Simula

468 14 4
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Warning: 18+ (Read at your own risk!)

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila gumagalaw ang kama kung saan ako nagpapahinga. Dito sa kwarto ako pinapatuloy ni Hidalgo at dito rin kami nagtatalik na dalawa.

Sa kamang 'to kung saan muli akong inangkin ng ama ng aking anak. Ang lalaking tangi kong pagbibigyan ng aking katawan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga ungol kaya napabalikwas ako ng bangon upang tignan ang ang kaliwang bahagi ng kama kung saan nanggagaling ang mga ungol na naririnig ko.

"Ah! Hidalgo..." ungol ng babaeng katalik ni Hidalgo ngayon at dito pa talaga sa kwarto ko rito sa condominium niya.

"H-Hidalgo," kinakabahang tawag ko sa kan'ya. Nagsisimulang sumikip ang dibdib ko dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

I never thought he could do this to me.

"Oh! Honey, she's awake," malambing na sabi ng babaeng nakahiga sa kama habang nakaluhod si Hidalgo sa pagitan ng mga hita niya.

Nagsalubong ang mga paningin namin ni Hidalgo at kitang-kita ko ang malamig niyang titig sa akin. Alam kong galit siya sa akin at nauunawaan ko kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Ngunit para gawin 'to... hindi ko siya maintindihan.

Ang masakit pa ay wala akong karapatang kwesyunin ang ginagawa niyang pakikipagtalik sa iba dahil hindi naman na kami kasal. Matagal na niyang pinasawalang bisa ang kasal naming dalawa.

Kaso... rito mismo sa kamang 'to niya ako inaangkin.

'Bakit? Bakit kailangan dito?'

Kaya lang naman ako nandito at nakikisama kay Hidalgo upang payagan niya na akong magpakaina sa anak namin.

Masyadong mabigat ang kasalanang ginawa ko sa mag-ama ko at nauunawaan ko ang galit niya sa 'kin.

Nag-uunahang nagsilaglagan ang mga luha ko mula sa mata ko dahil sa sakit na lumukob sa dibdib ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Mahal ko si Hidalgo at hindi ko kayang tanggapin na ganito ang kinalabasan ng kasalanang ginawa ko sa kan'ya.

Iba't ibang babae ang nasasangkot kay Hidalgo. Ngayon na nagsasama kami sa iisang bubong, kitang-kita ko kung paano siya magpalit ng babae na para bang nagbibihis lang siya ng damit.

Mayaman na siya. Oo, alam na alam ko naman 'yon. Mula noong nakalaya ako sa kulungan... kalat ang mukha niya sa kabi-kabilaang magazine na nakikita ko. Maging malalaking billboard dito sa Manila ay mukha niya ang nakikita ko.

Hindi na siya ang mahirap at ulilang Hidalgo na nakilala ko. Ibang-iba ang Hidalgo na nakakasama ko ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo upang umalis. Hindi ko kaya ang kababuyang ginagawa niya. Bakit kailangang nandito pa ako? Bakit kailangan na nandito pa ako?!

Kung hindi lang para kay Hugo... kung 'di lang para sa anak namin na iniwan ko sa pag-aalaga ni Hidalgo ay hindi naman ako papayag sa kagustuhan niyang maging alipin sa ibabaw ng kama niya.

"Sinabi ko bang umalis ka?" malamig na tanong ni Hidalgo dahilan kung bakit napakagat ako sa ibabang labi ko.

"H-Hidalgo..." tawag ko sa kan'ya at nangungusap na nakatitig sa mga mata niya.

Walang emosyon ang mga titig niya na para bang kasalanang titigan siya.

Wala akong nagawa kundi ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang makita siyang may pinapaligayang ibang babae sa harapan ko pa mismo.

Hindi ko kayang lokohin ang sarili kong okay lang sa akin na meron iba.

Hindi ako okay.

Hindi ako magiging maayos.

"Why are you looking away, huh? I'm fucking her here to show you," he said coldly.

Ipinapakita niya sa akin ngayon kung paano niya binabaliw ang babae niya. Ipinapakita niya sa akin kung paano niya paligayahin ang ibang babae habang nasa kama kung saan niya ako pinapaligaya!

"Watch... watch how she drives me crazy," he commanded.

Dahil sa sinabi niya ay tila nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Gustong-gusto kong umalis, tumakbo, at sumigaw dahil sa sakit na hatid sa 'kin ni Hidalgo.

'Gano'n ba kalala ang kasalanan ko para pahirapan niya ako ng ganito? Ginawa ko ang bagay na 'yon para sa amin, para kay Hugo.'

"Hidalgo, d-don't do this to me," mahinang sabi ko at pinipigilan ang mga luha sa mga mata ko.

Nakita ko lang ang mga ngisi sa labi niya na para bang sayang-saya siya habang nakikita akong nahihirapan.

"Why? Don't you want to join? I don't mind. It's been a long time since I had a threesome," he said, monotone.

Mas lumakas ang hikbi ko dahil sa sinabi niyang 'yon sa akin.

"You can't soften me with your tears, August. Kahit mamatay ka pa sa harapan ko ay hindi mo na ako mapapaamo," malamig na sabi niya sa akin.

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Gusto kong tawanan ang sitwasyon naming dalawa pero naalala kong ako ang dahilan kung bakit nauwi sa ganito ang relasyon naming dalawa. Kasalanan ko ang lahat-lahat.

"Manood ka lang, August. When I see your eyes looking away from us. You will never see my son ever again."

Muli kong naalala ang anak namin ni Hidalgo na matagal ko nang hindi nakikita. Para sa kan'ya lahat ng pagtitiis ko ngayon.

How can we start over if he doesn't want me anymore and can have sex with any woman, he can get his hands on?

Hindi na kami magiging maayos.

Masyado nang maugat ang galit niya sa 'kin dahil sa ginawa ko noon.

Ngayon ang tangi ko na lang papel sa buhay niya ay isang parausan.

I am Augustina Maia and I'm Hidalgo's ex wife. His insecurity. His pain. The reason why he bounded his heart to protect it from pain.

- - - - -

Please Read, Vote, & Comment

Hidalgo's Bounded Heart - R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon