PROLOGUE

68 17 1
                                    

NAKATANGGAP ako ng message galing kay Dylan kaibigan ni Hayes na boyfriend ko.

Dylan: Good eve Azalea, gusto ko lang malaman mo na nakauwi na si Hayes sa Pilipinas baka lang naman gusto mo s'yang bisitahin.

I smiled. Sakto at papasok na ako ng Condo niya.

Ako: thank you, papasok na rin ako ng Condo n'ya.

I turned off my phone at inilagay 'yon sa bulsa ng Pants ko. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang susi ng Condo ni Hayes.

Ng makuha ko na 'to ay agaran akong lumapit sa pinto ng Condo ni Hayes. Napansin kong naka unlock ang pinto ng Condo niya kaya napaisip ako na baka nasa loob na siya.

Sa sobrang tuwa na makita siya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto

As i opened the door my whole body can't moved. Para akong naistatwa sa aking nakita kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi talaga makagalaw ang buong katawan ko.

Nakita ko ang isang babae na nakasuot ng fitted na dress na kulay pula at mukhang kinulang sa tela dahil sa iksi nito, nakita ng dalawang mata ko kung paano niya hawakan si Hayes at halikan ang labi nito.

Bakas sa mukha ni Hayes ang pagkagulat at pagkadismaya hindi alam ang gagawin. Nakita ko ang suot niyang polo na kukay puti na mayroon ng mga lips stick na galing sa babaeng humahalik sa kaniya.

Tinulak nito ang babae at agaran akong nilapitan.

Nagulat ang babae sa ginawa ni Hayes sa kaniya kaya kinuha nito ang bag niya at nagmartsa paalis ng Condo ni Hayes.

"Babe, I'm sorry. H-hindi ko alam n-na nandito siya..." Paliwanag sa akin ni Hayes habang nakaluhod at hawak-hawak ang mga kamay ko

Hindi ko magawang tignan siya sa kaniyang maamong mga mata.

Lahat ng tuwa at kasabikang makita ko siya ng malaman kong makakauwi na siya ay nawala na parang bula.

Kung paano siya halikan ng babaeng kasama niya sa loob ng Condo ay halatang hindi ko kayang tignan. Gusto kong umalis sa lugar na 'yon at magpakalayo ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan. Kahit daliri ay hindi ko maigalaw.

"Babe, forgive me... Hindi ko alam na nandito si Rue! Ng makapasok ako sa Condo at inilapag ang mga gamit sa kama ay biglaan nalang siyang sumulpot sa harapan ko." Dugtong pa nito

"Masarap ba?" Tanong ko at hindi pinansin ang mga luhang babagsak na

Umiling siya. "No, no, no. Babe..." Nagmamaka awang si Hayes

Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Putangina, Hayes, P-paano mo nagawa sa'kin 'to!" I shouted and ignored the torrent of tears running down my face

Nakita ko kung paano bumagsak ang mga luha niya

"Babe..."

"Sagutin mo ang tanong ko Hayes!" Sigaw ko. "Nagkulang ba ako? May nagawa ba akong mali?" Dugtong ko

Umiling siya. "H-hindi ka nagkulang babe..."

"Tangina, eh, bakit mo nagawa sa'kin 'to?!" Iyak ko

Pilit niyang hinahawakan ang kamay ko ngunit bahagya ko 'yong iniiwasan.

"We've been in a relationship for five years at ngayon mo pa nagawa sa'kin 'to? Tiniis ko lahat ng masasamang salita ng nanay mo sa'kin, mga hindi niya pagtrato sa'kin ng maayos. Ng umalis ka papuntang France, may narinig kaba sa'kin? Wala!" Sumbat ko.

Hindi siya nakapagsalita.

"Maghiwalay na tayo." Huling sabi ko at nagmartsa papalayo sa kaniya.

@Jieyangissocute

PLAGIARISM IS A CRIME so don't STEAL!!!

Start: 05/07/2024

Here We Meet Again (ON GOING)Where stories live. Discover now