UF-TagLish-Chapter 1

830 18 5
                                    


Title: Until Forever (#FayeYokoAu)-FREE NOVEL
Author: mixup15
Chapter 1
March 13, 2023
FAYE MALIH PEREZ
Pauwi na kami ni Ize galing sa puntod ni Lola. Natatawa ako sa kanya dahil panay ang pag-brush niya sa braso niya.
"Faye, tell me the truth. May multo ba tayong kasama?"
Umiling ako. "Pinagsasasabi mo?"
Natakpan pa niya ang tainga niya. "Shit! may umihip sa tainga ko! Baka may sumama! Ano ba? wala ka bang magagawa dito?! Pareho kayo ni Lola di ba?"
"Close na ang third eye ko, Ize. Pareho tayo. Napaparanoid ka lang kasi galing tayo sa sementeryo."
"Your car is haunted! I-drop by mo ako sa terminal. Magta-taxi na lang ako."
Naabutan namin ang matinding trapik. Naiinip na si Ize. Minalas pa kami at mayroong aksidente kaya mas sumikip ang daloy ang trapiko.
"Mas matatrapik tayo kung dito tayo dadaan. May mall. Mag-park na muna ako diyan. Magpapalamig. Ikaw e bahala ka sa buhay mo."
Tumango lang siya pero kitang-kita 'yong bothered face. "Pa-bless mo nga 'tong kotse mo. Iba talaga ang pakiramdam."
Bumaba na sa si Ize nang makaalwan ang trapik. Tapat kasi nito mismo ang aksidente.
Dahil sa katamaran kong mag-drive pa ay mas minabuti kong magtambay muna para makapagpalamig.
Pagka-park ko ay sandali akong natahimik.
"Kung sino ka man o kayo..." Hindi ko sila nakikita pero ramdam ko rin ang presensya nila. Hindi ko lang pinahalata kay Ize dahil matatakutin siya. Baka biglang magkasakit na naman. "Wandering souls ba kayo o ano? Kapag ako napikon sa inyo magpapatawag ako ng sampung pari para i-bless tong kotse ko. Kapag naramdaman ko pa kayo dito talaga mamaya. Malalagot kayo sa akin."
Onti-onting nawala ang malamig na pakiramdam ko. Kailangan lang pala nilang sindakin e. Tsk!
Makikiusyo na nga muna ako sa aksidente. Kinukuyog na ng mga tao ang kalsahan. Panigurado marami ang naka-FB live diyan. Tamang cloutchase at the expense of other.
Nakuha ng isang babae ang pansin ko. Putting-puti naman ang OOTD parang mag-aatend sa binyag. Siya 'yong bibinyagan! Haha! Nakatanaw siya sa mga nakikisagap ng chika. Mahina naman 'to. Gustong maki-sesmes dapat sumiksik.
Napatingin siya sa akin. Nagkatitigan kami. Confused pa siyang makailang kumurap at kumaway sa akin. Baka masabihan akong bastos kaya kumaway din ako.
Lumapad ang ngiti niya at patakbong lumapit sa akin.
"You can see me!"
Shit?! 'Yong batang lalaki ay patakbong tumagos sa kanya!
Tangina?! Maging siya ay natigilan at sinundan ng tingin 'yong bata! Chance ko na 'yon para takbuhan siya! Pumasok na ako agad sa mall!
---
Putangina! Putangina! Bakit kailangang mangyari 'to? Deretso ako sa CR para maghilamos. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala namang kakaiba!
"Faye, okay ka lang. Hindi ka abnormal. Wala kang nakikitang kakaiba. Wala."
"Hail Mary..full of grace the Lord is with you..." mahina kong bulong ng dasal ng itinuro ni Lola. "Blessed are you among women and blessed is the fruit of thy womb, Jesus."
Pang-angat ko ng tingin ko ay nasa likuran ko lang 'yong babaeng nakita ko kanina!
"Holy Mary Mother of God... pray for us sinners..."
"Tangina!" Mura ko sa pagdugtong niya sa dasal ko! Nakangiti pa siya sa akin.
"...now and at the hour of our death, Amen."
Tinapos talaga niya ang Hail Mary?!
Napatingin sa akin 'yong matanda sa kabilang lababo.
"Nagdadasal tapos magmumura. Iba na ang kabataan ngayon talaga."
Hindi ako makaimik. Ilang beses akong kumurap pero hindi siya nawawala! Namumutla na ako at nanlalamig na ang mga kamay ko! What the hell is happening?!
Hindi! Hindi ko siya dapat makita! Act normal, Faye! Nagawa mo na 'to noon! Kayang kaya mo ulit 'to ngayon!
Lumabas na ako ng cr. Maglilibot-libot ako. Sinusundan ako nitong babae na ako lang ang nakakakita. Sinabayan pa ako. Sa bawat pagtagot ng mga nakakasalubong niya ay para siyang laging shock.
Sabi ni Lola kung ganitong may nakikita kami ni Ize ay dapat hindi namin ipahalata sa kanila para hindi nila kami abusuhin.
