Sound of Silent
Polaris POV:
Maya-maya'y nakarinig kami ng kalabog mula sa kabilang kwarto ni Zhywen kaya't dali-dali kaming nagpunta roon.
"Hannah Shin?" Tumingin siya sa amin at halata sa mata niya na nagulat siya.
Oo, maganda siya, namumula lagi ang mga pisngi niya na akala mo laging nahihiya. Matagal kona siyang gusto, kaso nga lang...
"Tulungan na kita" isa-isa kong dinampot ang mga librong nasa lapag at binalik ito sa book shelve.
Madalas 'di siya pinapansin sa school at minsan pinag t-tripan naman ng ibang mga students. Inuutus-utusan nila na parang katulong si Hannah at ang pinakamalala ay sinasaktan kapag nagkamali ito sa kung ano ang iniutos nila.
Nakita ko ang wallet niyang nakabukas sa sahig na may nakalagay na picture ni Kavin Lee. Agad ko itong dinampot at mabilis na itiniklop, halata sa mukha niya na kinakabahan nung nakita ko yung picture.
Pagkabigay ko sa kaniya ng wallet ay agad din siyang nagmadaling umalis.
------------------[ ! ]-------------------
Paalala!Dahil si Hannah ay 'di nakakapag-salita o muted/silent, lahat ng sabihin niya na gamit ang sign language ay ipa-parenthesis ko upang mas bigyang linaw ang kuwento.
------------------[ ¡ ]-------------------
Hannah POV:
December na at namumuti ang daan dahil sa makapal na snow na bumabagsak. Habang naglalakad ako sa Insadong street nakakita ako ng public library.
May full house kaya sila dito? Ahh... grabe ang lamig!
Pagkapasok ko sa isang bahay na puno ng libro pumasok ako sa isang kwarto't nakita ko ang isang babaeng natutulog.
Zhywen Hao? bakit siya nandito? nakakatulugan rin pala ng mga matatalino ang mga binabasa nila.
Pumasok ako sa pangalawa o huling pinto at tumambad sa aking harapan ang napakadaming libro't nakapagtataka na may pinto rin sa loob nito.
Nakasulat sa pinto nito ang salitang "Sorrow" na may disenyong mata na nakapaloob naman sa itim na bahagi nito ay isang bituin.
Nakita ko naman ang isang librong may cover photo ng isang lalaking matipuno ang katawan at kamukha ni Kavin Lee.
Kinuha ko ang pitaka ko't binuksan at dahan-dahang hinalikan ang picture ni Kavin.
Gwapo siya! at gustong-gusto ko siya, tuwing gabi pinapangarap ko siya sa mga panaginip ko.
Para sa'kin, mas masayang mabuhay sa kasinungalingan, yung tipong sarado ka sa katotohanan, sa katotohanang 'di niya ako magugustuhan.
Tulad ng Universe, nag e-expand ang Imagination ko. Makapag nakaw lang ako ng picture sa kaniya, ididikit ko agad ito sa dingding ng kwarto ko.
Ang kwarto ko nag mistulang cosmic body na. Sa gitna ng madilim at walang ilaw na silid, nag niningning ang paligid dahil sa mga litrato ni Kavin.
