Kulay kahel na langit, matirik na sikat ng araw at ibong lumilipad. kay gandang tanawin kung sisilipin."huy bat ka tulala." ani ni Achy na bahagya pa' kong tinulak.
Andito kami ngayon sa Garden ng Corpuz High. paborito namin itong tambayan ni Achy dahil bukod sa tahimik ay maganda ang tanawin rito.
"Wala iniisip ko lang yung finals." ani ko
Sa susnod na araw na ang finals namin ilang linggo nalang at mag g-grade 10 na kami.
2nd sem na nung nag transferre si Zyn rito. mahigit dalawang buwan na namin syang ka klase pero ni minsan di kami nag uusap.
"matagal tagal pa naman yun, enjoy mona tayo." ani Achy
"enjoy mo mukha mo, buti ka nga matalino kaya kering kering mo lang yun." ani ko sakanya at inirapan siya.
Matalik kong kaibigan si Achy, kakabata ko rin ito kaya malapit kami sa isa't isa. kahit gong gong madalas, may itinatago rin itong talino.
"Hi Achy." sigaw ng babaeng nasa malayo, kumakaway pa sya kay Achy.
"Uy Amy." ani ni Achy at kumaway din sa babae.
Kilala si Achy sa campus at madami ring mga babaeng nag kakandarapa sa kanya.
anong nakita nyo sa gong gong nato?!
"Uhm, you're Kelly Daliah Avina right?" saad nung Amy naka lapit na pala samin.
taray full name ah.
"Uh I'm Luhan's sister. naririnig ko lang yung pangalan mo sakanya." ani ng Amy, nakita niya sigurong nabigla ako kaya sumagot sya kaagad.
really Luhan? weird.
Nginitian ko nalang din sya. baka masabihan ng maldita ih.
"Uhm Achy balik nako sa classroom ah." ani ko at nag lakad na.
"Sige puntahan nalang kita mamaya." ani Achy
Gong gong na yun. kina-career nya na ata na dun mag hapunan sa amin.
*******************************
"Hi Kelly." ani Mikmik
pag ka upo ko sa upuan ko.Goodmood ata itong babaeng to, abot langit ang ngiti.
hindi kaya....
"hahaha tama hinala mo, nag hello lang naman sakin si crushiecakes." aniya at timitili pa
blah blah.
"Himala ata'ng pansin ka ni Ryuji ah." ani ko sakanya
"Huy anong akala mo, may hidden charm and beauty rin kaya ako. baka nagagandahan talaga si Ryuji sa 'kin hindi n'ya lang masabi sabi kasi nahihiya sya. ahihihihi." ani niya na kilig na kilig."
"Assumera." ani ko at inirapan sya.
"Bitter wala kasing love life. hahaha." aniya na iniinis ako.
well di ata ako tatablan n'yan.
"Bakit mahal kaba ni Ryuji?" tanong ko sakanya sabay ngisi.
Nawala agad yung ngisi niya at inirapan ako.
"Mamahalin pa'lang." ani niya.
hindi pa sana kami matatapos mag bangayan ng dumating si Ma'am Chaquez.
"Good Afternoon Class." ani ma'am Chaquez
"Good Afternoon ma'am Chaquez." Pag bati namin.
Nag lecture lang kami tungkol sa Panitikan. hindi rin naman nag tagal si ma'am dahil kompleto naman na namin ang ibang lessons. nag review lang kami ng mga kailangang i review.
Todo study na' din ang iba sa 'min dahil sa paparating na exam. kahit maiingay at malalandi ang mga ka klase ko, hindi naman naging hadlang yun para mag seryoso sila sa pag aaral. kung tutuosin, madaming matatalino sa section namin kahit loko loko ang ilan.
"ahhhh."
"Ackkkhh Shyet makalaglag panti."
"OH MY GUSHHH SO HOT!"
hay nako ayan nag titilian na naman yung mga ka klase ko. hindi ko alam bakit sila tumitili, sa ma pintuan naka palibot lahat ng ka klase kong babae. ang ilan din sa lalaking kaklase ko ay sumisilip.
ano naman kasi ang sinisilip nila dyan---
Oh my, totoo, makalaglag panti nga!
Walking towards the classroom, Zyn Kyle Leonel. with his guitar on his shoulder that make's him1 more even attractive.
taray english huh.
Simpleng uniporme lang ng Corpuz ang sout niya pero gosh ang hot!
syempre hindi mag papahuli ang mga ka klase ko. ang iingay!
ewan ba ng mga nito may saltik na ata sa utak. walang araw na hindi sila tumitili pag andyan si Zyn.ilang buwan na s'ya rito pero ganyan parin palagi ang reaksyon ng mga ka klase ko sakanya. well sino namang masasawaan diba.
Inilagay niya ang gitara niya sa may corner at umupo sa upuan niya.
Ang gwapo niya kahit sa malayuan!! kaso hindi s'ya ngumingiti eh. mukha siyang masungit tignan. nung naging ka klase namin sya, minsan kolang siya nakitang ngumiti. palagi'ng naka poker face ang mukha niya. nag mumukha nga s'yang suplado dahil doon.
Ni minsan sa buhay ko. wala akong paki tungkol sa mga lalaki. hindi nga ako masyadong na iimpress pag nakakita ng pogi eh.
kadalasan wala akong paki sa paligid ko. tanging si Achy at Mikmik nga lang ang matalik kong kaibigan dito dahil hindi ako mahilig makihalubilo. totoo yun noh mukha lang akong mabungaga pero mysterios person ako.talaga ba.
At the time, I believed that I would never feel the spark. I felt that there was no chance for love. Even in my early years, I most likely had a lot of "Maybe's. "Maybe the spark isn't for me." "Maybe it is only be found at book's" and many many "Maybe's". But perhaps there is still hope. As I stared into two pairs of eyes that transport you into a different dimension and elicit a range of emotions. Patulo'y parin akong si-siguro. "siguro may pag asa pa."
Sa dalawang buwan ni Zyn dito, finally, nag tagpo narin ang mga mata natin.
YOU ARE READING
Siguro
Teen Fictiondancing is her core. but, Zyn Kyle is her cure. Kelly believes in sparks of love. she does, but she came to the fact that she can never experience it, nor even feel it. but then, meeting Zyn change her perspective. perhaps, Zyn ignites not only in h...