Kinuha ko sa wallet ko 'yong bracelet na gawa ni lola. Pantaboy daw sa masamang espiritu. Sinuot ko na pero anglinaw-linaw pa rin niya! Mukhang natutuwa siya sa pagtagos-tagos sa mga poste. Hay! Napapatingin siya sa akin, sinusubukan niya siguro kung kita ko siya o hindi. Bahala ka diyan!
Fastfood chain ako. Angkapal ng mukha nito! Naupo pa siya sa tapat ko. Wini-wave niya ang mga kamay niya sa tapat ng mukha ko. Kahit naman itutusok niya yan sa mga mata ko ay tatagos lang. Inabala ko ang sarili ko sa pagse-selpon. Maglalaro na lang ako. Nagpangalumbaba naman siya. Mauubusan na ako ng moves sa puzzle!
"'Yong blue box sa ibaba..." sambit niya.
Hindi ko sinunod kahit magkakaroon ng combo points. Bakit ko susundin? De mabubuking niyang nakikita ko siya!
Ang ginalaw kong piyesa ay 'yong clover at triangle.
"Wrong move! Tsk! Ubos buhay."
Paki naman niya?!
---
BUONG oras na nasa mall ako ay sunod siya nang sunod! Potek buti hindi na nangiming sumama pa sa kotse! Napabuntong-hininga ako nang makauwi ako nang safe!
Bumaba na ako ng kotse.
"Ganda ng bahay mo. I like it."
Napaatras ako sa kung sino ang nagsalita. 'Yong babae na naman! Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa bahay ko.
"Putaka! Anong ginagawa mo dito?!"
"So, nakikita mo nga ako?!" nakangiti niyang tanong. "Hindi mo na maide-deny! You can really see me!"
Natutop ko ang bibig ko. Shit?! No choice!
Nagtaas-baba pa siya ng kilay. "Hmm? Don't tell a lie! Kanina mo pa ako ini-ignore, Miss."
"Fine! Now you have proven your point. Pwede ka nang umalis." Tinuro ko ang gate. "Tumagos ka na at umalis na."
Biglang naging seryoso ang expression ng mukha niya. May bahid ng lungkot. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Help...Help me please..."
Shit. Ito na nga ba ang sinasabi ni Lola. Once maakcnowledge ang presence nila, sasabihin nila ang pakay nila.
"Fine! Para matapos na. Sino ka? Anong kinamatay mo? Alam mo ba ang itsura ng pumatay sa'yo?"
Umiling siya. "Wala akong maalala."
Nahilot ko ang noo ko. Kung buhay lang si Lola ay matutulungan niya itong babaeng 'to. E kaso kaluluwa na rin si Lola. Alangan tawagan ko pa siya de baka hilain ako n'on sa paa at isama sa hukay.
Ang nakakapagtaka, hindi naman mukhang stressed tong otlum na ito. Angelic face nakahulma nga lang sa hamster! Haha!
"Pagod na ako. Bukas na natin pag-usapan 'yan."
"So, tutulungan mo ako?"
"Susubukan ko. Ganyan naman kayo. Kung hindi kayo tutulungan, mumultuhin niyo ang tao. Saan kami lulugar? Magpapahinga lang ako."
Pumasok na ako sa balcony.
"Aray!" paglingon ko ay hindi siya makatapasok. Parang may harang na pumipigil sa kanya.
Naalala ko na! Nag-orasyon si Lola sa mga bahay namin ni Ize para maging safest place para sa amin. Ito pala 'yong ibig niyang sabihin noon. Pinakaligtas na lugar para hindi kami sundan ng mga gumugulong kaluluwa kay Lola.
Nagsimangot itong babae. "Pwede ka sa kotse ko. Pero anong itatawag ko sa'yo?"
Nagkibit balikat siya.
"Hindi mo din alam ang pangalan mo?"
She nods sadly.
Naalala ko 'yong kwento ni lola. Iyong isang sundalong hapon na tinulungan niyang mahanap ang kaapo-apohan nito. Ang ipinangalan niya sa kanyang apo ay "Yoko".
"Sige. Yoko na lang itatawag ko sa'yo." Pero may naisip akong ibang rason. "YOKO kitang bubulagain ako ah! Kundi hindi talaga kita tutulungan! Manigas ka diyan na parang ice sa ref!"
She raises two-thumbs up. "Sa kotse na ako. Byei! Byei!"
Hinintay kong tumagos siya papasok sa kotse bago pumasok ako sa bahay. Hayst! Angdaming pwedeng ipamana ni Lola, itong kakayahan pang makakita ng multo! Pero bakit siya lang ang nakikita ko?

ITUTULOY...

you can show support to this story by sharing this post to reach more readers. thank you!

Pwede ring magcomment ng name ng jowa niu. 🤣

#fayeyokoau
#BlankTheSeries
#gxgromance
#lgbtromance
#lovewins

Until Forever (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon