Chapter 1

67 0 0
                                    

Ako nga pala si Bea Fernandez. Simple, makulit, maingay at masiyahing babae. NBSB din ako. As in "NO BOYFRIEND SINCE BIRTH".

Highschool student ako, 3rd year.

Madami akong kaibigan pero karamihan sa kanila, puro mga lalaki. Ewan ko ba, simula pa kasi noong bata ako puro na mga lalaki ang kasama ko. Kaya nasanay na siguro ako.

Bea's POV

*phone vibrates*

1 new message.

"Aba! may nakaalala! Sino naman kaya ito? Sana si Kit!"

May crush kasi ako. Ang panggalan niya ay Kit Andre Manahan. Kaklase ko siya simula pa noong grade 6 hanggang 2nd year. Pero noong 2nd year ko lang siya naging crush. Hindi naman siya gwapo, pero mabait. As in MABAIT! Close na naman kami dati pero mas naging close kami dahil sa music. Parehas kasi kaming mahilig sa music. Mahilig siya maggitara, ako naman mahilig kumanta. Kaya everytime na wala kaming teacher, nandun kami sa isang gilid tapos nagjajamming. Siya yung nagigitara, ako naman yung kumakanta. Laging ganun ung bonding namin. Hanggang hindi ko namalayan, nagkagusto na pala ako sa kanya. Noong napansin ko na ganun na yung feelings ko, una pinigilan ko kasi alam ko may gusto siyang iba. Lagi pa nga niya un kinukwento sa akin eh. Kaso noong nagtagal, wala hindi na napigilan. 

Hindi kaya eh.

Pagka-open ko ng message. "Si Jay?!, Aba nakaalala!"

Si Jay Michael Cruz yung crush ko dati. Actually first crush pa nga eh. Pero wala na yun ngayon. Si Kit na yung gusto ko eh. Saka matagal na yun. PAST IS PAST!

"Hi!" sabi ni Jay sa text.

"Uyyy! Musta?! Long time no text ah. Matagal kang hindi nagparamdam."

Simula noon, halos araw-araw na kami magkatext ni Jay. Ewan ko kung bakit, pero nagiging masaya ako kapag katext ko siya.

Si Kit naman kasi hindi ko nakakatext minsan lang. Mas close kasi kami sa personal.

*Sa school during lunch break*

"Nasaan si Kit?" tanong ko kay Rica. Sila kasi yung magkaklase eh.

"Nasa taas pa ata, hindi ko lang alam kung bababa yun. Ikaw miss mo na agad ha!"

"Oyy! hindi ah. Tinanong lang eh." sabi ko naman kay Rica.

Alam naman niya na may gusto ako kay Kit. Bestfriend niya nga yun eh.

"Haaay. Busy na naman sa pagigitara itong si Kit. Sayang kasi hindi ko na siya kaklase. Lagi sana ulit kaming magkajamming. Saka kung kaklase ko pa siya ngayon, 4yrs na sana kami magkaklase." sabi ko sa sarili ko.

"Hooooyyy!" may sumigaw sakin!

"Anu ba yan!" pagtingin ko yung baliw ko palang bestfriend. Si Paul.

1yr pa lang kaming magbestfriend. Simula lang nung naging magkaklase kami ng 2nd year. Alam niya rin yung about kay Kit.

"Ano?!! Epal ka na naman!" sabi ko.

"Gulat ka naman?!" sabi niya.

"Ayyy HINDIII!" sabi ko. Tataong pa kasi halata naman na. Kainis!

"Asan sila Cass?" yung mga iba pa namin kaibigan.

"Ayun oh! Bulag?! Bulag?!" sabay turo kila Cass.

"Tara dun!" sabay hila sa akin.

Maya-maya time na. Tapos na yung lunch. Hindi manlang bumaba si Kit. Hindi ko manlang nakita.

"Tara baboy! Akyat na tayo.!" yaya sa akin ni Paul. Magkaklase din kasi kami.

"Aba maka baboy ka ah! Hiya naman ako sayo! PAYAT mo eh!" ganti ko sa kanya.

Halos sa araw-araw naming pagkikita, hindi makukumpleto ang araw namin ng hindi nakakapag-asaran. Eh wala eh, ganun talaga! Mapikon talo pero wala pa.naman napipikon. HAHAHA!

First Love, Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon