Pagkauwi ko ng bahay, feeling ko ang lungkot ko. Hindi ko kasi naka-usap manlang kahit saglit si Kit eh.
Pagtingin ko sa phone ko, ang daming text.
10 new messages.
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
Jay
"Hala si Jay. Anu naman problema nito?"
puro "Ui!" adik talaga toh!
Iniiwan ko kasi yung phone ko dito sa bahay. Bawal kasi magdala sa school eh.
Mas maaga uwian nila Jay kesa sa amin. Magkaiba kasi kami ng school eh. Kaya siguro naisipan akong tadtarin nito.
"Uyyy! SLR. Kakauwi ko lang. Bakit?" reply ko sa kanya.
Nagreply siya agad.
"haha :) ok lang. Wala naman!" ang bilis naman niyang magreply.
Tapos nagkatext na naman kami. Hanggang sa halos araw-araw pagkauwi ko ang dami niya agad texts.
Malapit ng magsembreak that time. Tapos everytime na magkikita o mag-uusap kami ni Kit, parang wala lang. Hindi katulad dati na ang saya ko. Ngayon hindi na.
During SEMBREAK, hindi kami nakakapagtext at nakakapag-usap ni Kit. Ang lagi kong katext ay si Jay. Madalas din siyang nasa bahay kasi kaibigan niya yung kapatid kong lalaki.
"Hi!" nagtext si Phil
"Uyy musta?" sabi ko
"Ok lang. Sembreak niyo na din?" sabi niya
"Oo :)" sabi ko
"Ah. Musta naman lovelife?"
"Ok naman. Ikaw?"
"Wala ako nun."
"Weee? Diba may GF ka?"
"Wala na. Matagal na."
"Ah. Owkie."
"Ikaw?"
"Ako? Wala, may gustong iba yun :)"
"Awwww. :("
"Wala yun :)"
One day naging ganito Convo namin. ahahahah :)) Nakakaloka!
After few weeks nung pagpasok after ng sembreak, nagtext c Jay.
"Uyyy!"
"Owwww?" sabi ko
"May tatanong ako." sabi ni Jay
"Ocge. Anu yun?" sabi ko
"Paano kung may gusto ako sayo?" sabi niya!
Nagulat ako, pero inisip ko na baka mamaya joke lang ito. Kaya hindi ako naniwala.
"ahahaha xD Baliw ka talaga! Ano trip mo?" sabi ko sa kanya. Sira talaga to. Ang lakas ng trip.
"Hindi nga seryoso?" sabi niya
"Adik!" yan na lang nasabi ko
"Kaso si Kit nga pala yung gusto mo." buti alam mo.
"hehe! Yup! :)" sabi ko
Dumating din yung time na sabi niya sa akin, isip daw ako ng tawagan namin. Pero sabi ko siya na lang. Kasi hindi ko trip mag-isip that time. Then he came up with an endearment which is "CRUSH".
Pumayag na lang ako. Endearment lang naman eh.
Before magbirthday ko, napapansin ko na parang friends na lang talaga yung turing ko kay Kit. Syempre tuwang tuwa ako.
NAKAMOVE-ON NA DIN AKO SA WAKAS!