Kabanata 16

705 38 35
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Augustina

Lumipas ang panibagong linggo nang hindi ko man lang nakakausap ng maayos si Hugo. Maging si Hidalgo ay balik na naman sa pagtrato sa akin na para bang hangin ako rito.

Simula nang marinig ko ang sinabi ni Hugo sa Mama Princess niya. Ginawa ko na ang lahat para mapansin din niya ako.

Kaso... ang hirap niyang palambutin.

Maging si Hidalgo rin ay tinatansiya ko palagi ang mood dahil ayoko namang mag-away kaming dalawa.

Palagi kaming nagtatabi sa kama pero hindi ko naman maramdaman na kasama ko siya maging si Hugo.

"Home schooling si Hugo?" mahinang tanong ko habang nasa hapagkainan kaming tatlo nila Princess.

"He's safer here," he answered me nonchalantly. Parang wala siyang pakialam.

Gusto ko lang sabihin ang opinyon ko lalo't Ina rin naman ako ni Hugo.

"Hindi ba't mas mapapalapit siya sa mga bata at magkakaroon ng social life kung ieenroll siya sa isang paaralan katulad na lang nang nasa America siya?" mahinang tanong ko. Umaasang pakikinggan ni Hidalgo ang pinupunto ko.

"Hugo was almost kidnapped when social media podcasts about him as the heir of Hidalgo. Iniiwasan lang namin na maulit pa 'yon na may magtatangka na naman sa buhay niya kaya nga pinunta ni Hidalgo si Hugo sa America sa pangangalaga ko. Oras na lumabas na naman sa mga balita na nandito na ang anak ni Hidalgo. Magkakaroon na naman ng interes ang mga masasamang loob," mahinang saad ni Princess kaya natigilan ako.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Muli na naman akong nanliit lalo't wala man lang akong kaalam-alam sa buhay ng mag-ama ko.

"We're protecting Hugo here, August. Mas importante ang kaligtasan niya kasya sa sinasabi mong pakikipag-socialize sa ibang tao." Naging seryoso na si Princess. Kung umakto na ito ngayon ay parang siya ang Ina ni Hugo.

"She's right, August. Wala ka rin naman alam sa pagiging Ina kay Hugo kaya sundin mo na lang ang mga sinasabi ko," seryosong asik ni Hidalgo sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang.

"Ako na ang bahalang maghanap ng instructor ni Hugo," nakangiting sabi ni Princess bago ko siya nakitang naging abala sa cellphone niya.

I wanted to leave the dining area. Mabigat na naman ang loob ko ay hindi pa nangangalahati ang buong araw.

"I just remembered, Hidalgo. Can you be my date for an auction tomorrow night?" Princess said, excitingly.

Halata sa tono ng pagkakatanong niya na alam niyang papayag si Hidalgo.

"Yeah, sure. Pupunta rin naman ako," seryosong sabi ni Hidalgo kaya dahan-dahan na lang akong tumayo.

"Mauuna na ako sa taas. Tatanungin ko si Hugo kung ano'ng gusto niyang kaining lunch," mahinang sabi ko.

Hindi ko na kaya pang marinig pa ang pinag-uusapan nila lalo't kadalasang about business lalo't may entertainment agency na pagmamay-ari si Hidalgo.

Mukhang doon mas lumalim ang relasyon nila kaya rin siguro panay bigating artista o model ang nadidikit sa pangalan ni Hidalgo. Hindi na kataka-taka lalo sa mundong mayroon ngayon si Hidalgo.

Hidalgo's Bounded Heart - R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon