Ako Ang Nagwagi: Ikatlong Kabanata

244 3 4
                                    

Pagkatapos kong maligo, naghapunan na kame ..

Anong ulam namen? Simple lang! Yung tipikal na ulam lang ng mga Pilipino! Pinakbet at pork chop!

Wala naman akong reklamo, sapat na 'to sa amin, sobra pa nga eh! Pasalamat pa nga ako na meron kaming nakakain hindi tulad nung iba na wala na talaga!

Kung inilaan lang siguro nang tama yung pondo ng gobyerno sa mga proyektong tutulong sa mahihirap at hindi ibinulsa ng mga gahaman na pulitiko, wala sanang nagugutom na Pilipino!

Pero ganun talaga, kahit yung matatalino, pag nasilaw na sa pera, nababali na ang prinsipyo!

Hayyyyyyyy!

Yung 'haaaayyyyyy' ko na yan, naging dighaaaaaaayyyyyy tapos naging hikab hanggang sa matapos ang isang araw nang walang masyadong nangyayari sa buhay ko at walang masyadong nagiging direksyon ang kwentong ito! Hahaha.

••

Kinabukasan, maaga akong nagising! 

Pag sinabi kong maaga, mga alas onse na yun ng tanghali!

Bukod sa mag-J at magpalaki lang ng T, ano pa kaya ang pwede kong gawin na masarap din?

At may naisip akong bright idea!

*thing!*

*ting* pala!

Kailangan kong maghanap ng nagbibigay ng BJ para magkapera naman ako! 

Pero saan?

Madami naman jan!

At dahil pursigido ako, naligo agad ako at nananghalian! Ang ulam ay yung ulam lang din namin kagabi! Pangat!

Yan ang reyalidad ng buhay ang katotohanang di mo maaalis sa hapag kainan!

Tuluyan na nga akong umalis nang hindi nagpapaalam dahil babalik din naman ako kinagabihan!

••

Sa pag-ikot-ikot ko sa lansangan, nahilo ako at wala namang nakitang Bakasyong Job!

Hanggang mapadpad ako sa barangay hall ng Nagkakaisa at Maunlad na Barangay ng Bato-balani!

May nakalagay na wanted! Yes!

"WANTED:

PATRICK MAVUTI

Kaso: Rape

Pabuya: P100,000 tapat na po.

Kung may impormasyon, ipagbigay alam lang sa otoridad o tumawag sa 09062561978"

At may isa pa!

"WANTED:

All High School Graduates who are willing to work as:

Encoder

Community Service Worker

Coffee Maker

Please inquire at the inside of Secretary's Office!

This is a joint project of Mayor Herberting Batista and Councilor Candy Pangilinan-Medina."

Yan ang malinaw na patunay na hindi lahat ng barangay official matatalino at hindi lahat ng naglilingkod sa bayan may karapatan!

Gayunpaman, pumasok na ako!

Hindi ko alam yung office na sinasabi nila pero may nakasalubong akong matandang kagalang-kagalang ..

"Good afternoon Ma'am! May I know where is the Office of the Secretary please? I whole-heartedly want to apply for any of the positions listed outside! I believe that this will help me grow and be a better person! I also believe that I can make a big difference in our barangay hall as well as in our community! I hope you consider my application!"

Natigilan yung matanda, hindi ko alam kung dahil may mali sa grammar ko pero tiningnan niya ako mula ulo papunta sa gitna .. 

nagtagal siya doon ..

isa .. 

titig na titig siya ..

kinikilabutan ako ..

dalawa ..

napalunok na siya .

tatlo ..

kumurap na siya at tuluyan na niyang ibinaling ang mata sa aking paa!

Bigla siyang nagsalita ..

"Deretso ka lang tapus yung unang pinto sa kanan, yun na yun!"

Natigilan din ako! Tiningan ko rin siya sa ulo ..

pababa ..

hindi pa man nakakalagpas ng leeg niya eh binalik ko na yung tingin sa mukha niya dahil pakiramdam ko wala naman akong makikitang maganda sa bandang ibaba!

Isang "Salamat po." na lang ang nasabi ko at pinuntahan ko na ang direksyong tinuro niya!

••

Pagdating ko sa Office of the Secretary, maraming mga kasing edad ko, di lalagpas ng bente, di bababa ng sampu at walang gwapo este maganda pala! Haha.

Umupo ako kung saan sila nakaupo! Hanggang naubos na sila at tinawag na ako!

"Good afternoon iho!"

Gusto kong magpa-impress kaya inulit ko na lang yung sinabi ko kanina! Haha.

"Good afternoon Ma'am! I am Leonard Garcia! I whole-heartedly want to apply for any of the positions listed outside! I believe that this will help me grow and be a better person! I also believe that I can make a big difference in our barangay hall as well as in our community! I hope you consider my application!"

Kita ko ang pagkagimbal sa mukha ng secretary pero ngumiti na lang siya ..

"Masyado ka namang pormal, ako nga pala si Miss Enas, ano bang gusto mong pasukan bukod sa butas? Kasi yung sa Community Service at Coffee Making na lang ang available!"

Community Service o Coffee Making? Magwawalis sa kalsada o magtitimpla ng kape? Parang walang akong gusto! Haha.

At napansin ata yun ni Miss Enas!

"Kung ako sa iyo Community Service na lang piliin mo, fulfilling yun! Makakatulong ka sa mga kababayan naten!"

Madali naman akong kausap eh!

"Oh sige po. Yun na lang!"

"Ok! You're hired! Huling tatlong slot na lang para dito ang natira eh baka may kakilala ka pa, papuntahin mo na lang!"

Ganun kabilis?

"Ah eh Miss Enas, paano nga po pala yung sweldo?"

"Ahhhhh. P50 per hour. Depende yun sa oras na magseserve ka! Kaya dapat kumpletuhin mo yung 10 hours para P500 mauuwi mo sa isang araw!"

Wow! Pwede na!

Tumango na lang ako at tinawag na niya ang iba pang makakasama ko!

"Ok! Mga bata, magsisimula na kayo sa Huwebes! Alas otso dapat nandito na kayo para malaman niyo kung ano ang gagawin niyo! Magdala ng tanghalian at t-shirt! Yung sweldo niyo ibibigay pagkatapos ng service! Pramis!"

Excited akong umuwi nun para ibalita kay Mama at Papa pero habang naglalakad, may tumabi sa aking lalake ..

Ang bango ..

Hindi pala!

Ang bango-bango!

Pero hindi ko pinansin!

"Hi! I'm Bryan!" sabi niya sabay bitaw ng makahulugang ngiti! 

At biglang may kung anong kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan ............

AKO ANG NAGWAGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon