Kabanata 25

249 29 20
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Augustina Maia

Hindi ko akalain may sasakit pa pala sa araw-araw kong pakikipagkompitensiya kay Princess para kay Hugo at Hidalgo.

Akala ko ayos na sa aking ang ideyang may iba na nang babaeng para kay Hidalgo... bakit ngayon, iniiyakan ko 'to?

Parang sa mapanakit na mundong ginagalawan namin, pag-iyak lang ang tanging kakampi ko.

Pasimple akong sumilip sa mag-ama ko na mahimbing nanatutulog sa loob ng kwarto. Wala akong natanggap na paliwanag mula kay Hidalgo na alam ko namang hindi niya gampanin sa akin.

Napabuntong hininga ako at nang sa tingin ko ay naubos na ang luha sa mga mata ko ay bumalik ako sa loob at natulog sa kabilang kama. Gustuhin ko mang matulog katabi nila ay baka magising lamang sila sa paghikbi ko. Nakatulugan ko na lang ang sama ng loob at para lang akong pumikit saglit dahil sa paggising sa 'kin ni Hugo.

Maliwanag na sa labas. Naalala kong madaling araw na ako nakatulog pero dapat aalis kami ng alas kwatro. Bakit ngayon lamang nila ako ginising?

"Kumain ka na para makaalis na tayo agad," kalmadong ani ni Hidalgo kaya tumango na lamang ako. Tahimik lang akong kumain. Sa kabilang kama ay nando'n si Hugo at abala na naman sa iPad niya samantalang nasa sofa si Hidalgo at mariing nakatitig sa akin kaya natigilan ako.

Iniwas ko na lamang ang tingin sa kan'ya at pinagpatuloy na kumain dahil pagkatapos no'n ay maglilinis pa ako ng katawan ko.

Before lunch na kami naka-byahe at panay drive-thru na ang kinakain namin. Nakarating kami ng Manila na si Princess ang sumalubong sa 'min. Katulad nang inaasahan ko ay excited na tumakbo si Hugo upang lapitan si Princess.

Nasa likod lamang nila akong tatlo katulad ng palagi kong pwesto kapag kasama namin si Princess.

Wala na talaga akong gana sa lahat. Muli akong nalungkot pero natigilan lang ako nang lingunin ako ni Hidalgo.

"Ang bagal mong maglakad," aniya sa akin.

Napakagat ako ng ibabang labi ko at binilisan ang paglalakad ko para magpantay kami ng pwesto ni Hidalgo.

Tahimik lang kaming nakasunod kila Princess. Nakikita kong magkahawak na sila ng kamay at hindi na iPad ang inaatupag ni Hugo.

Nakikita ko ang paggalaw ng mga labi ni Hugo senyales na nagkwekwento siya kay Princess.

"He looks excited," I whispered. I noticed a sudden change in my son whenever Princess was with him.

Except for Hidalgo, I notice his pure love for Princess.

Hindi sumagot si Hidalgo pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Hanggang sa pag-uwi namin sa penthouse ay minabuti kong iwan silang tatlo saglit upang makatakas sa kainggitan na nararamdaman ko.

Tila naging hangin na naman kasi ako, ramdam nila ako pero hindi naman nila nakikita ang importansiya ko.

Nang handa na akong mahiga sa kama ay bumukas ang pinto at pumasok mula ro'n si Hidalgo.

"Dinalhan kita ng pagkain," saad niya kaya dali-dali ko siyang sinalubong at kinuha ang tray na punong-puno ng pagkain. Nakakahiyang dinalhan pa niya ako rito.

"Maraming salamat." 'Yon lang ang tangi kong nasabi. Kumain lang ako ng tahimik at hindi pinansin si Hidalgo.

Tahimik lang si Hidalgo pero alam kong nasa akin ang buong atensyon niya.

"Now I'm heading out. While I'm away, you look after Hugo. I'm not sure when I'll return." He said something that made me stop eating.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga dahil sa sinabi niya.

Hidalgo's Bounded Heart - R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon