Eeeeeeeeeeeh!
Ako naman pala yung gusto niyang partner eh!
Oh wala lang talaga siyang ibang mapagpipilian?
Ah basta! Kahit ano pang dahilan wala na akong pakialam!
Basta kumuha na lang kami ng limang seedling ng acacia!
Mukhang kasabay ng pagtatanim naming ng puno, uusbong din ang pagmamahalan sa aming puso!
Yung pagmamahal para sa kalikasan ah? Haha!
--
Habang nagtatanim, naisip ko bakit hindi kaya kami maglibing ng isang mahalagang bagay sa amin bilang tanda ng wala lang, pagkakaibigan!
Naiimagine ko na nga na ganito yung sasabihin ni Bryan eh ….
“Itong panyo ko Jun, ang ililibing ko! Ito ang tanda na hindi mo kailanman kakailanganing gumamit ng panyo dahil hinding-hindi kita paiiyakin!”
Eeeeeeeeeeeeh!
Pero sa kasamaang palad, hindi yan natupad! Ayaw ni author!
Hindi na raw akma yan sa antas ng literatura natin ngayon! At ang mga hopeless romantic na mga mambabasa na lang daw ang matutuwa sa ganyan! Hahaha!
Gayunpaman, nagkaroon kami ng pagkakataon na pormal pang magkakilala!
Nalaman ko na Jipolito pala ang apelido ni Bryan! Labing pitong taong gulang na siya, nag-iisang anak at hiwalay na ang kanyang magulang! Hindi ko na inalam kung paano humantong sa hiwalayan pero tingin ko babae ang dahilan! Haha!
At nakakatatlong girlfriend na raw siya! Lahat yun hindi seryoso!
“Paano yun? Tikim-tikim lang? Ganun?” tanong ko!
“Uy hindi ako ganun!” mariin namang pagtanggi niya!
“Bakit nagagawa niyong magmahal nang hindi seryoso! Bakit kayo pumapasok sa isang malalim na bagay tapos gagawin niyo lang laro? Anong pakiramdam na nakakasakit ng damdamin ng tao?”
Ang drama ko! Haha!
“Hindi mo rin maiintindihan Jun! Tsaka na lang!” sagot niya pagkatapos huminga nang malalim sabay ngiti.
“Ang labo mo Bryan!” sigaw ko!
Parang sa likod ng ngiti na yun ni Bryan, may nagkukubling sikreto na kailangan kong malaman!
--
Isang oras na ang nakakaraan, labing apat na seedlings pa lang ang naitatanim namin!
Mas madali pa palang magtanim ng sama ng loob kesa magtanim ng puno! Haha!
Pero ayos lang dahil alam ko na sa maliit na butil ng punong naitanim namin, lalaki ang isang matayog na puno ng acacia na magsisilbing simbolo ng pag-asa sa bawat makakakita!
--
“Ikaw Leonard, nagkasyota ka na?” biglang tanong ni Bryan!
Kelangan may ganyang tanong?
Minamaliit mo ba ako? Anong tingin mo sa akin? Walang karanasan sa pag-ibig? Haha!
“Kahit papaano nagkaroon naman. Isa. Una at huli na yata. Hehe. Ayoko na eh.” Alangan kong sagot!
“Baki naman kayo nagkahiwalay?” usisa niya!
Bakit kelangan mo pang malaman?
Pero bilang sagot sa tanong niya, ilalahad ko ang isa sa pinaka-corny na tagpo sa kwentong ito at ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Mia ….
(FLASHBACK STARTS NOW!)
Tatlong lingo nun matapos akong sagutin ni Mia, binabalisa ako ng walang katiyakan!
Tatlong linggo na pero parang hindi naman ako talaga masaya.
May kulang.
May mali.
Kaya minabuti kong magkita kami at mag-usap. Isang pagtataksil at panloloko sa nararamdaman niya kung hindi ko sasabihin ang totoong nararamdaman ko …
“Mia, itigil na natin ito!” sabi ko.
“Ano? Nagsisimula pa lang tayo ah! Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? May nagawa ba akong mali? O wala lang talaga akong ginagawa? May kailangan ba akong gawin? Nasasakal ka na ba? Nagsasawa?” sunod-sunod niyang tanong!
Sana binibigyan mo ako ng pagkakataong magsalita eh noh!
“Hindi Mia, walang mali. Mahal kita pero hindi lang ata sapat na mahal lang kita!”
Umiiyak na siya! Hala!
“Ano? Anong kulang? Sabihin mo?”
“D-dapat masaya rin ako!”
“Makasarili ka Leonard! Yung sarili mo lang ang iniisip mo! Yung kasiyahan mo lang ang inaalala mo! Paano naman ako?”
SOUND EFFECT: PAGTANGIS NI MIA
“Hindi Mia. Kaya ko nga sinabi nang maaga dahil alam kong hindi ako yung makapagpapasaya sa’yo! Gusto kong mapunta ka sa lalaking para talaga sa’yo!”
“Ang sakit Leonard! Ang sakit dito oh!”
Sabay turo sa kaliwang dede niya.
Tinignan ko ito.
At na naisip kong yung puso pala niya ang tinutukoy niya.
Niyakap ko na lang siya para gumaan ang loob niya.
Nasasaktan din ako Mia, mas masakit pa sa nararamdaman mo dahil ang nakataya rito hindi lang yung puso ko pati buong pagkatao!
“Leonard may problema ka ba?” tanong ni Mia na medyo nahimasmasan na.
“Meron. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ko alam kung sino talaga ako!”
(CUT FLASHBACK!)
Kita ko ang pagkawindang sa mukha ni Bryan.
“Bakit ganun Leonard? Anung ibig sabihin nun?” pagtataka niya!
“Hindi mo rin maiintindihan Bryan! Tsaka na lang!” sagot ko sabay ngiti tulad ng ginawa niya kanina!
“Ang labo mo Leonard!” sigaw niya na tulad din ng pagsigaw ko kanina!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Ewan ko kung bakit!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Pero tawa na kami nang tawa!
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Nang mga sandaling iyon, nakadama ako ng kakaibang saya!
Yung tunog ng tawa niya na parang hinihika ay unti-unting naging isang malambing na musika sa aking tenga!
Parang isang melodiyang hindi ko pagsasawaang pakinggan!
Parang isang kantang kayang tumagos hanggang sa aking kalamnan!
Pero parang lang!