Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito kay Bryan! Pero hindi naman pwedeng hindi ako magsalita kaya binuka ko na ang bibig ko na parang may isang matigas na bagay ang papasok pero ang totoo may palalabasin lang akong tunog ..
"Oh? Anong ginagawa mo dito Bryan?"
Mukhang hindi maganda ang tono ng pagkakasabi ko! May mali ata sa pagbuka ng bunganga ko!
Sumabat tuloy si Mama!
"Ano ba yan Jun-jun! Ganyan ka ba tumanggap ng bisita?"
"Ma?"
"Sabi ko bakit ganyan ka makitungo kay Bryan?"
"Kilala mo siya?"
"Wala naman sigurong ninang na hindi kilala ang inaanak noh?"
At kinakapatid ko pala si Bryan!
Kagabi lang napanaginipan kong kinakapa ko siya yun pala kinakapatid ko talaga!
Biro lang! Hehe.
"Oh! Sige! Jun-jun dalhin mo muna 'tong si Bryan sa kwarto mo at maglilinis ako dito sa baba!"
ANOOOOOOOOOOOO?
(Slow motion)
Sa kuu-waar-too k-k-ko?
(Normal na boses!)
Sa kwarto ko?
Kaming dalawa lang?
Ma alam mo ba ang kung anong mangyayari kapag binigyan mo ng pagkakataon ang dalawang binata na magkulong sa kwarto sa modernong panahong tulad nito kung saan bukas na ang isipan ng kabataan sa makamundong bagay?
Ako, hindi ko yata alam! Hehe.
"Wag na po Tita! Aalis na rin naman po ako! Napadaan lang naman po ako eh!" pagtanggi ni Bryan!
Sayang naman! Hehe.
"Ah ganun ba? Sige iho! Balik ka na lang bukas ah! Gusto ko maging malapit kayo ni Jun-jun tutal dito ka na titira!"
Naku Ma, gusto ko rin yan! Haha.
"Sige po Tita." Biglang tumingin sa akin si Bryan, "Ju-- Leonard, alis na ako! Sa Huwebes na lang!"
Tumango na lang ako at umalis na siya!
"Ano ka ba naman Jun-jun! Pati si Bryan sinupladuhan mo!"
Ayoko naman talagang gawin yun Ma pero kailangan!
"Eh hindi ko pa naman po siya kilala!"
"Kaya hanggang ngayon hindi na nasundan yang girlfriend mo eh! Suplado ka kase!"
Yun nga ba talaga Ma o dahil mas gusto ko ang ..
Ahhhh wala.
"Ano ba naman yang baguhin mo yung ugali mo para hindi nila akalain na galit ka sa mundo!"
Hindi naman ako suplado ah!
Isa pang dakdak Ma lalayasan na kita!
"Jun-jun, .."
biglang sumeryoso si Mama!
".. gusto ko na magka-apo! Kaya bigyan mo na ako!"
Ay tange!
At tuluyan ko nang iniwan si Mama!
Haha!
••
Habang naglalakad ako papunta sa kawalan, naisip ko si Bryan!
Gwapo rin pala siya ..
Tulad ko. Hihi.
Sigurado ako marami nang napaluhang babae yun!
Teka! Bakit ba siya yung iniisip ko!
Nasan ba si Dave?
Sila na kaya ni Jenny?
Nasagot yung tanung ko pagdating ko sa bahay nina Dave!
Nandun nga si Dave ..
Nandun din si Jenny!
Wala naman silang masyadong ginagawa!
Nakaupo lang sa sofa at magkalapat ang labi na parang kuhol na hindi na mapaghihiwalay ..
--
Hindi na bago sa akin na makakakita ng naghahalikan, ilang teleserye at pelikula na ang napanood ko na ginagawa yan!
Pero iba pala pag kaibigan mo na yung napapanood mo noh? Lalo na kapag alam mong dalawang araw pa lang sila ng girlfriend niya!
Alam kong hindi tama na panoorin silang dalawa pero wala rin naman akong nakikitang mali para umalis na! Haha.
Nakakatuwa kasing isipin na yung kaibigan mo na dating takot makipagkilala sa babaeng gusto niya eh walang habas na nakikipaghalikan ngayon at parang ikaw na ang hindi kilala! Haha.
Kahit alam kong hindi naman akong pwedeng idemanda ng invasion of privacy dahil wala namang ganung kaso, bilang respeto sa kanila, napagpasiyahan ko na rin namang umuwi!
Pero nasa harap pa lang ako ng gate nila at hindi pa nakakalabas, bigla akong napaatras!
"Oh Jun-jun! Bakit pauwi ka na? Wala ba diyan si Dave? Hindi naman yun aalis na bukas ang gate at wala ako! Halika, tawagin natin baka nasa banyo lang yun!"
Nagulat ako nang makita ang dakilang ina ni Dave, si Aling Lita!
Pero baka mas magulat siya pag nakita niya ang ginagawa ng anak niya!
At baka mas magulat si Dave dahil nakita ni Aling Lita ang ginagawa nila!
Waaaaaaaaaaah!