dito, e ganda at landi lang naman ang ambag ng iba. Kunwari nag-aaral, gusto lang pala magpasikat sa mga law student. Lalo na kina Primo, Wade at Dante. Law student kasi at magkatabi ang building namin.
I gripped my pen. Napansin ko ang paggalaw ni Janice sa aking tabi, halatang bored na bored na sa mga sinasabi ni Sir Howitzer. Gutom na naman 'yan.
Habang nagsasalita siya sa harapan, tango lang naman kami nang tango. Ang iba iniiwasan ng tingin si sir kapag nadadako sa kanila ang atensyon nito. Nagtatagal din paminsan ang titig niya sa mga kaklase kong sa tingin niya'y hindi interesado sa lesson niya. Lalong-lalo na kay Janice na kanina ko pa napapansin na humihikab. Nasa harapan pa naman namin si Sir Howitzer pero tila wala siyang pakialam.
Kakaloka ka, Janice, mapapahamak ka na naman sa ginagawa mo.
Pero mukhang good mood si sir ngayon. Hindi niya pinansin ang inaantok na mukha ni Janice, sa halip ay sa akin siya tumingin.
Anak ng! Huwag niyang sabihin ako ang target niya ngayong araw? Gosh, help! Medyo nawala ako sa ulirat kanina dahil iniisip ko ang bumabarang kulangot sa ilong ko. Paano kung hindi ko masagot ang tanong niya? Bagsak.
"And that, my dear students," iniwas niya ang kaniyang tingin pero naroon pa rin ang ngisi sa kaniyang labi. "Is how the human heart pumps blood throughout the body."
Mukha naman siyang masaya, noh? Hindi niya naman siguro ako tatawagin. Sana nga, naiinis na kasi ako sa kulangot ko e, gustong-gusto ko na itong kunin mula sa ilong ko. Pambihira ka naman oh! Para na akong tanga kangingiwi dito dahil hindi ako komportable.
"Huy, ayos ka lang?" Siniko ni Janice ang braso ko dahilan nang paglingon ko sa kaniya. Nawala 'yung antok na kanila lang sinapian siya.
Kumunot ang noo ko. Naiinis pa rin. "Ikaw? Mukhang kanina ka pa bored na bored, ah,"
Tumawa siya ng mahina at tinuro ang pintuan namin. "Malapit na kasi time ni sir kaya nawala bigla ang antok ko." At tumawa na naman ang gaga. Mabuti na lang hindi napansin ni Sir Howitzer iyon.
Nagpatuloy pa rin ito sa discussion, sinusulit talaga ang natitirang oras. Paminsan dumadako ang kaniyang tingin sa akin at ako'y napapalunok lagi, alam na ang susunod na mangyayari. Kaya naman, the moment he stopped talking iyon din ang oras na magtatanong na siya bago lumisan.
Sinuri niya ang buong classroom. Naghahanap ng estudyanteng tatawagin
His gaze landed on me, and a strange chill ran down my spine. Tumibok ng malakas ang puso ko, and I felt the heat rise on my cheeks. Ito na nga ang sinabi ko. Ako talaga ang target niya ngayong araw. Shit! Huminahon ka, Luella Rose, mukha lang aswang si Sir Howitzer pero hindi siya nangangain. Namamagsak lang."Miss, Jacinta," tawag niya sa akin. Napalingon naman ang mga kaklase ko sa akin. Tuwang-tuwa. "Would you care to enlighten us on the highlights of our lesson?" Shit. Mabuti na lang nakinig ako ng kaonti kaya medyo alam ko ang isasagot sa tanong ni Sir Howitzer.
Confident akong tumayo saka ngumiti sa lahat. "We discussed the anatomy of the human heart, sir. We learned about its four chambers, the valves, and the blood flow patterns."
![](https://img.wattpad.com/cover/362753212-288-k852961.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis
Teen FictionIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kakambal sa mga Salvatore...