Chapter 3 (Bea's Birthday)

8 0 0
                                    

Noong birthday ko inimbita ko yung mga pinakaclose kong mga kaibigan. Sina Trisha, Paul, Angela, Joshua, John, Diego, Kit, Kirsten at Cass.

Pagdating namin sa mall para manuod ng sine...

"Anong papanuorin natin?" tanong ni Paul

"Gusto ko yung kay Daniel Padilla!" sabi ko sa kanila. Super fan na fan kasi ako ni Daniel Padilla. Lahat ng palabas niya sa sine at TV gusto ko panuorin. Pati mga album niya binibili ko.

"Anu ba yan! Ang pangit nun eh! Daniel na naman!" sabi ni Joshua

"Oo nga puro kay Daniel, nandito naman kami" sabi nila Diego, Kit at John.

"Anu ba yan, angal na naman kayo eh. Joshua kasi eh, nangunguna."

"Ayaw namin jan. Kadiri! Sa iba na lang kami. Kita na lang tayo mamaya ha." sabi ni Diego

"Anu ba yan hihiwalay din kayo. Sumama pa kayo!" naiinis kong sagot. Nakakainis naman kasi eh. Birthday ko nga ngayon tapos hindi pa nila ako pagbibigyan. :(

Nakakainis birthday na birthday ko ganito.

"Pagbigyan niyo na birthday girl eh." sabi ni Angela

"Sige na nga! Joke lang naman e." sabi nila Diego at Joshua. Lakas talaga mang-asar ng mga ito!

Bumili na kami ng ticket at ng pagkain. Tapos pumasok n din kami agad sa loob. Hindi na nagtagal nagstart na din ung movie.

Ang saya saya ko na that time!

Kit's POV

Ayan birthday na ni Bea ngayon. Manunuod kami ng sine mamaya. For sure about na naman kay Daniel yung papanuorin namin. Si Bea pa!

Pagdating namin sa may movieworld, inaasar namin si Bea. Kunwari ayaw namin panuorin yung 24/7 Inlove. Kaya lang naman niya gusto panuorin yun kasi nandoon si Daniel.

Pagkabili namin ng ticket at pagkain, pumasok na kami agad sa loob ng sinehan.

"Sana katabi ko si Bea." sabi ko sa sarili ko. Kaso doon siya umupo sa may baba namin. 2 rows kasi kami. Sayang, pero ok lang katapat ko naman siya eh.

Magsstart na yung movie.

"Ayan na magsstart na!" kinikilig na sabi ni Bea.

Kinikilig na agad si Bea wala pa nga! Ang ingay niya talaga. Pero ok lang. Cute pa din siya.

Alam ko na may gusto sa akin si Bea noong 2nd year pa kami. Sinabi kasi sakin ng isa  kong kaibigan naging super close din ni Bea. Si Renee....

*flashback*

Seatmate ko si Renee... Habang walang teacher....

"Uyyy Kit!" sabi ni Renee sa akin.

"Bakit?" sabi ko naman

"May sasabihin ako sayo, pero wag ka maingay kahit kanino na sinabi ko ah." sabi ni Renee sa akin. Anu naman kaya ito bakit parang masyadong confidential naman ata.

"Ok. Anu ba yan?" sabi ko

"Kasi may gusto sayo si Bea, sana gumawa ka naman ng mga bagay na makakapagpasaya sa kanya." sabi ni Renee. Ano ito????!!!!!

"Ha? Adik ka ba?! Diba may ibang gusto yun?" sabi ko naman. Hindi talaga ako naniniwala.

"Wala ah. Seryoso ako! Sayo nga may gusto yun. Uyy wag ka maiilang sa kanya ha." sabi ni Renee

"Oo naman. Syempre matagal ko na yang kaibigan noh. Sayang naman friendship namin kung iiwasan ko siya. Pero bakit mo ba yan nababanggit sa akin. Kaibigan mo yun diba?" sabi ko kay Renee.

First Love, Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon