AZALEA P.O.V.
Kunwari pa ang tanga!
Naalala ko noon na minayday niya sa Instagram niya si Dylan dahil patay na patay raw siya dito.
Aminin ko, may hitsura si Dylan ngunit wala pa ring tatalo sa kagwapuhan ni Hayes.
Kaya nga na fall ang tanga eh!
I sighed.
"Tara na Cherry?" Pag aaya ko
Tumango si Cherry sa'kin.
"Let's go mom, tara na godmother."
"Susunod nalang ako." Si Vecious
Tumango si Cherry ganoon din ako.
"Siguraduhin mong gaga ka!" Wika ko
Tumango siya kaya sinara ko na ang pinto ng kotse.
Pagpasok namin ni Cherry ay agad siyang pumunta sa mga notebook area.
Kinuha nito ang iba't-ibang kulay ng notebook at ang iba naman ay may design katulad ng hello kitty at iba pa.
Pagkatapos ay nilapitan ako nito at hinila hila ang pants ko.
"Mommy! Punta po tayo sa mga coloring book!" Wika nito
Tumango lang ako bilang sagot.
Habang pinapanood si Cherry na kumuha ng mga coloring book ay napaisip ako
Nasaan na nga ba si Vecious? Kanina pa 'yon ah? Baka lumandi na ang gaga?!
Nakakalahati kami ng basket ni Cherry kaya pumunta na kami sa counter.
Bumili rin ako ng mga portfolio at plastic cover para mabalutan mamaya ang mga notebook ni Cherry.
"Three thousand pesos po ma'am." Sabi ng kahera
Tumango at inabot ko ang saktong three thousand pesos.
Kinuha ko na ang mga paper bags na nasa ibabaw ng lamesa ng kahera.
"Mommy, thank you."
I smiled at her. "Your welcome."
Umalis na kami ng National books store at dumiretso na kami sa sasakyan.
"Come in cherry."
Napakunot ako ng noo dahil hindi mabuksan ni Cherry ang pinto ng kotse.
It means wala si Vecious sa loob?
Ang harot!
"Cherry, can you get my phone? Nasa bulsa ng pants ko." Utos ko
Tumango si Cherry bilang sagot.
"Enter your birthday." Utos ko. "Pagkatapos pumunta ka sa call, then hanapin mo ang number ng godmother mo."
She nodded.
Ng makita niya 'yon ay agad niya itong pinindot
"Godmother, where are you?" Tanong ni Cherry
"Okay po. Please faster godmother napapagod na si mommy sa mga binili ko."
"Okay po, bye."
Ng maibaba na ni Cherry ang Cellphone ay agad ko itong tinanong
"Sweetie, nasaan daw siya?" Tanong ko
"Ang sabi niya po ay may kausap lang siya."
Tumango ako.
Sino kaya? Si Dylan? Or yung lalaki kanina?
YOU ARE READING
Here We Meet Again (ON GOING)
RomanceLimang taon inalagaan ni Azalea ang sariling anak. Lumaki ang bata na ang alam ay wala na ang kaniyang ama dahil sinabi ni Azalea na wala na ito ngunit bumalik ang ama ng bata sa Pilipinas para hanapin si Azalea. Ano kaya sa tingin mo? Mahahanap niy...