“Hoy Mister Leonard at Mister Bryan! Ang sarap ng tawanan niyo ah! Para kayong mag-asawa!” saway ni Miss Enas!
Bigla akong napatigil sa pagtawa!
Nakatingin sila sa amin.
At kung kanina kami lang ni Bryan ang tumatawa, ngayon lahat na sila.
Tumingin ako kay Bryan, tumatawa rin ang loko.
“Kiss naman jan!” pang-aasar nung isang lalaki na hindi ko na kinilala.
“Mamaya na sa bahay. Ang lagkit ko na eh!” pagsakay naman ni Bryan!
Tawanan ulit sila. Tumawa ulit si Bryan.
At ako, hindi makagalaw.
Nakikinig lang sa palitan ng salita.
Nakikiramdam.
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Para daw kaming mag-asawa?
Na-conscious tuloy ako bigla. Nakakahiya.
Bigla akong nagkamalay na si Bryan ay lalake. At ako rin ay lalake, mga kaibigan. At para daw kaming mag-asawa?
Ano na lang iisipin ni Bryan?
At bakit ako masyadong naapektuhan sa biruan?
--
Alas siete na ng gabi.
Tapos na ang tree planting.
Dumaan ang maghapon nang wala ako sa sarili.
“Ok mga bata! Tapos na ang ating community service ngayong araw na ito! Matagumpay nating naabot ang quota na makapagtanim ng isang libong acacia! Higit pa nga eh! Job well done! Ngayon pwede na kayong magshower sa ating headquarters! Pagkatapos, ibibigay ko na ang inyong kauna-unahang sweldo at uuwi na tayo!” sabik na pagbabalita ni Miss Enas!
Dali-daling kumaripas sa takbo ang mga kasama kong babad sa araw mula kaninang umaga.
Atat silang masayaran ng tubig ang nanunuyong katawan! Haha.
Ako naman, naupo muna sa isang tabi. Naglalaban ang isipan kung maliligo ba ako o hindi. Haha.
Biglang dumating si Bryan.
“Leonard, ligo lang ako ah.”
Kelangan nagpapaalam? Haha.
“Sige lang.”
“Gusto mong sumabay?” tanong niya.
(ITUTULOY ……………..
ngayon! Haha.)
“Wag na lang. Nagpapahinga pa ako eh ayokong mapasma!” sagot ko!
Akala niyo naman papayag ako! Haha.
“Ah ganun ba? Sige!” sabay ngiti na naman.
Hayyyyyyyyyyyyyyyy.
Gusto ko nang umuwi na lang.
Na-i-i-stress na ako dito. Haha.
--
Habang nagmumuni-muni at iniisip kung paano maligo si Bryan este kung paano ako maliligo dahil wala akong sabon at manghihiram na lang ako kay Bryan, biglang may pumasok na babae na nakatapis! Di ko naman pinansin! Hanggang sa lumapit siya sa akin …
“Leonard, kiss me!”
Aaaaaaaaaaaaaaaaah! Si Jenny!
Kiss daw oh?
“Kiss me Leonard! I know you want me too!”
Weh?
“Teka! Jenny! Ano bang ibig sabihin nito?”
“Just kiss me! Bahala na kung anong sunod na mangyayare satin!”
Ok lang ba siya?
“Ano? Ano bang ginagawa mo rito?”
“Well Leonard, as you can see, I’m doing community service den like you! At sakto namang nandito ka rin pala! Gotcha! Umaayon lahat ng gusto ko sa plano!
“Ha! Anong plano?”
“You are so slow Leonard! Ano pa ba? Eh di ikaw (sabay hawak sa dibdib ko! Yuck!) at ako!”
Sabay hubad ng tapis niya!
Eeewwwwwwww!
“So Leonard, handle me with care huh!”
Ano ba yan! Kadiri.
“Ano pang hinihintay mo?” pang-aakit niya! Wala namang talab! Haha.
Hanggang sumampa na siya sa akin!
Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko ..
At hahalikan na niya ako ..
Wala akong nagawa kundi pumikit na lang at ……
BOOM!
Lumingon ako sa kabila! Haha!
“Leonard! What’s the matter?”
“Tumigil ka na Jenny!”
“Bakit? Ayaw mo ba? Ayaw mo ba sa akin?”
“Kung hindi mo ako kayang respetuhin, irespeto mo na lang ang sarili mo!”
At isang daplis na sampal ang tumama sa pisngi ko! Buti daplis lang!
“Fuck Leonard! Bakla ka ba?”