Leave in sorrow to live in tomorrow
Kabanata I: Unang Kuwento
Sa Mundo ng Espeira (Es-pay-ra) ay mayroong iba't ibang kaharian, Pinakadakila rito ay ang Kaharian ng Acrotera. Pinamumunuan ito ni Haring Hedezar, Ang Dakilang Hari.
Mahusay na namuno si Hedezar sa Acrotera. Sa mataas niyang ambisyon, nasakop niya ang kalahating kalupaan ng Espeira. Sa angking galing niya sa pakikidigma, pinaniniwalaan ng lahat na kakampi niya ang diyos ng Liwanag, si Polaria.
Nakamit niya man ang lahat, ngunit si Rebecca, ang kaniyang pinakamamahal na asawa ay walang ngiti sa labi. Sa pagsasama nilang dalawa simula noon pa'y walang pagtingin si Rebecca kay Hedezar, tanging poot lamang ang nasa puso niya.
Sa Madilim na Digmaan ng Acrotera at Verida, Naipanalo ni Hedezar ang digmaan kung saan napaslang niya si Aerasmus, Ang dating asawa ni Rebecca at ama ng tatlong prinsipe. Sa pagkamatay ni Aerasmus, labis itong ikinalungkot ni Rebecca.
Ang Pag-ibig ni Rebecca kay Aerasmus ang nagbigay daan upang bumagsak ang kaharian ng Acrotera. Gamit ang matalim na espada, sinaksak niya si Hedezar. Magawa man ni Hedezar lumaban ngunit pag-ibig ang kahinaan niya.
"Mahal ko, bakit may lungkot sa mga mata mo?" Ang huling salitang binitawan ni Hedezar. "Nagawa kitang galangin at sambahin, ngunit patawad hindi kita kayang mahalin" -Saad ni Rebecca habang malayang umaagos ang kaniyang mga luha.
Si Prinsipe Cyrus , Ang Panganay na anak ni Reyna Rebecca kay Aerasmus ang itinanghal bilang hari ng Acrotera. Tulad ni Hedezar, Mahusay siyang namuno ngunit pataksil niyang kinalaban si Polaria.
Nang sumapit ang Takip-silim sa Acrotera, ang buwan ay nagmistulang dugo, Indikasyon ng masamang pangitain. Malakas na hangin, kulog at kidlat nagpabagsak sa kaharian ng Acrotera at hindi na muli itong nakabangon.
Sumapit ang kinabukasan at tinawag na lamang itong Terias, ang isang lupaing may madilim na kasaysayan.
Tumakas si Cyrus kasama ang asawa niyang si Haydreas (hay-dre-yas), nanirahan sila sa bayan ng Genora sa hilagang parte ng Espeira.
Buong pusong pinagsisihan ni Cyrus ang pataksil niyang ginawa kay Polaria. Bilang kapalit ng paghingi niya ng tawad, bibigyan siya ng kaparusahan, hindi sa kaniya bagkus sa magiging anak niya.
Napagdesisyunan ng labing-anim na mga Diyos at Diyosa ang ibibigay na parusa, Mahirap man kay Cyrus na anak niya ang madadawit ngunit kailangan niya itong tanggapin.
Ang buhay sa Espeira ay umaabot hanggang Isang libong taon (1000), nang matapos nila ang buhay nila sa loob ng taong iyon ay kailangan na nilang maghanda para sa kanilang kamatayan. Labing anim na taon ang binigay ng mga diyos at diyosa kay Cyrus upang makasama nila ni Haydreas ang magiging anak niya.
Sa oras na mawalan ng liwanag ang buwan, Indikasyon ito nang pamamaalam ng panganay na anak nila. Magdidilim ang buong daigdig at magbubukas ang kalupaan at mula doon kukunin ang kanilang anak ng liwanag na sinliwanag ng araw.
Si Flara, Diyos ng Apoy, Polaria, Diyos ng Liwanag, Potamus, Diyos ng Tubig, at si Gaia ang Diyos ng Mundo ay muling tumindig upang magbigay buhay ulit sa kahariang pinarusahan.
Mula sa pangalang Terias, Ipinalit na ulit ang pangalang Acrotera, mula sa salitang acro o moog/mataas at tera o tierra/lupain, ang mataas na kaharian sa Espeira.
Nabuhay ulit ang buong Espeira at Nanatili naman ang kapayapaan sa Kaharian ng Acrotera. Nakilala si Cyrus hindi bilang isang dakilang Hari tulad ng kaniyang ama, kundi bilang isang haring pinarusahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/369162805-288-k45089.jpg)