Bea's POV
Gabi na pero nandito pa din sila. By the way, nandito rin pala yung iba kong mga kaibigan. Sila Eli, Jam, Roy, Troy, Gio at si Jay. Yung mga classmates ko unti-unti ng nagsisiuwian.
Pauwi na si Kit kaya tinawag niya ako. Habang inaasikaso ko yung iba kong mga bisita.
"Bea!" tawag sa akin ni Kit
"Oh bakit? Sorry inaasikaso ko kasi yung ibang mga bisita eh." sabi ko sa kanya. Kasi hindi ko sila masyadong makausap kasi ineentertain ko din yung iba kong mga bisita.
"Ok lang yun. Pauwi na rin naman kami eh." sabay turo kila Josh at John.
"Oo nga, gabi na rin kasi eh. Happy Birthday uli! Saka thank you sa foods" sabay abot sa akin ni Josh at John yung regalo nila.
"Salamat! Ingat kayo ha? Thanks ulit."
Pag-alis nung dalawa, lumapit naman sa akin si kit.
"uhhhmmm Bea." sabi niya sa akin na parang kinakabahan na ewan.
"Oh bakit? Asan nga pala yung rehalo ko? hahaha joke lang." sabi ko sa kanya ng pabiro.
"Oh ayan na. Ikaw talaga regalo agad hinanap?!" sabi niya sa akin sabay abot ng isang maliit na box. Pagkaopen ko, necklace na may pendant na A! Ang ganda niya! It's full of DIAMONDS!!
"OMG! Para sa akin ba talaga to? Ang mahal nito ah." grabe! Hindi talaga ako makapaniwala. Bakit niya ako binibigyan ng ganito kamahal na bagay?
"Ay hindi. Actually para yan sa aso namin. Pinakita ko lang sayo. Maganda ba?" sarcastic niyang sabi. Anu ba yan nagtatanong lang eh. Masama bang magulat? Ang taray niya din talaga forever no?!
"Ay para sa aso niyo ba yan? Uhhhmm ok naman siya. Maganda! Bagay sa aso niyo." sinakyan ko yung sinabi niya. Akala niya ha?! hahaha Kainis kasi.
"Anu ba yan! Ayaw mo ba?" parang nalulungkot niyang sabi. Biglang change mood?
"Eh ikaw naman kasi namimilosopo ka eh. Gusto ko, kaso.... " sabi ko sa kanya na parang may pag-aalinlangan. Kasi naman ang mahal kaya ng necklace na ito.
"Ano ka ba? Para talaga sayo yan. Pinag-ipunan ko talaga para sayo."mukhang nabasa niya kung ano yung nasa isip ko ah.
"I really don't know what to say. You're making me crazy! Thaaaaaaaaank yyyyooooouuuuu soooooo muuuccchhh!" sa gitna ng pagsasaya ko, hinug niya ako. And I hug him back. Sana nung mga panahong gustong-gusto ko pa siya, nangyayari yung mga ganitong scenario. Mas nakakakilig sana at mas masaya. Pero kasi naman may gusto siyang iba kaya, wala. Hindi na lang din ako umasa. Para saan pa diba? Masasaktan lang din naman ako. Kapag nagkukwento kasi siya sakin about dun kay Kim, halatang inlove na inlove siya. 1 whole year din akong nabaliw sa kanya.
After he hugged me, he get the necklace in my hand and wear it to me. Diba nakakakilig?!
"Ang sweet mo ngayon ha? Mamaya ma-inlove ako sayo nyan." pabiro kong sabi sa kanya. Kasi naman mamaya mafall na naman ako sa kanya, eh nakapag-move on na nga ako eh.
"So let it happen!" ha? anu daw?! LET IT HAPPEN?! NOOOOOOOOO!
"Ano?!" loko to. Lakas ng trip.
"Ah-eh. Wala. Uwi na ako ha? Happy Birthday ulit!!!" nagmamadali niyang sabi tapos biglang takbo.
Hindi pa ako nakakapagthank you ulit, tumakbo na siya paalis. Loko talaga yun. Lakas ng trip. Buti na lang talaga hindi na ako sobrang baliw sa kanya. Pero wait... OMG feeling ko kinikilig ako. Parang ang feeling ko kayakap ko pa din siya. Noooooooo! Ayaw ko na! Hindi dapat ako kinikilig ! NOOOOOOO! As in NOOOOOO! Capslock with exclamation point pa yan para intense!
Maya-maya bumalik na ako sa mga other friends ko. Nandun sila sa rooftop. I can't explain pero parang nasa heaven ako naglalakad with matching smile on my face pa yan. Aynakoooo. Pagkakita ko sa kanila nakapabilog sila.
"Oh ayan na pala si birthday girl eh." sabi ni Eli. Ako na lang pala inaantay nila. Anu na naman kayang gimik to?
"Dalian mo Bea, para kang naglalakad sa ulap. Bilis!" sabi ni Jam. Anu ba yan! Parang nananaginip na naman ako. Nevermind na nga. Binilisan ko na yung lakad ko papalapit sa kanila.
When I reached them, they said that we should have our secret crushes revealed.And because I am the birthday girl, I am the last. It started from Eli, then Jam. I was shocked because I never knew that Jam has a crush on Roy. Grabe nagulat ako! Next to Jam is Troy followed by Gio then Jay.
Pagdating kay Jay, hindi ko alam kung bakit pero I felt nervous. Tapos biglang naalala ko yung sabi niya na what if daw may gusto siya sa akin. OMG. Sana joke lang yun. Sana hindi totoo.
"Ang tagal naman." sabi ni Jam kay Jay
"Wait lang kasi. Atat? Atat?" sagot naman ni Jay
"Sabihin mo na dali!" sabi ni Troy kay Jay. Mukhang kilala ni Troy kung sino ah. Pero bakit siya tumitingin na parang may halong tawa ng pang-aasar. Hala baliw na ata siya.
"Eto na, siiiiiiii....... " anu to pasuspense? oh talagang nahihiya? Pero ayos lang atleast matagal. Ako kaso next eh. Sige tagalan mo pa Jay.
".... birthday girl!" wth. What did he just said? Birthday girl daw? Sino? Ako? Bakit ako? Ayoko.
Grabe nahihiya ako pinapaulanan na nila kami ng pang-aasar. Kilig-kilig kuno.
"YIIIIEEEEEE :">!!!!" nako ito talaga ayaw ko sa ganito eh. tsk.
Nagkunwari na lang ako na hindi kinikilig. Hindi ko sila pinapansin pero patuloy pa rin yung pang-aasar nila. Grabe naman itong birthday ko. Ang dami nangyayari. Kanina si Kit tapos ngayon naman si Jay. They are acting so weird. Why is that? Sobra-sobra naman yung trip nila sa akin. tsk.
Maya-maya umuwi na rin sila. Gabi na rin kasi eh. Actually mag-uumaga na nga eh. Pagkauwi nila, naglinis na ako ng mga kalat. Grabe! Ang daming kalat. Nakakaloka!
After ko maglinis at magligpit ng gamit na nakakalat, naligo na ako. I want to sleep na coz' I'm so tired. Very very tired. Kaya binilisan ko na ang pagligo ko. kasi gusto ko na talaga mahpahinga. Pagkatapos ko maligo, nagbihis lang ako at medyo nagpatuyo ng buhok then humiga na agad.
While lying on my bed, ang dami pumapasok na isip ko. Naalala ko yung mga nangyari kanina. Una yung kay Kit next naman yung kay Jay. Akala ko kanina yung pagtatapat ni Jay infront of our friends ay yun lang. Pero hindi pa, he said something pa before he left.
*flashback*
"Bea! We are about to leave. Thanks!" sabi ni Troy
"Oo nga Bea. It's already late baka mapalo na ako ng mga magulang ko sa pwet. hahaha!" umatake na naman ang pagkacorny ni Eli. hahaha! Pero infairness natawa ako dun!
"WEEEEE! Kahit kailan talaga ang corny mo no?!" sabi ko kay Eli kahit medyo natawa naman ako sa joke niya. Baliw lang. Walang masabi eh. haha!
Pagkaalis nilang lahat, napansin ko hindi nila kasama si Jay, so I looked for him. When I looked back, nagulat ako nandun pala siya sa likod ko, nakatayo.
"Oh! Bakit nandito ka pa? Umalis na sila ah. Saka walang hiya ka nagulat ako!" Bakit kaya nandito pa rin itong lalaking ito. Sno kaya inaantay niya.
"Ay sorry kung nagulat kita. Uh-hmm may gusto lang sa-sana aking sabihin sa iyo." Anu naman kaya yun? Mukhang seryoso ah.
"Sige! Game tell it to me na. Anu oras na baka hinhanap ka na nila tita." tita yung tawag ko sa mama niya kasi close naman kami. Malapit lang naman bahay nila sa amin eh pero gabi na rin kaya pinapauwi ko na siya.
"Yu-yung sinabi ko pala kanina, totoo yun. Baka kasi isipin mo na nagloloko lang ako. Feeling ko kasi nagugustuhan na ulit kita." Totoo ba itong mga naririnig ko? Si Jay may gusto sa akin. Eh akala ko alam niya na may gusto ako kay Kit.
"Alam ko nagugulat ka sa mga pinagsasabi ko ngayon." mukhang nahulaan niya yung nasa isip ko
"pero kahit na alam ko na may gusto ka ng iba, gusto ko pa rin na malaman mo kung ano ang nararamdaman ko para sayo."
* End of flashback*